Scroll to Top

WATCH: Elmo Magalona on his idea of a perfect Valentine date and his V-Day gift for Janella Salvador

By Allan Diones / Published on Monday, 12 Feb 2018 23:11 PM / No Comments / 835 views

SA isang mahanging lugar gustong dalhin ni Elmo Magalona si Janella Salvador if ever meron silang time to have a date on Valentine’s Day.

Sey ni Moe, sana ay hindi umulan on that day dahil gusto niya ay outdoors sila.

“I don’t know, basta somewhere outside. We’ll bring food lang and we’ll just enjoy each other’s company,” sabi ng 23-anyos na binata.

When we asked Elmo kung anong ibibigay niyang Valentine gift kay Janella, he told us na naibigay na niya. He gave her a necklace as V-Day gift.

“Sabi ko sa kanya, ‘Paglabas ng My Fairy Tail Love Story, gusto kong suotin mo ‘to.’ Kasi ‘yung title nu’ng necklace is Fairy Tale, actually,” sabi ng leading man ni Janella sa Valentine presentation ng Regal Films na My Fair Tail Love Story.

Hindi niya ma-describe sa amin kung anong itsura ng nasabing kuwintas at ng pendant nito, but it’s a Pandora necklace called Fairy Tale.

“Sabi ko, suotin niya. Dapat suotin niya,” nakangiting dayalog ni Moe.

Ayun. So, may pa-Valentine gift na pala si Moe kay Jea in advance. PAK!

Elmo Magalona is very open about his true feelings for his ka-loveteam, Janella Salvador
Fall in love with Elmo & Janella in their Valentine movie, 'My Fairy Tail Love Story' from Regal Entertainment

Right timing

Nang matanong si Janella doon sa presscon ng My Fairy Tail Love Story kung kailan siya magiging ready na magpaligaw kay Elmo, nagbiro si Moe na after daw ng showing ng MFTLS.

Paliwanag ng Kapamilya young actress, importante sa kanya na gusto niyang mas makilala pa nang husto si Elmo. Aside from that ay marami pa raw siyang kailangang i-prioritize sa buhay.

“I’m just taking my time. I’m enjoying lang what I have with Elmo now, ‘yung friendship namin. Super ine-enjoy ko lang din. I want both of us to get to know each other more. It doesn’t matter kung gaano katagal, basta happy kami. ‘Yun lang,” sey ng dalaga.

Kung si Moe ang tatanungin ay ready siya na pumunta sa bahay ni Jea para dumalaw at doon umakyat ng ligaw. Pero kailangan daw ng right timing. Baka hindi pa raw ngayon, pero naiintindihan naman niya si Jea at ayaw niya itong madaliin.

23-year-old Elmo says he's just waiting for the right timing and doesn't wanna rush 19-year-old Janella/ ©allandiones.com

Fairy tales & happy endings

Sabi ng direktor ng My Fairy Tail Love Story na si Direk Perci Intalan, isa itong sirena love story na mula sa mga Dyesebel at iba pang mermaid movies before, pero binali nila ang kuwento. Sey ni Direk Perci, may magic sa audience ang movies na ganito.

May kanta-kantahan parts din at ang napili nilang gamiting theme song ay Be My Fairytale originally sung by Moira dela Torre, na paborito ngayon ng mga millennials.

Favorite ni Janella ang The Little Mermaid kaya gusto niya rin talagang maging sirena sa pelikula at natupad ‘yon sa movie na ito.

Elmo says he believes in happy endings gaya ng sa fairy tales and he hopes that he will end up with Janella.

Ang naka-smile na reaksyon dito ni Jea ay, “We’ll see what happens.”

Sey ng halatang inlab na si Moe, ang goal niya talaga ay maging special siya para kay Jea. Pero hindi niya ito nira-rush dahil 19 lang ito at marami pang gustong ma-achieve in life.

“I can’t deny that when I look at her, there’s love,” ang sweet line ni Moe, na ang sey ni Jea ay sinasabi sa kanya ni Moe ‘yon that she’s important to him (and obviously ay kinikilig siya).

Maraming pa-block screenings ang ElNella fans para sa My Fairy Tail Love Story na showing na in cinemas nationwide on Valentine’s Day.

Panoorin below ang interview namin with Elmo. And don’t forget to SUBSCRIBE to our YouTube channel, thank you!

MOE & JEA: Will they live happily ever after?/ @regalfilms50 IG

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *