LOOK: Luna Agoncillo celebrates 2nd birthday with a Peppa Pig-themed party
TWO YEARS OLD na ang youngest daughter nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na si Juana Luisa or Luna.
Bukas, January 8, ang actual birthday ni bagets, pero ngayong hapon ginanap ang celebration sa house ng mga Agoncillo sa Alabang Hills Village sa Muntinlupa City.
Peppa Pig ang theme ng kiddie party bilang paborito ni Lunnie Bunny (tawag sa cute na bagets) ang sikat na pig character mula sa hit British TV animated series.
Punong abala siyempre ang mga magulang ng birthday girl. Dumating ang ilan sa malalapit na kaibigan ng pamilya, na nu’ng bandang gabi ay nag-segue na sa misa.
Every first Sunday of the month kasi ay nakagawian na ng mga Agoncillo ang magpa-mass with their family and friends, na kadalasan ay si Juday ang nagluluto ng masasarap na pagkain. Si Father Tito Caluag, na malapit sa pamilya, ang regular na nag-o-officiate ng mass.
Here are some pics na kuha namin kanina mula sa masayang birthday party ni Luna…