Scroll to Top

WATCH: Maine Mendoza admits she fell in love with someone when she entered showbiz!

By Allan Diones / Published on Wednesday, 14 Feb 2018 13:59 PM / No Comments / 2786 views

KUWELA talaga si Maine Mendoza. Nakakaaliw ang mga hirit niya at meron siyang humor na kanyang-kanya lang.

When we asked her kung sinong biggest crush niya, we didn’t expect na name ng girl ang isasagot niya.

“Janine Gutierrez. Tibo ako, eh! Ha! Ha! Ha!” tawa ni Menggay.

In fairness, sa mga interview niya ay consistent si Meng sa pagsasabing nagagandahan talaga siya kay Janine at girl crush niya ito.

Minsan na namin itong nabanggit kay Janine at touched siyempre ang Kapuso actress, na looking forward din na ma-meet ang phenomenal half ng AlDub loveteam.

Kinilig si Menggay nang sabihin namin sa kanyang alam na ni Janine na crush niya ito.

Cute ‘yung hirit niya na, “Janine, kung nanonood ka man, crush po kita. Ayy!! Kinilig?! Ha! Ha! Ha!”

Pagdating sa guy crush, ang sabi ni Maine ay alam na ng lahat na si Alden Richards ‘yon.

‘Yun na! Bet na bet ‘yan ng AlDub Nation for sure! PAK!

MAINE MENDOZA shares her crushes: And they're Janine Gutierrez & Alden Richards!/ @mainedcm IG

Kili-kili power

Tawang-tawa rin kami sa sagot ni Menggay nang tanungin namin siya kung anong mas gusto niyang gampanan if ever: Darna o Dyesebel?

Big concern pala niya ang kanyang kili-kili, na hindi niya raw kering ipakita. Nagtataas daw kasi ng braso si Darna ‘pag sumisigaw ito ng “Darna!” kaya nakikita ang kili-kili nito. Ha! Ha! Ha!

Siyempre, alam naman nating eklay lang ‘yon ni Meng dahil maputi at makinis ang kili-kili niya, na nakita ng lahat nu’ng rumampa siya sa Bench underwear show last year.

‘Katuwa lang na meron siyang ganu’ng insecurity, kahit ang totoo ay meron siyang underarm na puwede niyang i-display at ipagmalaki.

In all fairness ay parang keri ni Maine ang maging Pinay superheroine na si Darna. Bagay rin sa 22-anyos na dalaga ang maging sirenang si Dyesebel lalo na’t aminado siyang mahilig siya sa dagat.

Any takers? PAK!

MAINE jokes about her kili-kili a lot; but it's actually makinis & maputi, as proven at the Bench underwear show last year/ @markednicdao IG

Read between the lines

Favorite part namin ang nakakatuwang pagpapa-girl ni Menggay nang usisain namin kung kailan siya huling nainlab.

Kahit pa sa sabihing naganap ang interbyuhan namin 3 months ago na, nu’ng hindi pa lumalabas ang kontrobersyal niyang open letter to their fans, that doesn’t change the fact na ‘yun ang sinagot sa amin ni Meng.

Actually, medyo nahihiya pa siyang umamin na huli siyang nainlab recently lang nang pumasok na siya sa showbiz.

Ngayon, doon sa follow-up question namin kung kilala ba namin ‘yung taong tinutukoy niya at kung si Alden ba ‘yon… kayo na lang ang bahalang humusga sa makahulugang reaksyon ni Maine!

Happy Hearts Day, everybody!!!

Here it is… watch n’yo na po below ang masayang video ng aming 8 QUESTIONS with MAINE MENDOZA!

After watching it, please Like, Share & SUBSCRIBE po to our YouTube channel. Thank you, guysh!!

Love, love, love!!!

So, could it be ALDEN RICHARDS that MAINE was referring to? What do you think, guysh? PAK!/ @juansarte IG

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *