Scroll to Top

Derek Ramsay super-bonding with son Austin this Christmas

By Allan Diones / Published on Monday, 25 Dec 2017 12:58 PM / No Comments / 1746 views

KAPILING ni Derek Ramsay ngayong Holiday Season ang kanyang anak from his Dubai-based, non-showbiz ex-girlfriend.

Binatilyo na si Austin, na after two years ay dito ulit sa ‘Pinas nag-Pasko kasama ng kanyang Daddy Derek.

Ang ganda ng setup ni Derek at ng kanyang non-showbiz, live in girlfriend na si Joanne Villablanca, who also has a child from a former relationship.

Sophia ang name ng daughter ni Joanne at okey na okey ang relasyon nila ni Derek.

Sey ng hunky actor, nu’ng umpisa siyempre ay hindi pa siya kilala ng bagets. Eh mahilig siya sa bata, so mabilis silang nagkasundo. Ngayon ay grabe ang kulitan nila ni Sophie.

“It’s a great relationship,” sabi ng leading man ni Jennylyn Mercado sa MMFF 2017 entry na All Of You.

Ani Derek, okey rin si Sophia at ang ama nito at hindi niya papalitan ang puwesto ng father nito. Supportive tito lang ang peg niya.

Okey din si Austin at ang Tita Jo nito, so everybody happy.

Derek with son Austin and Joanne with daughter Sophia/ @ramsayderek07 IG

Nataong press preview ng All Of You nu’ng December 12 na dumating si Austin from Dubai, so isinama ito ni Derek sa preview sa SM Megamall Director’s Club.

Napanood ni bagets maging ang intimate scenes ni Derek with Jennylyn at deadma lang ito.

The following day ay nag-Bukidnon ang mag-ama para sa opening ng isang Dunkin Donuts branch doon.

Kuwento ni Derek, mahilig sa laptop ang kanyang 14-year-old son. Binilhan niya ito ng Alienware Dell laptop na sobrang hi-tech na pang-gaming. As in bitbit daw ito ni bagets sa eroplano, parang anak nito na ayaw bitawan.

“It’s bigger than him, it’s so big. I said, ‘Do you want a Macbook?’ ‘No, I want this one!’ Hindi ko alam kung ano ‘yung Alienware. Pagtingin ko, Dyusko! Ang mahal!” natatawang pakli ng tatay na tatay na si Derek.

Derek with 14-year-old son Austin at the press preview of 'All Of You'/ @ramsayderek07 IG
Derek with his dad and his son Austin/ @ramsayderek07 IG

Nu’ng December 23 ay isinama ni Derek si Austin sa MMFF parade sa Muntinlupa.

“He’s with me again finally, since 2015,” masayang sambit ng aktor.

Dito sila nag-Pasko, then after the MMFF awards night sa December 27 ay lilipad na sila ng Palawan. Doon na sila hanggang New Year.

May bonggang beach house si Derek sa San Vicente, Palawan.

Enjoy din ba si bagets sa Palawan?

“Walang takot ‘yung batang ‘yan. Last time we were there in 2015, hinihila ko siya behind the boat sa gitna ng laot, ha? Nakapatong siya du’n sa parang donut, pinapalaglag ko siya. Sa gitna ng dagat, nalalaglag siya, wala siyang pakialam kahit mag-isa lang siya.”

Namana ni Austin ang pagiging adventurous ni Derek, pero mas outdoorsy raw siya dahil sa Dubai kung nakatira si bagets ay mainit masyado. Kaya ang exposure lang nito sa sports ay sa school. Grade VIII si Austin sa eskuwelahan nito sa Dubai.

Derek & Austin at the MMFF 2017 parade/ @ramsayderek07 IG

Isinama rin ni Derek ang GF niyang si Joanne sa preview ng All Of You. Kaya biro ni Jen, nag-CR siya nu’ng parteng love scenes nila ni Derek dahil na-shy siya sa girlfie ni Derek na nasa audience.

Ang sabi ng aktor, selosa si Jo sa ibang bagay pero hindi sa trabaho niya. Kaya hindi ito apektado sa love scenes nila ni Jen.

In fact, gusto raw talaga nitong sumama para suportahan siya sa kanyang filmfest movie.

Magkaiba sila ng kaso ni Jen na hindi kering ipapanood sa nobyong si Dennis Trillo ang mga pelikula niya.

Ani Jen, maging siya ay never nakanood ng movies ni Dennis. Ang na-watch lang niya ay ‘yung The Janitor at Felix Manalo. Hindi raw talaga sila nanonood ng pelikula ng isa’t isa.

Touched si Derek sa sinabi ni Jen na ibang-iba si Derek sa All Of You at lalaban ulit ito sa pagka-Best Actor.

Hindi raw niya alam na ganu’n kagaling ang kanyang leading man at dito siya humuhugot lalo na sa mga eksena nila sa pelikula na hindi pa niya na-experience sa totoong buhay.

Palabas na starting today, Christmas Day, ang All Of You mula sa Quantum Films sa direksyon ni Dan Villegas.

Derek with 'All Of You' leading lady Jennylyn Mercado at the MMFF parade/ @quantumfilmsph IG

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *