Scroll to Top

WATCH: Juday-Ryan’s eldest daughter is one talented young girl! Check out Yohan Santos Agoncillo’s version of ‘A Million Dreams’ from ‘The Greatest Showman’!

By Allan Diones / Published on Wednesday, 28 Feb 2018 14:45 PM / No Comments / 1355 views

FUTURE singer ang panganay nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na si Johanna Lois ‘Yohan’ Santos Agoncillo.

Mahilig kumanta ang 13-anyos na bagets at gandara ang singing voice nito.

Last Sunday, February 25, sa 71st birthday celebration ng ina ni Juday at lola ni Yohan na si Mommy Carol Santos ay nagbigay ng ilang song numbers ang talented na dalagita.

Umani ng palakpakan si bagets at bumilib ang lahat sa husay niyang umawit.

Proud siyempre ang kanyang parents, pati na ang kanyang Lola Carol na Mama kung tawagin ni Yohan.

JOHANNA LOIS 'YOHAN' SANTOS AGONCILLO is the talented panganay of JUDY ANN SANTOS & RYAN AGONCILLO/ @officialjuday IG
JUDY ANN has a future singer/recording artist in her eldest daughter YOHAN/ @officialjuday IG
Ateh YOHAN bonding with Mommy JUDAY/ @officialjuday IG
Daddy RYAN with Ateh YOHAN, Kuya LUCHO & Bunso LUNA/ @officialjuday IG

Pang-Disney ang boses

Flashlight ni Jessie J ang unang kinanta ni Yohan kasama ang pinsan niyang si Karrie Santos, na bunso ng Kuya Jeffrey Santos ni Juday.

Ang sweet ng boses at effortless kung umawit si Yohan. Applauded ang song number nila ni Karrie.

A Million Dreams mula sa hit musical movie na The Greatest Showman ang sunod na kinanta ng ate nina Lucho at Luna, no solo lang ito at hindi na niya ka-join si Karrie.

Ang diva song na Never Enough, mula pa rin sa soundtrack ng The Greatest Showman ang huling song ni Yohan, na sinamahan ulit siya ng cousin niyang si Karrie.

Kinunan namin ng video si Yohan while singing at pinost namin ‘yon sa aming YouTube channel.

Unanimous ang comments na ang ganda ng boses ng eldest daughter nina Juday at Ryan. Meron na raw anak si Juday na magiging singer.

She is good, napaka-talented na bata at ang lamig ng boses, ang ilan pa sa mga komento ng netizens kay Yohan.

“Ang galing mong kumanta. Pang-Disney ang boses mo!” ang reaksyon ng comedian-TV host na si Eric Nicolas sa talentadong teenager.

Mukhang very promising ang future ni Yohan bilang singer. At least ay medyo maiiba ang linya niya sa kanyang superstar mom na mas kilala bilang mahusay na aktres.

In fairness ay nagkaroon din ng albums noon si Juday, na naging platinum pa, tapos ay naranasan niya ring mag-concert sa Araneta Coliseum kahit hindi naman talaga siya singer. PAK!

Ang dinig namin ay gusto muna ni Juday na makatapos ng pag-aaral si Yohan bago nito i-pursue ang pangarap nito na maging isang mang-aawit.

Panoorin below ang videos ng song numbers ni Yohan sa birthday party ng kanyang loving lola.

After watching, huwag n’yo po kalimutang mag-Like, mag-Share at mag-SUBSCRIBE sa aming YouTube channel. Tenkyu!

THE ADORABLE AGONCILLOS. Dad RYAN, MOM JUDAY and cute kiddies YOHAN, LUCHO & LUNA/ @officialjuday IG

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *