Scroll to Top

Maine Mendoza, sobrang na-miss ang JoWaPao! Ryan Agoncillo, balik-‘Eat Bulaga’ na rin!

By Allan Diones / Published on Monday, 01 Jan 2018 17:57 PM / No Comments / 6777 views

BALIK-Eat Bulaga na si Maine Mendoza after ng month-long vacation niya sa Amerika.

Napanood na ulit kanina si Maine sa ‘Sugod Bahay’ segment ng EB sa isang barangay sa Pasig kasama ang Team Barangay na sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Anjo Yllana at Jimmy Santos.

After maglabas ng mahabang open letter sa kanyang blog nu’ng November 26 ay nagbakasyon abroad si Meng with her family. Ngayon lang ulit siya napanood sa Eat Bulaga, on its first live show for 2018.

Kumpleto ang EB Dabarkads kanina sa pangunguna ng Tito, Vic & Joey. Ang wala lang ay si Baeby Baste na nag-New Year sa hometown ng bagets sa GenSan. Ang ka-loveteam ni Maine na si Alden Richards ay nasa Broadway studio.

Ka-bonding na ulit ni Menggay ang mga dabarkads sa barangay. Biniro siya ni Tito Sen kung marunong pa siyang mag-Tagalog dahil ang tagal niyang nagbakasyon sa Amerika.

“A little bit,” ang natatawang sagot ni Meng, na siyempre raw ay Tagalog na Tagalog pa rin.

Habang ongoing ang ‘Juan For All, All For Juan’ ay humirit pa si Tito Sen na, “Si Maine, ‘yung regalo mo, ihanda mo bukas. Merong may birthday.”

Si Allan K ang nagsabi na si Alden ang may birthday at meron itong celebration sa EB bukas. Wala kay Maine ang kamera sa barangay nang ihirit ‘yon ni Tito Sen at mukhang hindi nito narinig kaya wala itong reaksyon.

Parang wala ring chance na mag-interact on air sina Alden at Maine. Ni hindi nagbatian ng ‘Happy New Year’ ang AlDub at wala ring welcome back message si Tisoy kay Menggay. Baka bukas pa sa birthday ni Alden.

Sa Twitter ay nag-tweet si Meng ng umi-squad goals na pic nila ng JoWaPao sa isang pader sa barangay.

“Ang swerte ko lang na nakakasama ko sila araw-araw. Hay, mga mahal kong kuya! Na-miss ko kayo sobra-sobra!” ang caption dito ni Bibi Girl.

Maine Mendoza with the Team Barangay/ @eatbulaga1979 IG
Maine Mendoza is back, so The Sugod Bahay Gang is complete again/ @eatbulaga1979 IG
Barangay Squad: Paolo Ballesteros, Wally Bayola & Jose Manalo with their bunso, Maine Mendoza/ @mainedcm Twitter
Alden Richards with Allan K & Joey de Leon at the Broadway studio/ @allan_klownz IG

Okey na si Ryan; nag-sorry na si Sinon

Gaya ni Maine ay nakabalik na rin sa Eat Bulaga ang matagal na nabakasyon na si Ryan Agoncillo.

Mahigit isang buwan ding hindi napanood sa EB si Ryan dahil sa tinamo niyang injury sa tuhod.

Naaksidente sa kanyang motorbike ang mister ni Judy Ann Santos at kinailangang sumailalim sa surgery ang kanyang left knee.

Nang huli naming makausap si Ryan nu’ng end of November, sinabi niyang baka puwede na siyang mag-report sa Broadway in two weeks. Natapos at natapos ang December ay hindi na siya nakabalik dahil nakasaklay pa rin siya ‘pag naglalakad.

Ngayon ay wala nang crutches si Rye at mukhang okey na ang tuhod niya, pero halatang hindi pa siya masyadong gumagalaw at minimal lang ang movements niya.

Present din kanina sa studio si Sinon Loresca na kinantiyawan ni Allan K ng ‘the controversial,’ dahil sa pagkaka-involve ni Sinon sa isyu ng pananakit diumano sa babaeng PA nito at sa isang foreigner na nakasama nito sa gimikan sa isang bar sa Ortigas.

Negative ang mga feedback kay Sinon sa nasabing isyu, at mabilis siyang nag-post ng apology video although napulaan ang una niyang pinost na tila sarcastic pa ang kanyang dating.

Parang sa opening prod lang ng EB Dabarkads ang naging participation ng tinaguriang ‘King of Catwalk’ na si Sinon, na kahit matanggal sa show ay parang hindi naman mararamdaman.

Ikinatuwa ng AlDub fans ang pagbabalik ni Maine sa Eat Bulaga kaya trending kanina sa Twitter Philippines ang #ALDUB2018 pati na ang ‘Maine’ at ‘Pinoy Henyo.’

Ryan Agoncillo is back too/ @eatbulaga1979 IG
Ryan with Team Broadway: Allan K, Pia Guanio, Ruby Rodriguez, Luane Dy, Alden Richards & Ryzza Mae Dizon/ EatBulaga FB page
Sinon Loresca (2nd from left), with Luane, Ruby, Allan & Pia during the EB Dabarkads opening prod/ EatBulaga FB page

Maine, sarap na sarap sa paglipad

Kasama ni Maine ang pamilya niya sa pagsalubong ng Bagong Taon sa house nila sa Bulacan. Ang cute ng pinost niyang boomerang videos nilang magkakapatid sa kanyang IG Stories.

Nag-tweet din siya ng family photo nila na kumpleto sila sa pagpatak ng 2018 at isang solo pic niya na naka-smile siya at may suot na Happy New Year headband.

Sa Miami kung saan nag-Christmas vacay si Menggay ay naranasan niyang mag-skydiving. May mahabang caption siya sa pinost niyang ‘flying photo.’ Ang next daw sa kanyang bucket list ay ang gawin ito nang mag-isa lang siya.

“It made me realize most of the things worth doing starts with being nervous or terrified. You just gotta take the leap and make it happen. You might just be amazed at what you could achieve and how far your jump can take you ONLY if you take the chance.

“Sabi nga sa Nike, ‘Just do it’! Some things are always worth a try. At the end of the day, chances are you’ll be thanking yourself for taking the risk because it made you happy… or at least alive.

“I hope we all get to experience new things and collect wonderful memories this 2018! Happy New Year, everybody!” part ng caption ni Maine sa kanyang skydiving pic.

Happy Maine/ @mainedcm Twitter
Maine with her siblings Nico, Coleen, Nikki & Dean on New Year's Eve/ @mainedcm Twitter
The Mendoza family welcomes 2018 at their home in Bulacan/ @mainedcm Twitter

I have always wondered how it would feel to fly. How do birds feel when they soar through the sky. How it feels to see everything from up above. I was fortunate enough to experience this in the magic city— Miami. Funny thing, I almost cried while sitting inside the aircraft– incredibly nervous and happy– because DAMN I cannot believe I am actually doing this! (There is nothing more nerve-racking than the anticipation; from signing the waiver to the plane ride up; and when they open that motherfriggin door mid-flight! Jusko ang puso ko!) But when we jumped off, I felt nothing but absolute bliss. For the most part, it felt unreal to me. It was breathtaking– literally, too. It was amazing. Best part is I didn’t pee my shorts! Seriously though, I cannot believe I actually did it; I took the ultimate plunge! I was so freakin scared but still I made it alive. Lol! Next on my bucket list is to do it alone. (Charot, semi-not charot!) It made me realize most of the things worth doing starts with being nervous or terrified. You just gotta take the leap and make it happen. You might just be amazed at what you could achieve and how far your jump can take you ONLY if you take the chance. Sabi nga sa Nike, “just do it”! Some things are always worth a try. At the end of the day, chances are you’ll be thanking yourself for taking the risk because it made you happy… or at least alive. I hope we all get to experience new things and collect wonderful memories this 2018! Happy New Year, everybody! 😉

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm) on

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *