Scroll to Top

#Movies : ‘Meet Me in St. Gallen’

By Allan Diones / Published on Wednesday, 07 Feb 2018 16:22 PM / No Comments / 11426 views

Carlo Aquino, PAK na PAK bilang romantic leading man!

NAKAKAUMAY na ang relationship movies na dalawang karakter lang ang bida at halos buong pelikula ay usap lang nang usap.

Sobrang big hit kasi last year ang Kita Kita nina Empoy at Alessandra de Rossi kaya itsurang naging trend ang ganitong hugot movies, na unang naging cool sa blockbuster din na That Thing Called Tadhana (2014) nina Angelica Panganiban at JM de Guzman.

Bagong sakay sa bandwagon ang Meet Me in St. Gallen na mula sa producers ng Kita Kita na Spring Films at Viva Films.

Mabuti na lang ay hindi kami nabugnot at naumay sa pelikula, na wala ring ginawa ang dalawang bida kundi maghuntahan at maghugutan. May certain freshness at energy ito na wala ‘yung ibang ka-genre nito.

Bida sa kuwento ng Meet Me in St. Gallen ang burned out graphic artist na si Celeste Francisco (Bela Padilla) at ang problematic rakista na si Jesse Abaya (Carlo Aquino).

Nagtagpo ang mga landas nila isang maulang gabi at may nabuong pambihirang koneksyon sa pagitan nila.

Hindi nila agad ‘yon inaksyunan at pinalipas nila ang mga taon bago nila hinarap ang kanilang mga nararamdaman.

Carlo Aquino & Bela Padilla are paired for the first time in the movie, 'Meet Me in St. Gallen'/ @springfilms IG

Instant attraction and connection

Epal ang boss ni Celeste. Harsh ang parents ni Jesse. Kaya naka-relate sila sa isa’t isa at natuklasan nilang ang dami nilang pinagkakasunduan.

Undeniable ‘yung instant attraction at obvious ang kanilang strong connection kaya naisipan nilang uminom at gumimik habang nagpapalitan ng mga hanash nila about life, love at kung anu-ano pa.

Gets din nila ang sense of humor ng isa’t isa. At keri nilang pag-usapan mula sa mga pa-deep na topic hanggang sa baboy na may pinakamahabang orgasm (30 minutes) sa mga hayop.

“Ang hirap kayang maging pangit ngayon, ang daming pasakit!” bentang hirit ni artist Celeste a.k.a. Katy Perry.

“What would the world be without love songs?” cheesy line naman ni rockstar Jesse a.k.a. Brad Pitt.

Ang cute ng lasing moments nina Carlo at Bela. Hindi ka mauuta sa mga daldalan at linyahan nila. As in makikinig ka sa mga sinasabi nila.

Kaya lang ay nagpa-girl si Ateh, ayaw niya raw sirain ang perfect moment nila ni Kuyah. Hanggang kiss lang ang keri niyang ibigay. So, ang ending ng masayang all-night bonding nilang dalawa ay NGANGA!

Bela Padilla & Carlo Aquino in a scene from the first act of the movie, 'Meet Me in St. Gallen'
Carlo & Bela have great screen chemisty in 'Meet Me in St. Gallen'/ @springfilms IG

Sarap at sakit

The movie is divided into 3 acts. From their first encounter sa coffee shop, 4 years after ay muling nagkita sina Katy at Brad.

Veterenarian na si boy, budding artist si girl. Sawa nang magbanda si kuyah at may direksyon na ang buhay with his girlfriend Diana (Angelica Panganiban in a photo cameo).

Si ateh ay loveless pa rin at nananatiling HOPIA. Irita siya sa borderline kadire na kaswitan nina Jesse at Diana.

Pero pakipot pa rin si ateh girl. Waley pa ring palitan ng numbers. Facebook friends lang ang drama nila.

In fairness ay touching ang eksena sa painting exhibit ni Celeste, na nakita ni Jesse na panay tungkol sa kanya ang ipininta ni pakipot friend. Isa siyang beautiful memory na hindi nito makalimutan.

Matapos ang mga usapang parallel universe at pagiging useless ng mag-regret, nangyari ang matagal nang dapat nangyari.

Umuwi sila sa bahay ni Celeste at niyaya nito si Jesse sa itaas para magkape. Higit pa sa kape ang pinagsaluhan nila.

In all fairness ay may kilig ang love scene nina Carlo at Bela. Bet namin ‘yung dilim-diliman lang ang peg habang nagyayakapan at naghuhubaran sila ng damit at may pa-background na magandang song.

Pero taken na si boylet at malapit nang ikasal. So ‘yung ligaya at sarap ay agad ding napalitan ng guilt at awkwardness after.

Gustung-gusto namin ‘yung eksenang ‘yon na walang salitaan, mata-mata lang at hindi kailangan ng linyahan.

Nagpaalam si boy at naiwang mag-isa si girl. Ang sakit! Hanep ang iyak ni Bela! Husay! May halong pait. At panghihinayang. Ang sakit-sakit!

The 2nd meeting. Carlo & Bela in a scene from the 2nd act of 'Meet Me in St. Gallen'
Carlo & Bela with 'Meet Me in St. Gallen' director, Irene Villamor/ @springfilms IG

‘You Are My Sunshine’

Third and final encounter nila ay naganap 2 years after. Sa wumi-winter wonderland na St. Gallen sa snowy Switzerland.

Type kasing makita ni Celeste ang Christmas Village doon sa kung anumang kadahilanan. At nangako si Jesse na susundan siya roon.

Kung anong mga sumunod na ganap sa nagyeyelong lugar na ‘yon ay hindi na namin idedetalye dahil masyado nang spoiler.

Basta, merong mga hugutan na, “Solitude is different from loneliness,” at may mga taong dumadaan lang daw sa buhay natin at hindi nag-i-stay.

Muli ring naipasok ang theme song ng pelikula na You Are My Sunshine, so bale dalawang beses itong kinanta ni Carlo—isa sa videoke machine sa kalye at isa du’n sa St. Gallen. ‘Yung version ni Moira ay major LSS!

Actually, parang wala naman kaming nakitang espesyal sa lugar na ‘yon at hindi kami naengganyong dayuhin ang St. Gallen after naming mapanood ang movie. Pero keri na rin dahil at least ay may kakaiba kang nakita sa screen.

The 3rd meeting. Carlo & Bela in a snowy scene during the 3rd act of the movie, 'Meet Me in St. Gallen'
Carlo & Bela went to St. Gallen in Northeastern Switzerland to shoot the 3rd and final act of the movie/ @springfilms IG

Rediscovering Carlo Aquino

Pinatunayan ng direktor na si Irene Villamor na hindi tsamba lang ang una niyang dinirek na Camp Sawi. She’s really a promising writer and director (sumablay lang siya sa AlDub teleseryeng Destined To Be Yours dahil wala yata siyang freehand dito at marami raw nakialam).

Si Bela Padilla ay consistent din na magaling, mula sa Camp Sawi, hanggang sa Luck at First Sight nila ni Jericho Rosales at 100 Tula Para kay Stella nila ni JC Santos. Ang suwerte ni Bela na ang gaganda ng projects niya.

Isa pang nakakabilib kay Bela, parang kahit kanino siya ipareha ay binabagayan niya. Parang ang dali niyang magkaroon ng chemistry sa nagiging leading man niya. At meron siyang sariling style ng akting na nagiging tatak na niya.

If anything, sa movie na ito ay sobra kaming na-happy for Carlo Aquino. Wala nang duda sa pagiging mahusay na aktor ni Carlo, but who would think na magiging effective pala siya bilang romantic leading man? PAK na PAK siya rito, infeyr! At ramdam mo ‘yung screen chemistry nila ni Bela.

Ang guwapo ni Carlo rito sa movie at sobrang nakakainlab siya. From the bagets-looking musician nu’ng umpisa, hanggang sa maging simpatikong young vet siya, tapos ay hopeful loverboy sa bandang dulo, it’s like rediscovering Carlo Aquino all over again.

Bagong timpla, bagong pares, bagong atake sa palasak na’t malapit nang pagsawaang romcom genre, first local movie of 2018 na nagustuhan namin ang Meet Me in St. Gallen.

Today (February 7) ang opening in cinemas nationwide ng pelikulang ito na Graded A ng CEB.

Carlo Aquino gets his first romantic leading man role in 'Meet Me in St. Gallen' and he nails it/ @springfilms IG

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *