Scroll to Top

Joross Gamboa & EA Guzman on wearing drag and tucking their tender parts: “In-embrace na lang namin ‘yung pag-ipit sa mga itlog namin!”

By Allan Diones / Published on Tuesday, 19 Dec 2017 17:16 PM / No Comments / 2677 views

BEKI Beshies ang role nina Joross Gamboa at Edgar Allan Guzman sa MMFF 2017 entry na Deadma Walking.

Sey ni Joross, ang karakter niyang si John ay disenteng bading na hindi loud na gaya ng kay EA. Gay si John, pero hindi siya flamboyant. Magkaiba raw ‘yung akting nila ni EA para makita ‘yung contrast sa mga karakter nila. Biro ni Joross, ang manager niyang si Noel Ferrer ang peg niya sa role niya rito.

Si John ay may-ari ng laundry shop, water refilling station at PR agency. May kaya siya, kaya keri niyang i-fake nang bonggah ang pagkamatay niya at mag-stage ng pekeng lamay sa tulong ng beshie niyang si Mark, na ginagampanan ni EA.

Baklitang maingay, malandi at maharot ang description ni EA sa kanyang karakter na si Mark na isang sales agent.

Ang sabi sa amin ni EA, pangatlong gay role na niya ito sa pelikula after ng Working Beks at I Do Bidoo Bidoo. Sa TV ay mga pitong beses na siyang gumanap na bading.

Pareho sila ni Joross na walang keber sa pagtanggap ng gay roles dahil para sa kanila ay parte ito ng trabaho nila bilang aktor.

“Honestly, ine-enjoy ko siya ‘pag nagbabakla ako talaga. Kasi, ang gays naman, masasaya lang eh. Makikita mo ang mga gay, everyday masasaya. So, ine-enjoy ko siya,” nakangiting bulalas ni EA.

Joross Gamboa & EA Guzman as Beki Beshies in 'Deadma Walking'
Joross Gamboa & Edgar Allan Guzman

The ‘ipit’ challenge

Kung meron mang challenge na kalakip ang pagganap sa beki role lalo na kung kailangang mag-drag o mag-mujer, nagkakaisa sina Joross at EA sa pagsasabi na ‘yun ay ang PAG-IIPIT ng kanilang private parts.

“Like dito sa Deadma Walking, theater actor ako. So, naka-mujer kami. May ipit factor!” napapangiting pakli ni EA.

Dahil kailangan niyang magsuot ng costume na pang-girl na minsan ay fit na fit, dapat mag-ipit or else ay bubukol ang kanyang harapan.

Ani EA, mas maganda siyempre kung walang makikitang umbok sa kanyang harapan. Bukod sa makeup, doon siya nahihirapan dahil first time niyang mag-ipit ng kanyang nota at yagbols.

“Mga dress kasi ‘yung sinuot ko du’n sa theater performance namin sa movie. So siyempre, ‘pag dumidikit, bubukol talaga siya kahit hindi matigas. Ha! Ha! Ha!” tawa ng 29-anyos na si EA.

At least, may bumubukol pala sa harapan niya, ha?

“Hindi, siyempre may balls, ‘di ba? Ha! Ha! Ha!”

Sila lang daw ni Joross ang nag-iipit ng mga bukol region nila. Bale sa ilalim ay may suot silang masikip na briefs, cycling shorts na pampuwet, tapos, isa pang cycling shorts, so bale tatlong patong para hapit na hapit.

“Masakit. Magru-roll kayo ng 9 o 10 PM. Tapos kayo ng 1 AM. Paano ka iihi? Hirap na hirap akong umihi! Ang pag-upo mo, patagilid. Titiisin mo talaga. Hindi ka mapakali,” natatawang tsika ni EA.

After this movie ay na-realize daw nila na ganu’n pala kahirap ang maging drag queen. Mahilig pa naman si EA sa maluluwag na briefs. At sa bahay, minsan ay hindi siya nagsusuot ng underwear ‘pag nasa kuwarto lang siya.

Si Joross ay may dayalog na, “Masakit mag-ipit. Sa itlog, mas masakit!”

‘Yung kay Joross daw ay apat na patong, hindi lang tatlo. Hirap na hirap siyang hubarin ito ‘pag iihi siya. Meron pa siyang kadera para may kurba ang kanyang bewang at puwet, at saka Spanx.

Naka-mujer ang karakter ni Joross doon sa pekeng burol niya, so dress kung dress siya sa malaking bahagi ng pelikula.

“In-embrace na lang namin ‘yung pag-ipit sa mga itlog namin at sa mga bagay-bagay sa ibaba na kailangang itago,” nakangiting hirit ni Joross.

“At feeling ko, bilang mga lalaki, mas tumaas ang respeto namin sa mga babae lalo na ‘pag naka-heels, naka-dress. Mahirap talaga, aminado kami du’n!”

EA Guzman as Mark, The Crying Diva in 'Deadma Walking'
Joross Gamboa as John, The Dying Diva in 'Deadma Walking'
Joross Gamboa & EA Guzman at the intimate presscon of 'Deadma Walking' /©allandiones.com

Magkatunggali sa award

Parehong bida sina Joross at EA sa Deadma Walking, so malamang magkalaban sila sa kategoryang Best Actor pagdating ng MMFF Awards Night.

“Hindi ko na iniisip ‘yon. Bonus na lang ‘yung manalo. Kumbaga, ma-nominate, masaya ka na, eh. Kasi, napansin ka nila. Basta, binigay ko ang lahat-lahat.

“Kasi dito, ang importante, eh ‘yung kumita ang pelikula para makagawa pa kami ng iba pang pelikula with T-Rex Entertainment.

“‘Yun ang importante, tangkilikin ito ng mga tao at makita nila na maraming magagandang pelikula na pinoprodyus ng bagong producers,” sey ng 33-anyos na si Joross, na ang sex-comedy na One Night Only (2008) pa ni Direk Joey Reyes ang huling pelikula sa MMFF.

Si EA ay diretso ang pag-amin na gusto niyang manalo ng award.

“Kasi, ang tagal na rin nu’ng last na nanalo ako ng award, eh. So, nami-miss ko na ‘yung ganu’ng feeling na aakyat ka ng stage at bibigyan ka ng award, magpapasalamt ka, at after nu’n, ise-celebrate mo with your loved ones.

“So, para sa akin, it’s been a while and sana, sana. Hindi ako nag-e-expect, pero gusto kong manalo. Ang tagal na rin kasi since nanalo ako sa Ligo Na U, Lapit Na Me (2011) as Cinemalaya Best Actor at sa Golden Screen Awards ng Enpress.”

Sa Bona na stage play ay nanalo rin si EA sa Aliw Awards, Gawad Buhay at sa Broadway World.

Gusto niya bang maging Best Actor o kahit Best Supporting Actor?

“Kahit saan po papalarin. Ang importante, basta may Best! Basta manalo at kung anong ibibigay ng Diyos, tatanggapin ko. Best Actress, gusto ko rin! Ha! Ha! Ha!”

Posibleng maging magkalaban sila ni Joross sa award. Sino bang mas magaling sa kanilang dalawa?

“Magkaiba kami, eh. Kasi siya, closet. Ako, talagang flamboyant, sobrang loud. Siya, pigil ‘yung karakter niya, hindi siya puwedeng magladlad. Ako, sobrang walang limitations ‘yung karakter ko, kaya na-enjoy ko talaga. Kung anong gusto kong gawin, hinayaan lang ako ni Direk (Julius Alfonso).

“Eh ako, kung magiging bakla ako talaga sa totoong buhay, napakalandi ko. Napakadaldal. Pramis! Kaya dito ko in-apply sa pelikula. In-all out ko ang pagiging bakla ko rito!” natatawang sambit ni EA.

Sa Christmas Day ang simula ng showing nationwide ng Deadma Walking na Graded A ng CEB.

Joross & EA in the MMFF comedy 'Deadma Walking'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *