Scroll to Top

Derek Ramsay is just waiting for the right time to marry his non-showbiz GF: “Sobrang ready na ako! Sure na sure!”

By Allan Diones / Published on Friday, 01 Dec 2017 20:22 PM / No Comments / 2433 views

NAG-PROPOSE na nga ba si Derek Ramsay sa kanyang non-showbiz girlfriend doon sa kanilang recent trip sa Europa?

Uso sa celebrities ang nagta-travel abroad at doon nagaganap ang proposal (like Erwan Heussaff to Anne Curtis), kaya may tsikang baka ganu’n din ang nangyari kay Derek at sa kanyang girlfriend of more than 2 years na si Joanne Villablanca.

Nang makausap namin si Derek kaninang hapon bago nagsimula ang presscon ng MMFF 2017 movie nila ni Jennylyn Mercado na All Of You ay napapangiti lang ang hunky actor sa isyu.

Paliwanag ni Derek, espesyal ang biyahe nila na ‘yon for his mother at buong pamilya niya ang pumunta ng Europe.

Favorite place ng mom niya ang Switzerland kaya doon ito nag-celebrate ng 70th birthday na kasama sila. Almost 20 silang lahat.

Bale 10 days sila sa Switzerland, 7 days sa Florence at 5 days sa Rome, kung saan nakita nila ang Pope sa mismong birthday ng mommy niya.

In short, it was purely a family trip at walang marriage proposal na naganap.

Kaswal na deklara ni Derek, “Kung magpo-propose ako, dito sa Pilipinas. This is my home country, dito ako titira. I want everything to be done here.”

Dugtong niya pa, “I know others who had their weddings abroad. I wanna keep it here.”

Malapit na bang maganap ‘yon?

“Tingnan natin. Ha! Ha! Ha!”

Derek Ramsay with girlfriend Joanne Villablanca in Florence/ @ramsayderek07 IG
Derek & Joanne with the Leaning Tower of Pisa/ @ramsayderek07 IG
Derek with his mom, who celebrated her 70th birthday in Europe/ @ramsayderek07 IG

Stronger than ever

Actually, sa social media pa lang ay makikita mo na kung gaano kaseryoso at ka-intense ang pagmamahalan nila ni Joanne.

So, obviously ay sa kasalan na talaga ang bagsak ng relasyong ito.

“Yes, it really is. Everything is going well. It’s very, very serious. The relationship is stronger than ever,” bulalas ng 40-anyos na aktor.

“I don’t compare relationships to relationships that I had in the past. But you know, this relationship is solid and it looks like nothing can break this relationship.”

Ayon kay Derek, kung magpapakasal siya ay dito niya sa Pilipinas gustong gawin at hindi sa ibang bansa.

Posible raw na sa Palawan kung saan meron siyang pag-aaring beach resort ito maganap.

Derek Ramsay at the presscon of 'All Of You,' his MMFF 2017 movie with Jennylyn Mercado/ ©allandiones.com

Sure na sure

During the open forum ay nabanggit ni Derek sa press na hindi siya pumapasok sa relasyon nang hindi niya iniisip ang paglagay sa tahimik.

Pero aniya, dapat ay pinag-iisipan nang mabuti ang bagay na ‘yon at hindi ‘yung tatalon na lang agad-agad sa pagpapakasal.

Ang sa kanya raw ay step by step, para ‘pag nagdesisyon na siya at alam niyang ‘yun na ang right time, tapos ay na-feel niyang ready na siya, “Panghabambuhay na, which marriage is all about.”

Kung sa pelikula nila ni Jen na All Of You ay hindi pa handang magpakasal ang karakter ni Derek na si Gab, sa totoong buhay ay kabaligtaran dahil handang-handa na siya.

“Yes, I’m ready. I’m at that point in my life where I can see the future being smooth sailing.

“Just find the right time. Me as a whole, sobrang ready na po ako.”

At hindi lang ready kundi sure na, gano’n?

“Sure na sure!” sambit ni Derek.

Isa sa walong official entries ng Metro Manila Film Festival this year, mapapanood ang All Of You sa mga sinehan nationwide simula sa December 25.

Mula ito sa direksyon ni Dan Villegas (na nagdirek din ng award-winning at hit JenDer movie na English Only, Please). Produced by Quantum Films, MJM Productions, Planet Media Production at Globe Studios.

Derek & Joanne at Lake Blausee in Switzerland/ @ramsayderek07 IG
Derek & Joanne: Lovers in Paris/ @ramsayderek07 IG

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *