Scroll to Top

#Stage: Moira dela Torre ‘Tagpuan’ Concert (2nd night)

By Allan Diones / Published on Sunday, 04 Mar 2018 13:41 PM / No Comments / 8262 views

Malamyos na tinig ni MOIRA, dalawang gabing pinuno ang KIA!

PASENSYA NA… kung sobrang delayed ang rebyu naming ito. Hehe!

Na-miss namin ang soldout first night ng Tagpuan concert ni Moira dela Torre sa Kia Theatre nu’ng February 17.

Thank God at napanood namin kinabukasan ang soldout pa ring second night nito, salamat sa VVIP tickets na bigay sa amin ng manager ni Moira na si Erickson Raymundo (ng Cornerstone Entertainment).

Ganda ng seat namin sa second row, katabi namin si JM de Guzman na katabi naman ang mag-sweetheart na Ryza Cenon at Cholo Barretto.

Feeling lucky kami na na-witness namin ang first major show ni Moira, na hindi lang basta concert kundi isang beautiful musical experience.

Isa siyang gabi ng musikang napakasarap sa tenga at mas masarap sa puso. At dalawang gabing pinuno ang Kia ng malamyos na tinig ni Moira.

Autumn season ang peg ng stage design, na nagkalat ang mga tuyong dahon sa buong teatro. Pang-wedding ang set decorator kaya may romantic feels at may pagka-magical ang ambience, na bumagay sa mga awitin ng star of the show.

MOIRA DELA TORRE onstage at her soldout concert at the Kia Theatre/ @brightbulbproductions IG
The romantic, autumn-inspired stage of MOIRA's 'Tagpuan' concert at the Kia Theatre/ @cornerstone IG

Ang English song niyang We & Us ang pambungad na bilang ng 24-anyos na dalaga, na maituturing na breakthrough music artist ng taong 2017 (at lalo pang aalagwa ang career ngayong 2018).

Refreshing ang dating, hindi lang ng musika ni Moira kundi pati ng personality niya, na parang very genuine at totoo sa sarili niya.

Cute ‘yung pagbati niya sa audience ng ‘Good morning’ imbes na ‘Good evening’ dahil halatang kinakabahan siya.

Last time daw na nanood siya sa Kia Theatre ay concert ni Sam Milby at hindi niya na-imagine na she will be up onstage sa sarili niyang concert, tapos ay full house ito for two consecutive nights.

MOIRA can't believe she was able to fill up Kia Theatre for two consecutive nights on her first concert ever/ @samuelmilby IG

Ang next number niya ay madalas daw niyang kinakanta sa banyo nu’ng nakatira pa siya sa Olongapo.

If I Ain’t Got You ni Alicia Keys ang binanatan niya, na binigyan niya ng sarili niyang flavor at feels.
Aliw ‘yung hirit ni Moira na first song pa lang ay basa na kaagad ang kili-kili niya. Nabanggit niya pang makati ang glitters sa golden dress na suot niya.

She told the crowd that she’s not gonna dance at wish niyang may ma-inspire sa sariling istorya niya, na unti-unti niyang sini-share bago ang bawat song number niya.

MOIRA is like a breath of fresh air in the local music scene/ @cornerstone IG

September 2008 ang first ever concert na napanood ng Gapo Girl na si Moira sa Olongapo City Convention Center kasama ang mommy niya.

Si Richard Poon ang may concert at sobra siyang na-inspire nito na sumulat ng sarili niyang mga kanta na hindi lang maganda kundi makaka-connect at makaka-inspire sa ibang tao.

Cute ang side kuwento niya na nag-front act siya dati kay Richard Poon sa isang mall, pero walang nakinig sa kanya, panay senior citizens lang.

May slight nostalgia na si Richard Poon ang first guest niya at siyempre ay proud ito kay Moira, na dumating na ang right time for her.

I’ll Take Care of You at The Last Time ang dinuweto nila, na damang-dama ni Moira at naging emotional siya sa bandang dulo.

Agree kami sa sinabi ni Poon na Moira has the best, sweetest, lazy hugot falsetto in this side of the world.

MOIRA hugs her Kuya RICHARD POON, one of her musical inspirations/ @brightbulbproductions IG

Movie and teleserye theme songs medley ang next segment na umupo si Moira sa swing na nasa stage at parang batang nagduyan-duyan.

May pa-film clips sa LED screen habang kinakanta niya ang Relaks It’s Just Pag-ibig from the movie of the same title, Sundo mula sa The Good Soon, Saglit galing sa The Better Half at You Are My Sunshine from the hit movie Meet Me in St. Gallen.

Sigawan nang biglang umentra si Angelica Panganiban para mag-Spoken Word Poetry with all her hugot and hanash (na nasulat na namin dito in a previous article).

Kayang bigyan ni Moira ng bagong buhay at tunog kahit ang isang lumang awitin na tulad ng You Are My Sunshine, na na-‘Moira-sized’ niya at ang lakas maka-LSS.

Benta ‘yung sundot niyang, “Mga nangunguna po, laging nasasaktan, eh!” sa simula ng kantang Torete na galing sa pelikulang Love You to the Stars and Back.

MOIRA with special guest ANGELICA PANGANIBAN, who suprised the audience with her Spoken Word Poetry full of hugots and hanash/ @brightbulbproductions IG

Ang sweet magsalita ni Moira, na parang bata o teenager na wala pang gaanong muwang sa mundo.

May tendency lang siyang kainin ang mga sinasabi niya at minsan ay hindi namin maintindihan ang words niya.

Sunod na inawit ng tinaguriang Queen of Hugot Songs ang Sabi-Sabi with the right amount of hugots.

MOIRA is the so-called Queen of Hugot Songs/ @cornerstone IG

YouTube hits medley ang prod nila ni AJ Rafael. Lumipad pa rito sa ‘Pinas ang Fil-Am YouTube sensation para lang mag-guest sa concert ng friend nitong si Moi.

Nasa keyboards si AJ habang sing sila ng hits nina Britney Spears, Jason Mraz, Carly Rae Jepsen, 5 Seconds of Summer, atbp.

Kinanta rin nila ang original song ni AJ na Without You na ginawan noon ng cover ni Moira and then eventually ay ginawan nila ng duet.

MOIRA with her friend, YouTube sensation AJ RAFAEL in a medley of popular hits/ @cornerstone IG
Fil-Am AJ RAFAEL flew in from the US just to guest in MOIRA's two-night concert/ @cornerstone IG

Ang breakup song na Before It Sinks In ang next na inemowtan ng hugoterang singer-songwriter.

May shades of Kitchie Nadal before ang datingan ng tunog at istilo ng paghagod ni Moira, pero mas relatable at mas nanunuot sa damdamin.

May Yeng Constantino vibes din siya, na grounded at abot-kamay ang musika at titik ng mga kanta.

Bilib din kami sa kanya dahil pareho siyang magaling mag-compose at umawit mapa-Tagalog o English, na ang lyrics ay poetic at may puso.

Moira is one original artist na walang kinokopya at may sarili siyang tunog na kanyang-kanya lang.

MOIRA has shades of KITCHIE NADAL and YENG CONSTANTINO vibes, but she has her own sound that is uniquely hers/ @cornerstone IG

May hatid na kilig ang next prod na medley ng Fix You at The Scientist ng Coldplay kasama ang singer-guitarist boyfriend ni Moira na si Jason Marvin Hernandez.

Wish daw ni Moira na siya ang sumulat ng mga awiting ‘yon.

Sa lamig ng boses niya ay para kang pinaghehele at may moments sa show na medyo aantukin ka at parang ang sarap matulog dahil sa pinapakinggan mo.

MOIRA with boyfie and musical partner, JASON MARVIN HERNANDEZ/ @brightbulbproductions IG

“Ganda mo naman!” tilian ang Kia crowd sa papuring ‘yon ni Jason sa nobya nito.

“Thank you,” pa-girl na sagot ni Moi.

Ang next song ay ginawan nila ng cover at almost 5 million na ang views nito sa YouTube, so ganu’n din daw karami ang nakarinig sa pag-utot ni Moira (yes, she farted at kasama ‘yon sa video, haha!).

Kuwento niya, hindi nila mabuo ‘yung song dahil laging nagkakamali si Jason sa duet nila ng Perfect ni Ed Sheeran.

Ang sarap sa tenga ng soothing voices ng dalawa. Sa ending ay may kiss si boyfie sa ulo ni girlfie, hindi sa lips.

Ang saya na partners in love, tapos ay partners in music din ang MoiSon.

MOISON MOMENT. MOIRA gets a sweet kiss from her boyfriend JASON after their 'Perfect' duet/ @cornerstone IG

Naka-motorbike nang umentra sa stage si Sam Milby, one of Moira’s closest friends in showbiz.

Isa si Sam sa unang nagtiwala kay Moi at 4 years na silang magkaibigan. Halos lahat ng songs ni Moira ay sinulat niya sa bahay ng kanyang Kuya Sam.

Ang hunky Fil-Am singer ang isa sa producers ng Tagpuan concert kasama ang partners nito sa Brightbulb Productions na sina Angelica Panganiban at John Prats, na siyang nagdirek ng show.

Nag-duet sila ng Wala Nang Kulang Pa, ang song nila mula pa sa unang album ni Moira.

Super-proud si Sam sa kanyang friend na finally ay dumating na ang pinakahihintay nitong pagkakataon. Noon lang namin nalaman na 10 years na palang Cornerstone talent si Moira at ngayon lang siya nabigyan ng big break.

Nag-solo spot pa si Sam ng You Oughta Know ni Alanis Morissette.

MOIRA shares the stage with one of her closest friends in showbiz, her Kuya SAM MILBY, who has always been supportive of her/ @brightbulbproductions IG

Bago niya inawit ang new song niyang Tagu-Taguan ay shineyr muna ni Moira ang kuwento sa likod ng nasabing kanta.

She said by far, it’s her most favorite sa mga nasulat niyang kanta. Isa rin ito sa pinakapaborito namin.

Ang cute ng lyrics nito na parang galing sa laro ng mga bata na sinasabi tuwing nagtataguan na, “Pagbilang kong tatlo, nakatago na kayo…”

Lakas maka-childhood memories!

MOIRA is not only a talented singer but also a gifted songwriter/ @cornerstone IG

Girls prod ang kasunod, na naka-join ni Moira onstage ang tatlong promising new artists na may kinalaman siya sa unang single ng mga ito.

Co-writer siya sa first single ni Claudia Barretto na Stay.

Ang unang single ni Kiana Valenciano na Does She Know? was also co-written by Moira.

At siya rin ang sumulat ng first single ni Ylona Garcia na Dahan Dahan Dahan Lang kaya very Moira ang tunog nito.

Ang ganda nilang pagmasdang apat sa entablado at parang may girl bond talaga sila sa totoong buhay.

MOIRA with promising young artists, CLAUDIA BARRETTO, YLONA GARCIA and KIANA VALENCIANO/ @cornerstone IG

Moira shared her realization that words are very powerful, it has the power to hurt people and also to encourage.

That’s why when she talks, she makes sure that her lola’s proud of her. Nu’ng mawala ang grandmother niya ay hindi raw niya alam ang gagawin niya. Kinuwestyon pa niya si God kung nasaan ang kanyang miracle.

Kaya niya nasulat ang mga kantang Miracle at Take Her to the Moon na handog niya sa kanyang nasirang Lola Lucy who is now in heaven.

Hindi raw siya iiyak like what happened nu’ng first night at in fairness ay nakontrol nga niya ang pagpatak ng kanyang luha.

MOIRA became emotional during her prod dedicated to her late grandmom, Lola LUCY/ @brightbulbproductions IG

She tells the audience to never lose hope, because somewhere in the world, someone is praying for you. And there are beautiful things that come to those who wait.

Tapos ay inawit niya ang hopeful song niyang Tagpuan, na personal favorite din namin.

Umentra si Brian Vee for his own spoken poetry at ang sarap pakinggan ng poetic Tagalog words nito gaya ng linyang, “Lagi mo sanang tatandaan na hindi lahat ng sugatan ay tama ang ipinaglaban.”

Si Brian Vee ang favorite spoken word artist ni Moira at ayon sa kanya, ito ang naging inspirasyon para matapos niya ang Tagpuan, bukod sa pelikulang Love You to the Stars and Back at sa nobyo niyang si Jason.

BRIAN VEE is MOIRA's favorite Spoken Word artist who inspired her to finish her song 'Tagpuan'/ @brightbulbproductions IG

Biglang nahiya ang seatmate naming si JM de Guzman nang batiin ito ni Moira at magdayalog siya ng, “I’m a fan!” sa comebacking Kapamilya actor, sa portion na pinasalamatan ni Moi ang celebrities na nanood sa concert niya.

Sunod niyang kinanta ang most awaited song of the night at ang most vital song of her career na Malaya, na hindi niya raw masusulat ang Tagpuan kung hindi niya muna naisulat ito.

Ang Malaya album niya na hindi pa available sa record stores ay binebenta that night sa lobby ng Kia Theatre along with some exclusive merch.

Ani Moira, Malaya is not just a hugot song but also a note to self, na she can’t control everything and it’s okay. It also means free na raw siya sa pag-cover up ng psoriasis sa kanyang leg at sa pagsusuot ng Spanx and she can show her belly instead.

Kaysarap naman kasi talagang maging malaya!

MOIRA says "I'm a fan!" to JM DE GUZMAN, one of the celebrities in the audience on the second night of her Kia concert/ @brightbulbproductions IG

Her encore number was her catchy, prize-winning song sa Himig Handog 2017 na Titibo-Tibo.

Lakas maka-good vibes ng kantang ito, na nakakaindak at ang sarap sabayan.

Masigabong palakpakan and confetti shower for the star of the night. Tapos na ang palabas. PAK!

MOIRA is one of the most exciting and refreshing artists in the Philippine music scene today/ @cornerstone IG

May dahilan kung bakit hindi pinalad si Moira nang sumali siya sa 1st Season ng The Voice of the Philippines.

May mas magandang kapalaran pala na naghihintay sa kanya at may tamang panahon para kuminang ang bituin niya.

Truth be told, lahat ng songs niya ay magaganda at wala kang itatapon. Aside from the fact na may certain quality and sincerity ang mga awitin niya, na diretso sa puso at humahaplos sa kaluluwa.

And we admire Moira because she’s not only a great singer but also a gifted songwriter. Bihira ang ganu’ng kombinasyon, so that’s pure talent right there.

Nakaka-happy na ang loyal fans niya na kung tawagin ay Moisters, dati ay iisa lang, pero ngayon ay dumami na nang dumami at patuloy pang nadadagdagan.

After her soldout, two-night Tagpuan concert sa Kia, sa Smart Araneta Coliseum naman magsasabog ng kanyang talento si Moira, sa concert nila ng Boyce Avenue sa June 1!

MOIRA DELA TORRE's TIME has finally COME! Congrats and take a bow, girl!!/ @cornerstone IG

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *