Scroll to Top

WATCH: Diego Loyzaga explains the naked video he posted on his Instagram Story

By Allan Diones / Published on Saturday, 06 Jan 2018 18:05 PM / No Comments / 2789 views

AKSIDENTE ang pagkaka-post ni Diego Loyzaga ng maiksing naked video niya sa kanyang Instagram Story na tinanggal din niya kaagad.

Kaya lang ay may mga nakapag-save na nito, so kinunan ng screenshot ang kanyang video at ‘yun ang kumalat online, na ang dating ay tila sinadya ni Diego na mag-post ng kanyang nude selfie.

Kanina sa presscon ng bagong pelikula ni Diego with Sofia Andres na Mama’s Girl under Regal Films ay inusisa siya ng press tungkol dito.

Natatawang paliwanag ng 22-anyos na Kapamilya actor, sa Europe siya nag-holiday vacation at doon nangyari ang insidente.

Aniya, Swedish and Finnish tradition ‘yon na you go butt naked sa sauna at sa hot tub habang nag-i-snow sa labas.

It was in Sweden nang i-video niya ang sarili niya before going to the bath tub, then he saved it for himself, but accidentally ay na-post ‘yon sa kanyang Instagram Story.

A blurred screenshot of Diego Loyzaga's naked video that he accidentally posted on his IG Story

Actually, marami pa raw siyang ibang videos na topless siya at butt naked, pero hanggang waist lang ‘yung mga shot niya at hindi kita ‘yung ibaba.

Sa vid niya na ‘yon ay na-pan down ‘yung camera niya kaya nahagip ang kanyang harapan, pero hindi rin na-expose ang kanyang private part dahil hawak niya ito ng isang kamay niya. Kaya blurred dahil screenshot ito from a video at hindi siya photo.

“No, I didn’t upload a photo of myself naked,” natatawang sey ni Diego.

Para sa binata ay hindi raw ‘yon scandal. Naging isyu lang dahil tinanggal niya kaagad ‘yung video pagka-post niya nang hindi sinasadya.

Kaya hirit namin sa kanya, sana ay hindi na lang niya ito ni-delete. Marami rin daw ang nagsabi nu’n sa kanya.

Samantala, sa January 17 ang showing nationwide ng Regal movie na Mama’s Girl na kasama rin nila ni Sofia sina Sylvia Sanchez, Jameson Blake, atbp.

Panoorin below ang masayang paliwanag ni Diego Loyzaga (at paki-Like, Share and SUBSCRIBE na rin po sa aming YouTube Channel. Thank you!).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *