Scroll to Top

8 QUESTIONS with PAOLO BALLESTEROS

By Allan Diones / Published on Wednesday, 29 Nov 2017 10:00 AM / No Comments / 1253 views

INSPIRED by Tito Boy Abunda’s ‘Fast Talk’ segment in TWBA – here’s 8 QUESTIONS.

Madalian at mabilisang tanungan. Presence of mind lang ang kailangan.

Walong tanong para sapat lang. Hindi konti, hindi rin karamihan.

And because 8 is my favorite number (‘yun ang totoong dahilan, hehe!).

Ang ikalawang sasalang ay ang may pa-mini filmfest ngayon na si PAOLO BALLESTEROS.

Last week lang ay nag-showing ang first movie ng Tres Lolas na Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies. Today naman ang opening sa mga sinehan nationwide ng solo movie niyang Barbi D’ Wonder Beki.

Ngayon din, November 29, ang 35th birthday ng Eat Bulaga co-host, 1/3 ng JoWaPao trio at tinaguriang Makeup Transformation King (or Queen?) na si Paolo.

Happy Birthday, Pao!!!

Kaya watch n’yo ang birthday presentation niyang Barbi D’ Wonder Beki, owkey?

But before that, read n’yo muna itey, mga beshie! Here we go…[/vc_column_text][/vc_column][/vc_row]

Paolo Ballesteros as himself/ @pochoy_29 IG
Birthday Boy Paolo/ @pochoy_29 IG

1. Anong pagkain ang hindi mo pagsasawaang kainin?

Sinigang. Pagkain, ah? Ha! Ha! Ha! Sinigang na Baboy. Kasi, bukod sa madaling lutuin, always… ay, at saka pala Munggo! Niluluto ko ‘yan, Munggo at saka Sinigang.

2. If you will be born as a woman, who would you want to be and why?

Am I not born a woman? Etchos! Ha! Ha! Ha! Sino ba? Si Wonder Woman. Kasi, she’s so wonderful.

Superhero na favorite ko, si Darna. Si Darna na lang. Kasi, Wonder Beki na ako (sa movie), eh!

3. Who was the last person who broke your heart?

Nasa Google! Etchos! Ha! Ha! Ha! I-search n’yo na lang! Ha! Ha! Ha! May timeline du’n, eh. Kumpleto.

4. Who was the last person who saw you naked?

Who saw me naked? Eeehhh!! Ha! Ha! Ha! Ano ka ba? ‘Yung grupo namin sa Wonder Beki. Kasi, ‘pag naghuhubad ako, nagbibihis, maraming mga tinatali-tali.

5. Career or lovelife?

Career. Kasi, wala akong lovelife ngayon, eh! Ha! Ha! Ha! Balikan mo ako ‘pag meron akong lovelife! Ha! Ha! Ha!

6. Good sex or good food?

Good food. Ha! Ha! Ha! Good sex. Ha! Ha! Ha! Eh, ‘di good sex nga. Hindi ako mahilig kumain, eh.

7. Top or bottom?

Sino? Ha! Ha! Ha! Versa (as in versatile)! Ha! Ha! Ha!

8. If you will be Barbie, sino ang dream mo na maging Ken mo and why?

Si Piolo Pascual. Para dalawa kaming Barbie! Etchos!! Ha! Ha! Ha! Ha! Joke lang! Matagal na siyang ano, eh. Matagal ko na siyang crush. Hi, Piolo! He! He! He!

Paolo as Barbi D' Wonder Beki/ @pochoy_29

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *