Scroll to Top

Alden Richards on the AlDub movie for 2018: “Wala pa po kaming final word, so we’ll just wait for it.”

By Allan Diones / Published on Saturday, 30 Dec 2017 19:15 PM / No Comments / 4054 views

SINULIT ni Alden Richards ang 9-day vacation niya with his family sa Japan.

First out of the country trip ‘yon ng pamilya niya at marami raw silang napuntahan. They first went to Fukuoka kung saan na-enjoy nila ang onsen (hot spring bath), tapos ay nag-ikot-ikot sila sa Tokyo.

Very happy ang Pambansang Bae dahil narelaks ang lolo’t lola niya. Ang mga ito ang priority ni Alden abroad dahil medyo matanda na ang kanyang lolo at lola.

Kaya as much as possible, hangga’t kaya pa ng mga ito ay pipilitin niyang makapag-travel kasama ang grandparents niya.

Next year ay sa ibang lugar naman balak dalhin ni Tisoy ang pamilya niya at paghahandaan niya raw ang biyahe nilang ‘yon.

Alden Richards with Daddy Bae and his sisters, Rizza & Angel at the Shrines and Temples of Nikko in Japan/ @daddy_bae IG
Alden together with his whole family in Japan/ Alden's FB

Tuloy pa ba o hindi na?

Happy si Alden dahil sobrang okey ang taong 2017 para sa kanya. Ang dami pa ring dumating na blessings. Pagdating sa endorsements ay marami pa ring nag-renew ng kontrata this year and up to next year.

Ang Concha’s restaurants niya, next year ay available na ang franchising at palalakihin daw nila ito talaga.

Sa kanyang Concha’s Garden Café sa Scout Madriñan (malapit sa kanto ng Tomas Morato Avenue Extension), QC ginanap ang pa-thanksgiving lunch ni Alden for his friends from the entertainment press.

Pagdating sa TV projects gaya ng teleserye na balitang gagawin niya this year, ang sabi ng Kapuso actor ay magpapa-presscon ang GMA ‘pag meron nang update. But so far, everything is in the planning process.

“Even the movie (with Maine Mendoza), wala pa po kaming final word, so we’ll just wait for it,” ang sabi ng Pambansang Bae.

The last time we talked to Alden ay nabanggit niya sa aming isang action film ang gagawin ng AlDub sa 2018 na ididirek ni Mike Tuviera (direktor ng hit AlDub movie na Imagine You & Me).

This afternoon ay tinanong namin si Direk Mike kung tuloy pa ba ang nasabing AlDub movie at ang sagot lang nito sa amin ay, “Naku, si Tatay lang yata ang makakasagot niyan.”

Kasamang nagbabakasyon ngayon ni Direk Mike sa Japan ang kanyang amang si Mr. Tony Tuviera at ang kanilang pamilya.

Alden with ka-loveteam Maine Mendoza in Hong Kong Disneyland/ @mainedcm IG

Contented birthday boy

26th birthday Alden sa January 2 at ang b-day wish niya ay katulad ng sinulat niya sa Instagram Stories niya na, “Peace, continuous blessings po at saka stability.”

Paliwanag niya, “Simple lang naman po, eh. At saka wala naman po akong masyado nang hinahanap. Kasi, I’m very much contented na po with everything.”

Hindi uso sa Eat Bulaga heartthrob ang New Year’s resolution. Katwiran niya, hindi na kailangang maghintay pa ng Bagong Taon para magbago kung may gustong baguhin sa sarili.

Para sa Team Abroad, sa January 20 ay may show si Alden sa Sydney, Australia.

Meron din siyang shows for GMA Pinoy-TV sa New Jersey at sa Toronto, abangan n’yo na lang ang exact dates and venue.

Pambansang Bae Alden Richards turns 26 on January 2/ ©allandiones.com

GMA New Year Countdown

Sey ni Alden, kaya napauwi siya nang maaga from Japan ay dahil sa GMA New Year Countdown na 7 years na niyang ginagawa.

GMA New Year Countdown to 2018: Buong Puso Para sa Kapuso ang pamagat ng selebrasyon this year sa SM Mall of Asia (MOA), Seaside Boulevard bukas, December 31.

Pangungunahan ni Alden ang musical performances. Ka-join din dito ang Kapuso heartthrobs na sina Mark Herras, Benjamin Alves, Rocco Nacino, Miguel Tanfelix, Jak Roberto, Jeric Gonzales, Addy Raj, Matthias Rhoads, Juancho Trivino, Jason Abalos at Migo Adecer, na may inihandang mix macho and boy next-door performance.

May sizzling hot moves sa dance floor ang Kapuso leading ladies na sina Bianca Umali, Joyce Ching, Klea Pineda, Ayra Mariano, Denise Barbacena, Lindsay de Vera at Hanna Precillas, kasama ang 2017 Reina Hispanoamericana na walang iba kundi ang Kapuso actress na si Ms. Teresita Ssen ‘Winwyn’ Marquez.

Hindi makukumpleto ang gabi na walang musical entertainment mula sa Asia’s Romantic Balladeer na si Christian Bautista at Asia’s Pop Princess na si Julie Anne San Jose.

May inihanda namang fiery performance sina Kris Bernal, Sanya Lopez at Andrea Torres.

May masayang throwback sa mga nangyari sa taong 2107 ang Kapuso comedians na sina Tetay, Valentin, Maey Bautista, Nar Cabico at Betong Sumaya.

10:00 PM ang live telecast ng GMA New Year Countdown to 2018: Buong Puso Para sa Kapuso kung saan inaabangan ang world-class fireworks display pagpatak ng alas-dose ng hatinggabi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *