Scroll to Top

Maine Mendoza, pinainit ang Pasko sa pasabog na bikini photo!

By Allan Diones / Published on Friday, 22 Dec 2017 21:43 PM / No Comments / 7653 views

HABANG lamig-lamigan dito sa ‘Pinas at sa iba pang parte ng mundo, si Maine Mendoza ay ine-enjoy ang summer sa kanyang bakasyon-grande sa Amerika.

Biglang pinainit ni Maine ang Pasko sa pasabog na Instagram post niya kaninang umaga na naka-bikini siya habang nasa lifeguard tower sa isang beach sa Miami, Florida.

Tuwang-tuwa ang fans ni Menggay na miss na miss na siya dahil hindi lang simpleng pic ang pinost niya kundi sexy shot na naka-two-piece siya at may pa-abs!

Hot na hot ang dating ni Meng, na ang caption sa pic ay, “It’s (kind of) summer somewhere.”

Matagal na nanahimik sa social media ang phenomenal star ng Eat Bulaga, na nagbakasyon abroad after her controversial open letter na inilabas niya sa kanyang blog.

Nu’ng isang araw lang siya nagparamdam by posting a happy pic sa IG, na ang caption niya ay, “Life is short. Smile often.”

Obvious na well-rested ang itsura ni Maine, na ang ganda ng aura at masaya ang ngiti habang nakasimpleng collared shirt lang siya at denim shorts.

Almost 380K likes na ang nasabing pic at mahigit 12K ang comments sa IG.

Sexy Maine Mendoza in sunny Miami/ @mainedcm IG
A happy Maine enjoying her vacation in the US/ @mainedcm IG

As we write this, ang South Beach pic ni Meng ay lampas 180K na ang likes at 4K ang comments. 2.9M+ ang followers ni Maine sa Instagram.

“Ang hot mo!” at “Ang sexy mo!” ang karamihang comments sa summer pic ng Dubsmash Queen.

Ang dami ring humirit ng, “Lodi!” at saka “Petmalu!”

“Uwi na talaga ako!…….UWI KA NA RIN!!!!!!! Halika naaaaaaa! Pole dancing naaaaaaa! #angdaya #angsexymopasko,” ang comment ni Ciara Sotto sa bume-Baywatch na shot ni Maine in sunny Miami.

Paborito ni Meng ang dagat at ugali niyang magsuot ng bikini kapag nagbi-beach siya tulad ng ginawa niya before sa Maldives.

Two-piece kung two-piece din ang sister niyang si Coleen Mendoza, na madalas na travel buddy ni Menggay.

Kasama ni Maine ang pamilya niya sa kanyang month-long US vacation.

Excited na ang fans niya sa balitang pagbabalik-Eat Bulaga niya sa January 1, na unang Lunes ng 2018.

Maine's sister Coleen Mendoza on a beach in Florida/ @nicoleendyann IG

AlDub: Init at lamig

Habang suma-summer in Florida si Maine, nagwi-winter wonderland in Japan naman ang ka-loveteam niyang si Alden Richards.

Init at lamig ang peg ng AlDub.

Kasama ni Alden ang family niya sa biyahe niyang ‘yon, na first time nilang makakaranas ng white Christmas.

Nag-Fukuoka muna sila kung saan in-enjoy ni Tisoy ang onsen (hot spring bath). Nag-Mount Fuji rin sila, nag-Aokigahara forest at Fuji-Q Highland amusement park. Tapos ay nagliwaliw sa Tokyo.

Bonding galore ang mga Faulkerson sa bonggang treat na ‘yon ni Alden for his family in Japan.

After Christmas ay balik-‘Pinas na ang Pambansang Bae dahil as usual ay kasama siya sa New Year countdown ng GMA.

At super-abang na ang AlDub Nation sa muli nilang pagkikita ni Maine sa Eat Bulaga sa unang araw ng 2018!

Alden Richards in snowy Japan/ @aldenrichards02 IG
Alden in the snow/ Alden's FB
Alden together with his whole family in Japan/ Alden's FB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *