Scroll to Top

Martin Nievera on their ‘#paMORE’ Valentine concert: “Regine can blow us all away!”

By Allan Diones / Published on Friday, 02 Feb 2018 11:45 AM / No Comments / 2867 views

Si Martin Nievera ang nakaisip ng ‘MORE’ na pinagsama-samang initials ng first name nila nina Ogie Alcasid, Regine Velasquez at Erik Santos. Magkakasama silang apat sa Valentine concert na #paMORE (read as Hashtag pa-MORE).

‘Yung ‘PA’ at saka ‘yung ‘#’ (hashtag) ay kay Ogie nanggaling, kaya naging #paMORE ang title ng kanilang concert.

Sey ni Martin, mahilig mag-mix and match ng artists ang StarMedia Entertainment na producer ng concert, so this time ay 3 boys and 1 girl. Bale 3 thorns and 1 rose daw sila at si Regine kumbaga ‘yung icing on the cake.

Proud si Martin na kasama siya sa mga naka-discover kay Regine nu’ng nagsisimula pa lang ito sa showbiz. Kumanta si Reg (na Chona Velasquez pa noon) sa show nina Martin at Pops Fernandez na Penthouse Live, dala ito ng EP nila na si Ronnie Henares, ang discoverer at first showbiz manager ni Songbird.

Ayon sa Concert King, ‘pag kumakanta sila ngayon ni Regine ay alam niyang she holds back sa tuwing siya ang ka-duet, “But Regine can blow us all away!” bulalas ni Martin patungkol sa kanilang tatlo nina Ogie at Erik na makakatagisan ni Songbird sa February 10 sa MOA Arena.

Sabi pa ni Martin, dahil apat sila ay 4-part harmony ang mae-expect sa #paMORE na siyempre ay hindi mawawala ang respective hits nila for the fans.

Hindi pala ma-celebrate ng Valentine’s Day si Martin lalo pa’t kadalasan ay may show siya on that day. Sa pagkakatanda niya, ang first time niyang nag-celebrate ng V-Day on the day itself ay sila pa ng ex-wife niyang si Pops Fernandez.

May concert sila that time sa ULTRA, so nag-decorate lang backstage na may pa-chandelier at meron pang bed (hindi raw nila nagamit ang bed), then after the show, they had their own little Valentine date backstage.

35 years na si Mart sa showbiz, pero ayaw niya pang huminto at ang wish niya ay more concerts pa like this one.

“I really don’t see myself slowing down or retiring. I really wanna keep singing and performing, bringing more pride the country as much as I can in how many more years I have left in this industry. More dreams, more success, more shows,” sambit ng Concert King.

Martin Nievera, Ogie Alcasid, Regine Velasquez & Erik Santos join forces on one big stage in '#paMORE' Valentine concert

Unpredictable combinations

Ang sabi ni Regine, bilang apat sila sa #paMORE ay expect mga duet, trio at quartet. As in lahat ng combinations ay gagawin nila, pero ‘yung hindi raw masyadong predictable.

We’ll write about Regine’s mga Valentine chuva in a separate article.

Aside from her weekly show na Sarap Diva, magkakaroon si Songbird ng bagong show sa GMA na ang pamagat ay The Clash. Magpapa-audition pa sila para rito, so baka June pa raw ang start nito.

‘Yung 3 Stars 1 Heart na concert niya with Christian Bautista at Julie Anne San Jose na inumpisahan nila sa Cebu City ay itu-tour pala nila all over the country.

The Only Rose Among the Thorns: Regine with Martin, Ogie & Erik

Three eras of music

Si Ogie ang may idea na mga awiting mala-The Platters, The Stylistics, The Osmonds, The Jackson 5, etc. ang gawin nilang repertoire for #paMORE.

Sey ni Ogs, priority siyempre ang OPM at mga beloved Filipino theme songs, pero may halo ring foreign songs para iba-iba.

Aware si Ogie na ang nanonood sa kanila ay ‘yung mga medyo may edad na. So, hindi raw pang-millennials ang concert nila kundi pang-music lovers through the ages.

Bale tatlong eras kasi ang represented sa show—si Martin ang oldest na circa ‘70s, sila ni Regine ay ‘80s at si Erik and their director Paolo Valenciano ay ‘90s.

Natutuwa si Ogie na masigla ang OPM sa bansa at ang daming may concert. This year ang kanyang 30th anniversary in showbiz na ise-celebrate niya with a major concert. Ani Ogs, isang malaking karangalan para sa kanya ang maging singer sa Pilipinas sa loob ng tatlong dekada.

Nasa ASAP siya twice a month, tapos ay sa Tawag ng Tanghalan ng It’s Showtime tuwing Thursday, Friday & Saturday. Magiging part pa rin siya ng Season 2 ng Your Face Sounds Familiar.

Erik Santos with 3 of his music idols: Ogie Alcasid, Regine Velasquez & Martin Nievera

Hashtag blessed

Dream come true para kay Erik ang maka-share ng stage ang tatlo sa kanyang iniidolong singers kaya speechless daw siya.

Sina Martin, Ogie at Regine ay pawang mga tinitingala niyang mang-aawit at hindi raw dumarating sa lahat ng singer ang opportunity na ito, so he’s just so grateful and thankful to God na binigay itong big blessing na ito sa kanya.

Bata pa lang daw si Erik ay idol na niya ang tatlo. Pinapanood niya ang mga ito sa telebisyon at kinakanta niya ang mga awitin ng mga ito, tapos ngayon ay makakasama niya sa isang concert.

Kaya ganu’n na lang ang tuwa at pasasalamat ni Erik na naisipan ng StarMedia na isama siya sa tatlong music icons.

Sa February 10 (Saturday) ang kantahan at tawanan pa more sa MOA Arena. Stage direction by Paolo Valenciano and musical direction by Louie Ocampo and Raul Mitra. #paMORE tickets are available at SM Tickets (tel# 470-2222 or online at www.smtickets.com).

Martin, Ogie, Regine & Erik in the Valentine concert '#paMORE' ~ February 10 at the MOA Arena

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *