Scroll to Top

Dalawang miyembro ng Hashtags, NAKABUNTIS?!

By Allan Diones / Published on Monday, 22 Jan 2018 19:59 PM / No Comments / 9055 views

MAINIT-INIT pa ang chika ng aming reliable source na kakasagap niya ngayon-ngayon lang. Ayon sa source: Dalawang miyembro ng grupong Hashtags ang nakabuntis!

Ang Hashtags ay ang all-male dance group na nakilala sa noontime show ng ABS-CBN na It’s Showtime.

Ang balita ng aming souce, dalawa sa members nito ang nakabuntis ng kanilang respective girlfriends.

‘Yung una, tawagin nating Hashtag 1 o H1, ay kinumpirma mismo ng isang kamag-anak nito na totoong nakabuntis nga.

Ang chika mula sa kampo ni H1 ay tatlong buwan na ang ipinagbubuntis ng nobya nito.

Medyo masalimuot ang sitwasyon ni H1 dahil sa isang sensitibong bagay na hindi muna namin babanggitin. Isa ito sa mga rason kung bakit hindi sang-ayon ang pamilya nito na ipakasal si H1 sa babaeng nabuntis nito.

Ang sabi ng aming source ay pagmi-meeting-an pa ng mga taga-It’s Showtime ang tungkol dito at kung may gagawin silang aksyon sa isyung ito. Ang dinig namin ay tila may chance na matanggal sa grupo si H1 dahil sa kinasangkutan niyang ito.

The original members of 'It's Showtime's' all-male dance group, Hashtags/ @hashtags_showtime IG
The 8 new members of Hashtags including Franco Hernandez (rightmost) who passed away last year in a drowning incident/ @hashtags_showtime IG

Ang isa pang member ng Hashtags na sinasabing nakabuntis din, si Hashtag 2 o H2, ay hindi pa umaamin. Wala pa ring nagkukumpirma mula sa kanyang kampo.

Pero usap-usapan na ng mga tagaroon sa show na preggy rin ang GF ni H2. At merong mga nakakapansin na parang may halong emote ang mga post si H2 sa kanyang social media, na tipong pag-iisipan mo ng kakaiba. Kaya maging mga kaibigan ni H2 ay naku-curious kung anong pinagdaraanan niya.

Posibleng mabigla ang fans ni H2 kung totoong nagdadalantao ang nobya nito dahil bata pa si H2 para maging isang ama at hindi pa ito handa sa responsibilidad.

Mas lalo naman si H1, na hindi mo iisiping gumagawa na ng milagro at kaya nang makabuo ng baby!

The original and new members of Hashtags in 'It's Showtime'/ @hashtags_showtime IG

Ang grupong Hashtags na tinaguriang ‘Kilig Ambassadors’ ay nagsimulang maging bahagi ng It’s Showtime nu’ng November 2015.

Ang original members nito ay binubuo nina Zeus Collins, Jimboy Martin, Tom Doromal, Jameson Blake, McCoy de Leon, Paulo Angeles, Jon Lucas, Ryle Santiago, Ronnie Alonte, Nikko Natividad at Luke Conde.

Valentine’s Day 2017 nang ipakilala ang walong new batch of Hashtag members na kinabibilangan nina Bugoy Cariño, Vitto Marquez, Wilbert Ross, Maru Delgado, CK Kieron, Kid Yambao, Rayt Carreon at Franco Hernandez.

November last year nang masawi sa isang drowning incident ang bagong Hashtags member na si Franco sa edad na 26.

Some of the original & new members of the Kapamilya boy group, Hashtags/ @hashtags_showtime IG

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *