Scroll to Top

That’s My Bae Joel, nakatanggap ng indecent proposals mula sa mga klosetang aktor!

By Allan Diones / Published on Saturday, 25 Nov 2017 10:00 AM / No Comments / 4644 views

MATAPOS linawin na hindi siya ang nasa kumalat na ‘kissing photo’ kasama ang isang lalaki, meron pa kaming ibang nasagap na tsika nang makausap namin si That’s My Bae Joel Palencia.

Ipinagdiinan ng isa sa anim na miyembro ng all-male group na nabuo sa That’s My Bae contest ng Eat Bulaga na peke ang kinasangkutan niyang ‘gay scandal’ dahil Photoshopped ang larawang kumalat sa social media.

Ang medyo nakakalerky ay ang natanggap niyang indecent proposals after the controversy dahil akala nga ay totoo ‘yung issue.

Ang sabi ng 23-anyos na binatang taga-Antipolo, nang pumasok sa showbiz ang mga Bae ay normal na ‘yung mga indecent proposal na gano’n.

Sey ni Joel, hindi maiiwasan ‘yon dahil mga public figure sila. So, hinayaan na lang niya ito dahil ganu’n talaga ang buhay.

Medyo natawa lang siya at nagulat dahil mas dumami ang natatanggap niyang indecent proposals mula nang pumutok ang bading isyu sa kanya.

Aniya, may mga nag-akala na totoong siya ‘yung nakikipaghalikan sa kapuwa niya lalaki at nakikipag-sexchat sa FB messenger with the same guy.

Kadalasan ay via DM’s (direct messages) sa Facebook niya natatanggap ang mga ito.

“May mga offer po na matatawa ka po, na ganitong amount. ‘Punta ka dito.’ Ganito, ganyan,” napapangiting kuwento ni Joel.

Anong pinakamalaking halaga na inalok sa kanya?

“Ay! Ha! Ha! Ha! Wala naman pong specific amount, parang nag-o-offer lang po na, ‘How much?’ Ganito, ganyan. Natatawa po ako.”

That's My Bae Joel Palencia/ @thatsmybae_joel IG

Bukelya ang mga kloseta

Habang nagkukuwento ay medyo napaisip nang konti si Joel at tila nag-alangan pa kung kailangan niya bang i-open up sa amin ang susunod niyang chika.

Pero nai-share pa rin niya ito sa amin. Base sa kuwento niya, nu’ng lumabas ang ‘kissing photo’ niya na naging viral sa social media, may ilang male celebrities na nag-message sa kanya at nagpakita ng interes.

“Hindi na lang po ako magme-mention (ng name), just to be safe na lang po. Kasi, baka sabihin po, sinisiraan ko po (sila). So, ayun lang po,” maingat na dayalog sa amin ng EB mainstay.

Eh ‘di nalaman niya tuloy na mga closet gay pala ‘yung mga nag-message sa kanya na ‘yon?

“Opo! Ha! Ha! Ha! Mas nakakagulat po. Actually, lahat po kaming mga Baes, nagugulat kami. ‘Totoo ba ‘yan?’”

So, merong mga hindi openly gay sa showbiz na tila bet siyang matikman kaya nag-message sa kanya, ganern?

“Pati nga po ako, nagulat eh. Parang, ‘Ay, totoo ba?’ Ewan ko po. Kasi, mahirap mag-jump din po (to conclusion) na, ‘Ay, ganito pala sila!’ Mahirap po ‘yon. Baka nagtatanong lang din po. Ayun po,” hirit ni Joel, na parang may slight pagbawi sa kanyang juicy revelation.

Joel Palencia/ @thatsmybae_joel IG

Kilala ang sarili

Ang kapuwa Bae niya na si Kenneth Medrano ay meron ding lumabas na scandal pic, pero babae ang ka-sexchat nito.

Si Joel ay lalaki ang sangkot sa ‘scandal’ niya, kaya pinagdudahan talaga ng marami ang kanyang pagkalalaki.

“Opo, totoo po ‘yon,” pagsang-ayon niya.

So, masasabi niya ba na hindi talaga siya bading?

“Hindi po. Alam naman po ‘yon. Opo naman po,” napapa-smile na sagot niya sa amin.

“Actually, natutuwa po ako, kasi lumabas ‘yung picture, then, hindi ko siya pinansin and then, umabot sa 18K shares sa Facebook.

“Kumalat sa iba’t ibang page. Nakakatuwa na may nababasa ako na may mas naniniwala sa akin.

“Siyempre, kilala ko ang sarili ko, mas kilala rin ako ng mga kaibigan ko. So, ‘yun lang po.

“Sa lahat po ng mga nag-iisip (na isa siyang beki), well, nasa kanila na po ‘yon. Tinatawanan ko na lang po.”

Sa tingin ba niya, hindi makakasira sa image niya bilang isa sa That’s My Bae, na kinukuwestyon ang pagkalalaki niya?

“Totoo po ‘yon. Siguro po, may mga taong naapektuhan. Pero naipakita ko naman po. Humarap naman po ako sa tao na hindi po talaga ako ‘yon.

“Kasi, siguro kung ako po talaga ‘yon, baka hindi po ako makakaharap sa tao. So ayun, may mall shows kami, then pumasok pa rin ako. Ipinakita ko talaga.

“Kahit ‘yung mga staff doon sa Bulaga po, may mga nagtatanong. Actually, nakakapagod.

“Nakakapagod na tinatanong ako personally. Paulit-ulit, eh. Ayaw po kasi ng management na magsalita ako nu’ng time na ‘yon. So, ayun po.”

Bae Joel/ @thatsmybae_joel IG

Na-ban sa mga pageant

May theory si Joel kung anong pinanggalingan ng kontrobersyang kinasangkutan niya.

Aniya, bago kasi siya pumasok sa showbiz ay sumasali siya sa iba’t ibang male pageants para meron siyang extra income.

Nagtrabaho muna siya sa isang call center company. Nang mawala na siya roon ay nagsimula siyang sumali-sali sa mga contest.

Una ay sa barangay nila sa Antipolo, hanggang sa naging Mr. Antipolo siya nu’ng 2015.

At dahil title holder na siya sa lugar nila, bawal na siyang sumali sa mga pageant doon. So, pinalaban siya ng ibang handlers niya sa Malabon, Marikina, Makati, atbp.

Actually, matatawag siyang ‘kontesero’ dahil ang dami niyang nasalihang kontes kung saan-saan.

Pero hindi raw kinu-consider ni Joel na ganu’n siya dahil para sa kanya ay extra income lang ‘yon.

Feeling ni Joel, advantage niya na nagtrabaho siya sa call center, kung saan requirement ang pagsasalita ng English.

Kaya magaling daw siyang magsalita at medyo lamang siya pagdating sa question & answer portion.

Umabot sa walo ang napanalunang mga titulo ni Joel mula sa iba’t ibang cities sa Pilipinas.

Ang target na niya dapat noon ay ang sumali sa national pageants, pero hindi na siya umabot sa gano’n.

Tapos, dumating sa point na naba-ban na siya ‘pag alam na pupunta siya sa ibang pageant.

Aniya, ‘yun ang nag-trigger dahil may ibang handlers na nagagalit na sa kanya dahil nandu’n na naman siya at sasali na naman siya sa pakontes.

Feeling ni Joel ay doon nag-umpisa ‘yung mga paninira sa kanya.

That's My Bae Joel for Heroes Barbers

Lesson learned

Anong leksyon kaya ang natutunan ni Bae Joel sa scandalous experience niya na ito?

“For me, sa mga taong naba-bash din online, kasi, marami po ngayon ‘yung bullying po online.

“Siguro po, ‘yun ang pinaka-the best way na ano… ‘yung manahimik na lang kahit hindi totoo o siguro totoo. Manahimik ka na lang para mamatay din ‘yung isyu.

“Kasi, mas maaapektuhan ka. Madadagdan nang madadagdagan. So, ayun lang po,” huling sambit ni Joel Palencia, na kasama ng lima niya pang ka-Bae ay kinuhang endorsers ng bagong chain of barbershop na Heroes Barbers.

That's My Bae Joel (leftmost) with his fellow amBAEssadors of Heroes Barbers

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *