Scroll to Top

SofiEgo, handang lumaban sa mga sikat na loveteam: “We know that we can, we know that we have it. Sana lang, bigyan kami ng pagkakataon.”

By Allan Diones / Published on Thursday, 11 Jan 2018 12:50 PM / No Comments / 1163 views

SAKSES ang unang teleserye ng SofiEgo loveteam nina Sofia Andres at Diego Loyzaga na Pusong Ligaw.

Akala nila ay makakaisang season lang ito, pero umabot ito ng 9 months, na magtatapos bukas sa afternoon block ng Kapamilya network.

Kaya happy at matamis ang mga ngiti nina Sofia at Diego nang makausap namin sila sa farewell presscon ng Pusong Ligaw.

“Siyempre po, masaya. Kasi, first teleserye namin, eh. At saka blessed kami sa mga kasama namin sa cast. Kasi, sobrang bait nila. I must admit, walang mayabang, walang nakaka-intimidate. Lahat talaga, close sa set,” bulalas ni Sofia.

Sey naman ni Diego, first time niyang ma-experiene na naging pamilya talaga sila ng mga katrabaho niya sa show. Kaya nu’ng mag-holiday vacation siya recently ay na-miss daw niya ang taping nila, pati na ang mga nakakasama nilang crew sa set.

Ang daming memorable experiences ng SofiEgo sa nasabing teleserye, pero mas ramdam nila sa tuwing may umaalis sa show o nababawas sa cast dahil naging malapit na sa kanila ang mga ito.

Bittersweet para sa mag-loveteam ang kanilang last week of taping at nase-SEPANX (separation anxiety) na raw sila nang sobra.

Diego Loyzaga & Sofia Andres at the farewell presscon of 'Pusong Ligaw'/ ©allandiones.com
SofiEgo's first teleserye 'Pusong Ligaw' will end tomorrow after 9 months/ @starcreativestv IG

Usapang Tahong

Mukhang sina Sofia at Diego pa rin ang magkasama sa next project nila sa ABS-CBN.

Kasama si Sofia sa cast ng upcoming Kapamilya series na Bagani na pagbibidahan ng LizQuen loveteam nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Hindi kasama si Diego sa show, pero nalaman namin na nag-look test na pala siya para rito, waiting na lang siya kung papasok nga siya sa show.

Superhero ang role dito ni Sofia. Bukod sa LizQuen ay kasama rin sa limang bida ng Bagani sina Matteo Guidicelli at Makisig Morales.

Happy ang 19-anyos na dalaga dahil dream niya rin talagang maging superhero.

In fairness, ang ganda niyang superhero, ha?

“Thank you po, pero kailangan ko pang magpapayat. Mataba pa ako, eh!” kaswal na reaksyon ng tisay na young actress.

Natawa kami sa chika ni Sofia na ang costume niya sa Bagani ay may mga nakakabit na tahong o sea shells. Kaya tumutunog daw ang suot niya at alam na ‘pag dumarating siya.

May kaugnayan sa water ang superpowers ni Sofia kaya may mga tahong sa kanyang costume.

Ang taray, Tahong Superhero!

“Ha! Ha! Ha! Ha!” tawa niya sa kantiyaw namin.

Kumakain ba siya ng tahong?

“Opo naman.”

Napansin naming natawa si Diego sa tanong namin.

Si Diego ba ay kumakain din ng tahong, gaya ni Sofia?

“All day, everyday. Yeah, kumakain ako ng tahong. I love my seafood,” nakangiting sagot ng 22-anyos na binata.

Mahilig ba siya sa tahong?

Nag-isip kunwari si Diego at nag-smile lang. Hindi siya sumagot, na-gets niyang may halong kaberdehan ang tanong namin.

What's next for SofiEgo after 'Pusong Ligaw'? Will Diego join Sofia in the upcoming Kapamilya series 'Bagani'?/ @franb_u IG
Their teleserye ends this week and their movie opens next week. Sofia & Diego will star in 'Mama's Girl' from Regal Films

Tambalang may laban

Magtatapos ang teleserye ng SofiEgo this week at next week naman ay meron silang pelikula na ipapalabas, ang Mama’s Girl ng Regal Films.

Aminado si Sofia na kabado siya sa Mama’s Girl dahil marami pang ibang sikat na loveteams.

“So, we’re really trying our best to prove ourselves,” pakli ng young actress.

Hirit ni Diego, “We know that we can, we know that we have it. Sana lang bigyan kami ng pagkakataon. ‘Yun lang.”

Sa tingin ba nila ay may laban ang SofiEgo sa mga sikat na loveteam na sinasabi nila?

“Meron naman po. Meron naman,” mabilis na sagot ni Sofia.

Ano ba ‘yung puwede nilang i-offer as a loveteam?

“After ng Mama’s Girl, let’s see.”

Sa TV ay okey sila dahil tumagal sa ere ang Pusong Ligaw. Sa movie ay hindi pa nila alam, kaya ganu’n na lang ang kaba ni Sofia.

Eh si Diego, kabado rin ba?

“Sakto lang. I believe God has His way na gumagawa ng mga plan. So, let’s see what happens,” sambit nito.

Bukas na, January 12, ang pasabog na finale episode ng Pusong Ligaw pagkatapos ng It’s Showtime.

Sa Miyerkules naman, January 17, ang showing nationwide ng SofiEgo movie na Mama’s Girl mula sa Regal Entertainment.

Diego & Sofia in a scene from 'Mama's Girl' opening January 17 in cinemas nationwide

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *