Scroll to Top

WATCH: Janella Salvador on her and Elmo Magalona’s Valentine plans: “Ask n’yo siya! Ha! Ha! Ha!”

By Allan Diones / Published on Monday, 29 Jan 2018 13:34 PM / No Comments / 2729 views

MERON pa pala kaming short video interview kay Janella Salvador, taken at the wedding of Elmo Magalona’s sister, Maxene Magalona to Robby Mananquil, last January 11 sa Boracay.

It was so nice to see Janella na very much welcome sa event na ‘yon ng pamilya ni Elmo.

As in na-feel ni Janella ‘yung warmth ng Magalonas and naramdaman niya na parang part siya nito, “I’m so glad to be part of it,” masayang bulalas ng Kapamilya young actress.

Nasabi rin ni Janella na bilib siya sa pagiging nanay ng Mommy Pia Magalona ni Elmo because she’s very supportive and she guides all of her 8 children every step of the way.

Doon sa RobMaxx wedding ay saksi kami sa sweetness ng ElNella at sobrang inseparable ang mag-loveteam.

Sa reception ay kinilig ang lahat sa kaswitan ng dalawa lalo na nang mag-duet sila ng FrancisM hit na Cold Summer Nights, na ginawan ng cover version ni Moe last year.

Janella Salvador with ka-loveteam (and boyfie?) Elmo Magalona at the wedding of Elmo's sister, Maxene Magalona in Boracay/ ©allandiones.com
Janella with Elmo's mom, Pia Arroyo-Magalona at RobMaxx wedding/ ©allandiones.com
ElNella with Pia Magalona and the cute family of Elmo's eldest sister, Unna Fernando-Lu in Boracay/ ©allandiones.com
Kilig ElNella moment at the wedding reception/ ©allandiones.com

‘My Fairy Tail Love Story’

Valentine’s Day offering ng Regal Entertainment ang ElNella movie na My Fairy Tail Love Story.

Finally ay maipapalabas na ang pelikula kaya super-excited na raw si Janella.

“We’ve veen working so hard sa filn na ‘yon and we really hope maraming manood because it’s really something else talaga.

“And kahit hindi kami nakapasok sa MMFF, sobrang happy kami dahil ang ganda talaga nu’ng film na ginawa ni direk (Perci Intalan). Sobrang proud kami du’n,” pakli ng 19-anyos na dalaga, who plays a mermaid in the movie.

Nalungkot ba sila na hindi sila napili sa nakaraang Metro Manila Film Festival?

“Medyo, pero I see it na lang as parang may ibang plan si God siguro. May different opportunity.”

So, anong Valentine plans nila ni Moe?

“Ask n’yo siya! Ha! Ha! Ha! Hindi ko pa alam!” tawa ng obviously ay happy and in love na si Janella.

February 14 ang showing in cinemas nationwide ng My Fairy Tail Love Story mula sa Regal Films directed by Perci Intalan.

Panoorin below ang interview namin with Janella. And please Like, Share and SUBSCRIBE na rin po to our YouTube channel. Thank you!

ElNella's fantasy-romance movie 'My Fairy Tail Love Story' swims into cinemas near you on Valentine's Day

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *