Scroll to Top

Mariel de Leon, hiwalay na sa non-showbiz boyfriend; puring-puri si Coco Martin

By Allan Diones / Published on Saturday, 16 Dec 2017 10:00 AM / No Comments / 2840 views

“SUPER-SUPER FUN! I super enjoyed the whole movie!” ang maigting na bulalas ni Mariel de Leon nang makausap namin siya right after the press screening ng MMFF 2017 entry na Ang Panday nu’ng Huwebes nang hapon sa TriNoma Cinema 4.

Ang 23-anyos na Bb. Pilipinas-International 2017 ang leading lady ni Coco Martin sa bagong version ng nasabing fantasy-adventure film.

Sey ni Mariel, first time niyang napanood ang buong pelikula doon sa press screening at na-amaze siya sa mga eksena.

“It was very, very exciting. Kasi, it was also my first time to watch myself on the big screen. So, medyo na-awkward ako, pero okey lang.

“Parang nahiya (ako). Ha! Ha! Ha! Something like that, pero I’m proud na part ako ng team ng Panday. And of course, I’m proud to work with Coco Martin,” pakli ng dalaga.

Masusundan pa ba ang first movie niya na ito?

“Hopefully, meron. I want to work on that,” nakangiting sagot ni Mariel.

First directorial job ni Coco itong Ang Panday. Kamusta si Coco bilang direktor?

“Super-super galing. Kasi, for every scene, every detail, he sees sa monitor and he knows what he wants and the direction that he gives is very clear. So, hindi ka malilito sa scene. He really knows what he wants,” papuri niya sa Kapamilya Primetime King.

Kapag napanood ba ito ng mga tao, sasabihin nilang tama ang choice ni Coco na siya ang kinuhang leading lady nito?

“Well, that’s up to them. Kasi for me, I’m happy with the movie and with what I did. It’s up to them na lang what they think.”

Mariel de Leon with her leading man & director Coco Martin at the press screening of their MMFF 2017 movie, 'Ang Panday'/ @mariaangelicadl IG
Mariel with non-showbiz BF Eric Luz, back in March when they were still together/ ©allandiones.com

Mabilis mag-move on

Just like a true millennial, tila naka-move on na kaagad si Mariel mula sa hindi kagandahang karanasan niya sa Miss International pageant kung saan hindi na nga siya pinalad na manalo ay may mga nam-bash pa sa kanya sa social media.

“Wala nang pressure, wala nang stress. Kain and tulog na lang. Ha! Ha! Ha!” tawa ng magandang daughter nina Christopher de Leon at Sandy Andolong.

“Ako, naka-move on. ‘Yung ibang tao, hindi. Ha! Ha! Ha! Okey lang. Kasi, not my problem naman. Kasi ako, okey lang.”

Wala ba siyang moment of depression after what happened?

“I was sad for like one day. Tapos, the next day, okey na.”

Ganu’n daw ang millennials, ‘di ba? Mabilis mag-move on from something?

“Oo. Ha! Ha! Ha!” pagsang-ayon sa amin ng dalaga.

Meron ba siyang regrets na sana ganito, sana ganyan ang ginawa niya?

“Wala naman. I’m the type of person na parang I don’t hold on much. I move on from things quickly, even ex-boyfriends. I move on to other things.”

Dahil sa makahulugang linyang ‘yon ni Mariel, natuklasan namin na hiwalay na pala sila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Eric Luz.

After niya raw mag-compete sa Miss International sa Japan naganap ang hiwalayan.

Anyareh? Bakit sila nag-break ng kanyang boyfie?

“No, we talked about it naman. Kasi, we noticed na our schedules are very different. Especially with me, like I’m starting my career in showbiz plus ‘yung Miss International. Tapos siya, he’s very business (minded). So, parang hindi nag-match.”

Siya ba ang nakipag-break?

“Ahmm, mutual naman. I mean, we still talk, but there’s an understanding na since we’re both young, we want to build up ourselves muna and hopefully, save money. So that in the future, puwede nang mag-settle.”

One year tumagal ang relasyon nila ng young businessman na si Eric.

“No, pero we’ll see. Kasi, well, just now, it’s not totally ano naman, zero. More of parang work on ourselves muna, tapos ‘pag kaya and ‘pag independent na, saka na.”

At puwede rin na may ma-meet siyang iba at mainlab siya sa ibang lalaki, ‘di ba?

“Ha! Ha! Ha! Ha!” tawa lang ang naging reaksyon ni Mariel sa sinabi namin.

Mariel talking to the media after the press screening of 'Ang Panday'/ ©allandiones.com
Mariel plays the love interest of Coco Martin in 'Ang Panday'/ ©allandiones.com

Walang keber kay Inday Sara

Anong sagot ni Mariel doon sa mga sabi-sabi na hindi siya nakapag-focus sa Miss International dahil nga ginawa niya at mas naging busy siya sa shooting ng Ang Panday?

“Well, I know how to manage my schedule naman and it’s not like everyday, kailangan kong mag-training,” mabilis niyang tugon.

“Kasi, ‘yung Panday, it’s only twice a week. So, I have 5 more days for my Miss International preparations. So, I think I handled that well including the pressure from both movie industry and the pageant industry.”

As in wala siyang na-neglect na duties niya o kung anuman?

“Wala. I went to to all my work for Binibini and for Panday also.”

Ayon kay Mariel, after ng kanyang pageant experience, definitely, she is more confident and wiser now. At saka she’s not afraid to be herself.

After her Panday experience naman, she learned how to be more flexible in terms of her environment and the people around her.

At sabi pa ni Mariel, hindi niya babaguhin ang kanyang pagiging outspoken and opinionated. Katwiran niya, she’s always been like that, pero ang nakakaalam lang noon ay ang friends and family niya dahil hindi naman siya kilala ng mga tao.

Naapektuhan ba siya sa mga patutsada sa kanya ng anak ni PDigong na si Inday Sara Duterte?

“No. When she said that, I just made my reply and I let it go na. Kasi, I don’t wanna waste my time on negative things and negative people,” sambit ni Mariel.

Sa December 25 ang simula ng showing sa mga sinehan nationwide ng Ang Panday na produced and directed by Rodel Nacianceno a.k.a. Coco Martin.

Bb. Pilipinas-International 2017 Mariel de Leon with Miss International 2016 and 'Ang Panday' co-star Kylie Versoza at the press screening of the movie in TriNoma/ ©allandiones.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *