Scroll to Top

8 QUESTIONS with MAINE MENDOZA

By Allan Diones / Published on Wednesday, 14 Feb 2018 11:36 AM / 1 Comment / 2729 views

INSPIRED by Tito Boy Abunda’s ‘Fast Talk’ segment in TWBA – we give you 8 QUESTIONS.

Madalian at mabilisang tanungan. Presence of mind lang ang kailangan.

Walong tanong para sapat lang. Hindi konti, hindi rin karamihan.

And because 8 is my favorite number (‘yun ang totoong dahilan, hehe!).

Here’s a treat this Valentine’s Day. Our featured star for today is none other than MAINE MENDOZA.

Yup, it’s Menggay in the house! Na-miss n’yo ba siya? Puwes, read this para ma-happy at ma-good vibes!

Truth be told, may pagka-slight throwback na ito because our interview happened early November of last year.

Actually, isa si Maine sa pinakauna naming na-8 QUESTIONS, magkasunod sila ni Alden Richards. But up to now, hindi pa namin ito nailalabas until today, which happens to be Hearts Day.

So, that means naganap ang interbyuhang ito bago pa lumabas ‘yung open letter na isinulat ni Maine sa kanyang blog. Para lang malinaw ang mga bagay-bagay.

Having said that, sobra naming na-enjoy ang maiksing tanungan namin with Menggay because as usual, lumitaw ang kanyang pagiging funny, candid, witty and charming.

In fact, isa si Meng sa pinaka-favorite namin sa mga na-feature namin dito so far.

Owkay, so without further ado, here’s our 8 QUESTIONS with MAINE MENDOZA…

And Happy V-Day everyone! Spread some love today!

MAINE MENDOZA is one of our very first na na-interview for 8 QUESTIONS. But hindi pa namin ito nailalabas until today. So, enjoy guysh!/ @markednicdao IG
FUNNY GIRL. As usual, lumabas ang pagka-candid, witty and charming ni Menggay sa aming maiksing tanungan with her/ @markednicdao IG

1. What’s your ultimate comfort food?

Ramen. Spicy ramen. Favorite ko siya, eh. At saka hindi lumalagpas ang isang linggo na hindi ako nagki-crave ng ramen. Comfort food na rin. Napapa-happy ako. Bukod sa ice cream.

2. What’s the most beautiful place in the world you’ve ever been to and why?

So far, Maldives pa lang, eh. Kasi, hindi pa ako masyadong nakakapag-explore sa Philippines at sa buong mundo. Pero so far, Maldives.

Eh kasi, mahilig ako sa beach. Beach person ako, so ‘yun ‘yung pinili ko. Pero marami ring magagandang beach dito sa Philippines, hindi ko pa lang talaga siya napupuntahan.

3. Who is your biggest crush?

Biggest crush? Local po ba o international? Ha! Ha! Ha! Biggest crush? Naku, Janine Gutierrez! Tibo ako, eh! Ha! Ha! Ha! Si Janine po, girl crush.

Ewan ko, sobrang ina-admire ko ‘yung beauty niya and hindi ko pa siya nami-meet pero feeling ko… hindi ko po alam kung alam na niya, eh.

Hello, Janine! Ay, alam niya ba? Ha! Ha! Ha! Janine, kung nanonood ka man, crush po kita. Ayy!! Kinilig?! Ha! Ha! Ha!

Sa lalaki? Alam naman na po ng lahat, si Alden Richards. At saka ‘yun na lang. International, wala naman po masyado.

4. If you were to wake up as someone else tomorrow, who would you want to be and why?

Alden Richards. Opo. Kasi, gusto kong malaman kung anong mga ginagawa niya sa buong araw. Gusto kong malaman kung gaano ba kahirap at ka-hassle ‘yung buhay niya.

Kasi, ang dami niyang trabaho. Parang meron siyang mga sampung commitment sa isang araw. So, gusto kong maramdaman ‘yon.

5. Career or lovelife?

Balanse, eh. Gitna, gitna. Isa lang? Ahmm… siguro lovelife. Lovelife.

6. Abs ni Chris Martin o dimples ni Alden?

Alden, sorry, pero arms ni Chris Martin (‘arms’ yata ang dinig ni Meng sa tanong namin instead of ‘abs’ pero keri na rin). Ha! Ha! Ha! Sorry na!

Ayun pala, (international) crush: Chris Martin (of Coldplay). Eh kasi, nakaka-relate po ako sa songs ng Coldplay. So, parang nata-touch talaga ‘yung kaluluwa ko. Kaya love na love ko rin si Chris Martin.

Feeling ko lang, ang deep niyang tao. Nakaka-relate po ako sa kanya. Feeling ko, connected kami in a way. Charot! Kasi, ano eh, March 2 birthday niya, tapos ako, March 3. So, feeling ko, ang Diyos pinagkonek kami. Ha! Ha! Ha!

Sexy rin ang dating niya. Kahit pawis na pawis.

7. Alin ang mas gusto mong gampanan: Dyesebel o Darna?

Hala! Ahh… Ursula (kontrabidang pugita ng sirenang si Ariel sa The Little Mermaid)! Ha! Ha! Ha!

Hala! Hindi puwedeng Darna, kasi magtataas ng kili-kili ‘yon, hindi ko kaya. Siguro, Dyesebel na lang. Aaralin ko ‘yung mga pagsisid na gano’n.

Darna, hindi kaya. Ayoko po, wala akong kakayahang magpakita ng kili-kili! Ha! Ha! Ha! ‘Yun po talaga ‘yon!

8. Kailan ka huling nainlab?

Hala! (biglang nagpa-girl) Ha! Ha! Ha! Hala!! Recently lang. Yes po. Nakakahiya! Ha! Ha! Ha! Opo, ano lang, eto lang, pagpasok ko sa showbiz. Ayun, last.

(So, kilala namin?) Ha! Ha! Ha! Opo, kilala n’yo. (Si Alden ba ‘to?) Hala!!! Excuse me po, kakain na po ako! Ha! Ha! Ha! Ha!

MAINE is one of our favorites so far, sa mga na-feature namin here sa 8 QUESTIONS. Happy Hearts Day, everyone!!/ @stylizedstudio IG

One thought on “8 QUESTIONS with MAINE MENDOZA”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *