Scroll to Top

WATCH: What Madison Square Garden? Regine Velasquez prefers UP Sunken Garden for her dream concert!

By Allan Diones / Published on Tuesday, 13 Feb 2018 16:37 PM / No Comments / 5179 views

PARE-PAREHONG Barbra Streisand ang sagot sa amin nina Regine Velasquez-Alcasid, Martin Nievera at Ogie Alcasid kung sino ang pinapangarap nilang maka-duet na someone famous, living or dead.

Obviously ay si Barang talaga ang Diva of All Divas dahil tatlo sa pinakabigating singers sa ‘Pinas ay siya ang bet makatagisan ng kantahan.

What a powerful vocal showdown it would be kung magdu-duet nga si Songbird at ang Ultimate Diva.

Ang one song naman na gustong kantahin ni Regine for the rest of her life ay ang worship song na Oceans mula sa Hillsong United, isang sikat na worship band from Sydney, Australia.

Ito rin ‘yung grupo na napanood ni Ogie na nagko-concert sa Israel, that’s why for his dream concert ay type ni Ogs na Israel din ang maging venue.

Regine Velasquez-Alcasid chooses a very Pinoy venue for the concert of her dreams/ @reginevalcasid IG
Madison Square What?! Songbird Regine picks an iconic garden at the heart of UP Diliman campus over MSG in NYC!/ @previewph IG

As for Regine, kakaiba ang choice niya if ever she will stage her dream concert anywhere in the world.

Most singers would choose a venue na pinapangarap nilang mapag-perform-an o ‘yung tipong imposible nilang mapag-concert-an at hanggang panaginip lang.

Pero iba si Songbird. Love your own ang peg niya—UP Sunken Garden ang choice niya, no less!

Katwiran ng 47-anyos na Pinay diva, dito siya sa atin kilala, mahal siya ng audience niya rito, so bakit siya pupunta sa ibang lugar para magkonsiyerto?

So, ang dream concert niya o final concert of her career if ever ay gusto niyang gawin sa open grounds ng UP Diliman sa Quezon City.

Du’n talaga? Hindi sa Madison Square Garden sa New York City?

“Meron naman tayong Sunken Garden, eh. Garden din naman ‘yon! Sunken nga lang, pero garden pa rin!” ang very witty na sagot sa amin ng natatawang si Songbird.

Matatandaang sa iconic UP Sunken Garden ginanap ang 10th showbiz anniversary concert ni Reg na Regine: Isang Pasasalamat nu’ng 1996.

Doon ay inawit niya ang kanyang biggest hits sa saliw ng musika ng Philippine Philharmonic Orchestra sa ilalim ng baton ni Maestro Ryan Cayabyab.

Ang milestone din na ‘yon sa buhay ni Regine ang pinakauna niyang pagsabak sa stage direction, dahil siya mismo ang nagdirek ng nasabing anniversary concert niya. PAK!

Watch n’yo na lang sa video below ang iba pang sagot ni Regine sa aming 8 QUESTIONS with her.

And after watching, please Like, Share & SUBSCRIBE to our YouTube channel. Thanks, guysh!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *