Scroll to Top

Finally! That’s My Bae Joel Palencia, nagsalita na tungkol sa ‘Gay Scandal’ na kinasangkutan niya!

By Allan Diones / Published on Tuesday, 21 Nov 2017 19:39 PM / No Comments / 4435 views

SA wakas ay binasag na ni That’s My Bae Joel Palencia ang pananahimik niya hinggil sa nag-viral na ‘kissing photo’ niya diumano kasama ang isang lalaki.

Nu’ng June 2017 ay kumalat sa social media ang sinasabing intimate photo ng That’s My Bae member ng Eat Bulaga kung saan kahalikan niya ang isang guy na karelasyon umano niya.

Ang sabi-sabi ay kasamahan dati ni Joel sa pagsali sa mga contest ang lalaki sa kumalat na picture at pareho raw silang taga-Antipolo nito.

Never pang nagsalita ang 23-anyos na EB mainstay tungkol sa kontrobersyang ito.

Ngayong hapon lang sa presscon at contract signing ng six-member, all-male group ng Eat Bulaga bilang brand amBAEssadors ng Heroes Barbers ay napagsalita namin si Joel tungkol sa isyu.

“Well, I have been waiting for someone to ask me about that,” simulang bulalas ng binata, na nagwagi ng titulong Mr. Antipolo nu’ng 2015.

“During nu’ng time na may lumabas na photo, gusto ko sanang ipagtanggol ang sarili ko. Kasi, unang-una, hindi ko siya pinapansin. Hanggang sa dumating sa point na ‘yung family ko, naapektuhan na.

“Then siyempre, I have to ask my bosses first sa Eat Bulaga, sa management ko, kay Nanay Rams (David ng All Access to Artists) if I can say something about it, pero ayaw nila.

“So, never nila akong pinagsalita. Bawal daw akong magsalita about it. Pero sa tingin ko, ito na ‘yung chance kong magsalita para madepensahan ko ‘yung sarili ko, since natanong na rin naman.

“Ganito lang po kasimple ‘yon. Kung legit ‘yung photo, siguro ngayon, hindi n’yo na po ako nakikita sa Eat Bulaga. So, ‘yun po.”

Pero kung hindi kami nagkakamali, there was a time na na-suspend siya sa EB, hindi ba?

“Opo. I got suspended for one week, pero hindi po siya because of that issue,” sagot ni Joel.

“Actually, nasabay po siya. Meron akong family problem before eh, with my parents. And then, sumabay siya.

“Kasi, after taping (ng dati nilang Kapuso morning series na Trops), lagi kaming diretso sa Bulaga.

“Then, we have parang tatlong beses sa isang linggo, pumapasok sa Bulaga. Eh, M-W-F din ‘yung taping namin, so required kaming pumasok.

“Unfortunately, during that time, hindi ako nakakapasok (sa EB) dahil sa… I got suspended because of absences po. Hindi po dahil doon (sa kissing photo issue).

“Sinabay po siya. Kasi, galing po ng ibang bansa ‘yung pinaka-boss po ng Bulaga. So, sinabay po sa interview ko nu’ng time na ‘yon kung ako po ba talaga ‘yon.

“And then, siyempre, bago po ako interbyuhin, nag-review rin naman po sila. Nag-investigate kung legit ‘yung photo. Ayun naman po, napatunayan naman po na hindi po talaga legit ‘yung photo.”

That's My Bae Joel Palencia/ ©allandiones.com

At that time ay nagkaroon ng photo shoot ang limang miyembro ng That’s My Bae para YES! magazine at tanging si Joel lang ang hindi kasali.

“Opo, ayun po. Exactly. Ito na nga po ‘yung nangyari. Kasi po, ‘yung isa sa boss (ng EB), hindi na po ako magme-mention ng pangalan, basta po ‘yung isa sa boss ng Bulaga, once na ma-suspend ka ng one week doon po sa inilagay niya na memorandum, automatic lahat ng papasok sa group namin, hindi po ako makakasama.”

Ani Joel, first magazine shoot ‘yon ng grupo nila, so aminado siyang nalungkot siya na hindi siya nakasama rito.

Pero alam niya naman daw na marami pang opportunities na darating para makasama siya sa grupo niya.

So, puwede niyang sabihin nang diretso na hindi totoo ‘yung kumalat na ‘gay issue’ tungkol sa kanya?

“Opo. Hindi po totoo ‘yung picture,” pakli ni Joel.

At wala siyang karelasyong lalaki?

“Wala po. Ha! Ha! Ha!

“Actually, sinabi ko po sa boss ko nu’ng before na parang lumabas na siya last year. Hindi po siya napansin. Hindi po siya ganu’n nag-trend.

“Kasi, ‘yung pagkaka-edit (ng picture), hindi po ganu’n kagaling. Pero this time po, nu’ng lumabas siya, Saturday po ‘yun, eh. Parang wala akong pakialam, kasi hindi naman magti-trending ‘yon. Kasi, alam ko namang edited siya, eh.

“And then, meron pa pong isang picture du’n na ewan ko kung paano na-edit ‘yon. God knows.

“Meron pong nakalabas na private part ko po, na sabi ko po, ‘Paano nangyari ‘yon? Paano nalagay ‘yung mukha ko du’n na never akong nag-take ng ganu’ng picture din?’

“So, during that time na ‘yon, ‘yung bago lumabas ‘yung picture na ‘yon, sabi ko, parang hindi nila sinama ‘yung isa pang picture.

“Siguro, parang naghihintay pa po na after nitong mamatay na isyu, ilalabas pa po nila ‘yung isa po na ‘yon.”

Ang kumalat na 'kissing photo' umano ni That's May Bae Joel kasama ng isang lalaki/ @randomgwapo IG

AWKWARD

Ano ang eskaktong naramdaman niya nu’ng lumabas ‘yung isyu na ‘yon sa kanya?

“Actually, nu’ng kinabukasan po nu’n, ang nararamdaman ko po every time, kahit saan ako nagpupunta, siyempre, tao lang ako. Awkward.

“‘Yung awkwardness po ‘yung nararamdaman ko kada po naglalakad ako sa lahat. Parang alam ko po, Bae ako ng Bulaga, nakikita kami sa TV, meron kaming Trops that time.

“Parang alam ko po, may mga makaka-recognize, meron pong hindi. Kasi, hindi naman po ganu’n ka-totally ganu’n ako ka-big star.

“Pero nu’ng time na kumalat po ‘yon, aba! Lahat ng tao sa pinupuntahan ko, even malls, lahat po nakatingin.”

Nahihiya ba siya nu’ng time na ‘yon o proud siya?

“Proud po ako nu’n. Kasi siyempre, alam ko pong hindi po ako ‘yung nasa picture. So, humarap po ako sa kanila.

“May mall show po kami actually nu’n, kinabukasan. Then, pinagbigyan po ako ng boss ng Bulaga na, ‘Sige, isama mo na ‘yan diyan, since nakapirma na ng kontrata ‘yung management n’yo. So, parang wala kaming choice na bakit hindi namin isama?’

“So, ‘yun po, humarap ako sa tao. Ipinakita ko po talaga na hindi po talaga ako ‘yon,” sey ni Joel.

Joel Palencia/ ©allandiones.com

PHOTOSHOPPED

So, ibig sabihin, Photoshopped ‘yung kumalat na picture na ‘yon na may kahalikan siyang lalaki?

“Opo. Hindi po talaga totoo. Inaabangan ko pa po ‘yung isang edit nilang picture na nakalabas ‘yung private part ko, na nilabas nila lahat ng picture na ‘yon kasama ‘yung isang picture na may nakalabas na private part, last year po ‘yon.”

Tapos, bukod doon ay meron ding kumalat na screenshots ng private conversation diumano nila nu’ng lalaki na sinasabing kahalikan niya sa picture.

Sa palitan nila ng mensahe sa Facebook messenger ay nag-uusap sila nito tungkol sa sarap ng pagsi-sex nilang dalawa.

“Ay, ‘yun po. Obvious naman po na ‘yung pagkaka-edit nu’n. Natatawa nga po ako na parang kahit sino po, puwedeng gawin ‘yon.

“Ako po, puwede ko pong gawin ‘yon sa ibang tao na ie-edit ko lang ‘yung contact name du’n sa phone. So, napakadali po nu’n.

“At saka napakaimposible naman po nu’ng convo na ‘yon. So, ayun po. Tinatawanan ko na lang po,” sambit ni That’s My Bae Joel, na siguro raw sa kanyang pagkalalaki.

Kasama ang mga katrops niyang sina Kenneth Medrano, Miggy Tolentino, Jon Timmons, Tommy Peñaflor at Kim Last, silang anim ang kinuhang AmBAEssadors ng Heroes Barbers.

Ayon sa mga may-ari nito, bago pa lang sa male grooming industry ang Heroes Barbers at gusto nilang makasabay sa pag-angat at pagsikat ang anim na good-loking members ng That’s May Bae ng Eat Bulaga.

Sa ngayon ay apat pa lang ang branches ng Heroes Barbers, na sister company ng Nailandia na ineendorso ni Marian Rivera.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *