Scroll to Top

WATCH: Angelica Panganiban, applauded ang Spoken Hugot sa soldout concert ni Moira dela Torre!

By Allan Diones / Published on Tuesday, 20 Feb 2018 19:21 PM / No Comments / 1007 views

NANGGULAT si Angelica Panganiban sa ikalawang gabi ng two-night concert ni Moira dela Torre na Tagpuan sa Kia Theatre nu’ng Sunday, February 18.

Sa movie and teleserye theme songs segment ng nasabing soldout concert ni Moira ay biglang lumabas si Angelica sa stage.

Ang kantang You Are My Sunshine ang inaawit ni Moira sa part na ‘yon, na theme song ng pelikulang Meet Me in St. Gallen nina Carlo Aquino at Bela Padilla.

Huminto si Moira at umupo sa bench doon sa stage saka umentra si Angelica para sa Spoken Word Poetry, na tinilian at pinalakpakan ng Kia crowd.

Sigawan ang audience sa opening line ng aktres na, “Bakit kaya lagi akong iniiwan? Bakit lagi akong nasasaktan?”

Patuloy ng hugoterang si Angelica, “Bakit kaya lagi na lang umiiyak? Lagi na lang masakit? Aabot ka na du’n sa mauubusan ka na ng mga bakit. Mauubusan ng sigla, ng gana. Pupuwede ka pala nilang tapusin. Pupuwede ka palang mamatay.”

Aray ko! Hugot na hugot, Angge!!

ANGELICA PANGANIBAN doing her Spoken Hugot Poetry while singer MOIRA DELA TORRE listens from the sidelines/ @cornerstone IG
“Bakit kaya lagi akong iniiwan? Bakit lagi akong nasasaktan?” asks the Hugotera actress, who was left by ex-boyfriend JOHN LLOYD CRUZ for ELLEN ADARNA/ @cornerstone IG

Spoken Hugot

Si Moira ay medyo nagrereak din du’n sa may tabi habang umaarya sa kanyang Spoken Hugot si Angelica.

“At kapag doon, nakabaon ka na sa sobrang kalungkutan, doon ka na babangon,” patuloy na sambit ng aktres.

“Sa sarili ka lang kakapit. Sa sarili ka maniniwala at magtitiwala. Sa sarili ka muna magsisimula.

“Pagbuo mo na lahat ng nasira sa ‘yo, at dahan-dahan, doon mo tatapusin ang mahirapan. Doon mo tatapusin ang maawa sa sarili mo.

“Doon ka na lalaban. Doon mo iiwan ang pagiging duwag. Iiwan mo sa mga naging duwag na mahalin ka.

“At dahan-dahan, mapapalitan lahat ng bakit ng pasasalamat. Maiisip mong ibabalik ng tadhana ang lahat ng nakalaan para sa ‘yo.

“At dahan-dahan, nararamdaman mo na muling mabuhay sa bagong liwanag ng ikaw, na ikaw lang ang bumuo.

“Makikita mong hinahanda ka lang pala ng bathala para sa nakatadhana. Para sa mas matibay na ikaw. Mas matapang, para sa bagong buhay, bagong pagmamahal at bagong ikaw.”

Queen of Hugot Songs MOIRA with Reyna Hugotera ANGELICA/ @brightbulbproductions IG

Totoong happiness, wish ni Moira kay Angge

Sing ulit si Moira ng You Are My Sunshine at si Angelica naman ang umupo sa isa pang bench doon sa stage. Natatawa-tawa si Angge sa pagkakaupo niya.

Later ay sinabi niya kay Moira na namali pala siya ng blocking dahil doon sa may swing pala siya dapat umupo.

“Doon pala ako dapat. Gusto kong mag-disappear kanina!” natatawang sey ni Angge.

“Congratulations!” sabi niya kay Moira, na sinagot nito ng, “Ate, I wish you all the happiness in the world.”

Tilian ang audience.

“Masaya na nga!” sagot ng Kapamilya actress sabay tawa.

“Masaya na nga,” ulit niya.

“‘Yung totoong happiness,” pakli ulit ni Moira.

“Oo. Sige,” natatawang reaksyon ni Angge, “Trabahuhin natin ‘yan. Bye, guys!” natatawang exit ni Angelica, tapos ay pinalakpakan siya ng audience.

“Ate, I wish you all the happiness in the world... 'Yung totoong happiness,” MOIRA says to her guest ANGELICA/ @brightbulbproductions IG

Hugoteras Unite!

Ang ganda lang nu’ng moment na ‘yon sa Tagpuan concert dahil kilala si Moira sa pagiging Queen of Hugot Songs, tapos si Angelica ay kilala sa kanyang hindi matapus-tapos na mga HUGOT (at hanash), lalo na after siyang ipagpalit ng ex-BF niyang si John Lloyd Cruz kay Ellen Adarna (na buntis ngayon at balitang pakakasalan ni JLC).

Hugot Singer meets Hugot Actress, so PAK na PAK ang Spoken Poetry number na ‘yon!

That night ay may tweet si Angelica na, “Ikamamatay ko itong kaba na nararamdaman ko,” bago siya sumalang sa entablado.

Sinagot ‘yon ng ex-boyfie (at kaibigan) ni Angge na si Carlo Aquino ng, “Hindi ka naman namatay. Bumangon ka sa paghimlay. Pinakita mong sila ang patay pag nakabangon ka!”

“Magkakamatayan na!” ang reply tweet dito ni Angelica with matching laughing emoji.

Sa first night ng Moira concert ay si Bela Padilla ang nag-Spoken Word sa portion na ‘yon. May nakita kaming video na kinarga pa ni Carlo si Bela sa backstage ng Kia.

Isa si Angelica sa producers ng Tagpuan concert kasama ang partners niya sa Brightbulb Productions na sina Sam Milby at John Prats, na siyang nagdirek ng show.

Panoorin below ang video ng moment na ‘yon nina Moira at Angelica. Tapos ay paki-Like, Share & SUBSCRIBE na rin po to our YouTube channel. Salamat!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *