Scroll to Top

WATCH: Marian Rivera on her recent chance meeting with Karylle: “Since day 1, wala naman akong problema sa kanya!”

By Allan Diones / Published on Monday, 05 Feb 2018 18:39 PM / No Comments / 4084 views

NAKAKA-GOOD VIBES ‘yung tsikang nagkita kamakailan sa isang event sina Marian Rivera at Karylle, tapos ay nagbatian ang dalawa.

Si Vice Ganda ang nagkuwento sa It’s Showtime na gandang-ganda raw si Karylle kay Marian at bineso nito ang Kapuso actress at sinabihan pa ng, “Uy, ang ganda naman!”

Dagdag pa ni Vice, pagtalikod ni Karylle ay na-realize nito na payapa na talaga ang mga puso nila at beso-beso sila ni Marian.

Kaninang umaga sa muling pagpirma ng network contract ni Marian sa GMA ay natanong siya tungkol dito.

Sey ni Yan, “Since day 1 naman, wala naman talaga akong problema. Siguro nagkataon lang sa tamang panahon, nagkita ulit kaming dalawa. So, okey na ‘yon, wala naman talagang problema.”

Hindi ba siya nailang nang magkasalubong sila ni Karylle?

“Never naman akong nailang sa kanya, eh,” nakangiting pakli ng Kapuso Primetime Queen.

So, nasa punto na ba ngayon si Marian ng buhay niya na tinapon na niya lahat ng negative?

“Wala naman akong mapapala kung iiimpok ko sa sarili ko ‘yung mga negative, ‘di ba? Wala kang mapapala doon, so hangga’t maaari, relaks ka lang, good vibes at saka ano pa bang ia-ask mo, ‘di ba? Parang sobrang thankful na ako sa lahat.”

Marian Rivera, walang problema sa ex ng mister niyang si Dingdong Dantes/ @marianrivera IG

Feeling ba ni Yan ay parang nabunutan na siya ng tinik at magaan na sa pakiramdam niya ‘yung nangyari na ‘yon?

“Hindi, kasi… well, oo naman. Pero sabi ko nga, since day 1, wala naman akong problema sa kanya (Karylle). Everytime makakasalubong ko siya eh, okey naman ako at binabati ko naman siya,” sey ng gandarang misis ni Dingdong Dantes.

So, hindi ‘yon ang unang pagkikita nila ni Karylle?

“Hindi lang. Sa Dolphy Tribute, nagkita pa rin kami. Okey naman.”

Medyo may chika-chika nga ba sila nu’ng magkita sila ni Karylle kamakailan?

“Hindi, kasi nagkasalubong kami. ‘Hi!’ ‘Hi!’ Tapos, may sinabi lang siya sa akin, tapos, exit na kami.”

Sinabi ni Karylle na gandang-ganda ito sa kanya?

“Ah eh, ewan ko. Basta, ‘yun na ‘yon. Ha! Ha! Ha!”

So, good vibes lang, ‘di ba?

“Oo. Parang ano bang mapapala ko sa pagba-bad vibes, ‘di ba? So, wala talaga.”

Taong 2008 nang maghiwalay sina Karylle at Dingdong. Nu’ng time na ‘yon ay katatapos lang magtambal nina Dong at Marian sa unang teleserye nila together na Marimar.

2014 nang ikasal ang DongYan at ‘yun din ang taon na nagpakasal si Karylle sa rock star na si Yael Yuzon.

Karylle Yuzon: Bumeso at gandang-ganda kay Marian

Maging ang fans ni Marian ay nag-mature na rin at alam na raw ng mga ito ang kalakaran sa showbiz.

“Ako rin naman, sinasabi ko sa kanila, eh. ‘Walang mapapala kung papatol kayo. Gayahin n’yo ako. Deadma, delete, block. Tapos!’” napapangiting bulalas ng Kapuso actress.

Inaamin ni Yan na namba-block siya sa social media, pero never daw siyang pumatol sa bashers.

May binlock na rin ba siyang artista?

“Never akong nam-block ng artista na wala namang sinasabing masama. Hindi,” sambit ni Marian, na pumirma ng another 3-year exclusive contract with GMA network at mananatili raw siyang forever Kapuso.

Panoorin below ang interview namin kay Marian. Tapos ay paki-Like, Share and SUBSCRIBE na rin po to our YouTube channel. Tenkyu!

Beautiful Marian at her presscon after she signed a new contract with GMA network/ ©allandiones.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *