Scroll to Top

WATCH: Tom Rodriguez answers the burning question: Is he really that BIG?!

By Allan Diones / Published on Tuesday, 20 Feb 2018 01:48 AM / No Comments / 1664 views

MR. BIG ang pabirong tawag namin kay Tom Rodriguez dahil sa lahat ng underwear shoot niya for Bench Body ay palaging nagmumura ang pabukol niya.

Nu’ng Bench Under the Stars underwear show last year ay ‘yung bukol sa ilalim ng Bench briefs ni Tom ang isa sa most talked about dahil agaw-pansin ang umbok nito at itsura ito ng nakakasang baril na handang pumutok any moment.

As in pinaka-significant ang bulge ng bida ng The Significant Other sa bukol parade na ‘yon ng sangkaterbang modelo na iba’t iba ang hugis, kulay at laki.

Natatawang inamin sa amin ng Kapuso actor na medyo induced ng chemical ang prominent bulge niya na ‘yon, but nothing physical na enhancement. Sa kanya raw lahat ‘yung bonggang pasantol niya na ‘yon, wala siyang idinagdag o itinapal na kung anuman.

Kabado raw kasi siyang rumampa, so meron siyang ginawa para medyo mabuhay ang ‘Junior’ niya. May in-spray siya na topical sa mismong nota niya, tapos ay meron siyang ininom na half of something, na hindi niya sure kung ano, pero hindi raw Viagra. Nalokah kami sa dayalog niya na whole day ang effect nito. Pero sey ni Tom, hindi naman buhay na buhay ‘yung alaga niya, kumbaga ay half-awake lang ito.

Actually, sinabi lang daw ‘yon sa kanya ng kasama niyang professional models doon sa Bench show. As is nga lang siya ay bongga na ang harapan niya, na-enhance pa. Kaya ayun, ganu’n kaumbok ‘yung crotch area ni Tom, na hubog na hubog ang kanyang pagkalalaki.

Ginagawa raw talaga ‘yon nu’ng mga nakasama niyang male models, pero tila kay Tom pinakamatindi ang epekto dahil ‘yung Bukol Region niya ang nakaagaw ng pansin ng mga nanood.

Sabi ng 30-anyos na binata, hindi niya iniisip ‘yon at wala raw ‘yon sa kontrol niya. Ang sabi namin, dapat ay proud siya dahil siya ang pinaka-BLESSED among the guys.

Nakakatawa ‘yung hirit ni Tom na bubugbugin siya ng girlfriend niyang si Carla Abellana kaya tama na raw. At saka papatayin daw siya ng mommy niya at baka ma-high blood daw ito ‘pag nabasa ‘yung mga pinagsasabi niya.

TOM RODRIGUEZ and his 'significant bulge' at the Bench underwear show last year/ @benchtm @benchbodyph IG
Fil-Am hunk and Bench Body endorser TOM is Hashtag: BLESSED!/ @benchbodyph IG
TOM at the Bench Body shoot in Havana, Cuba where something accidentally popped out of his sexy underwear/ @popoycaritativo IG

Ang suwerte ni Juan Sarte

Sa sexy drama flick na The Significant Other ay may love scenes si Tom sa dalawang kapareha niya na sina Lovi Poe at Erich Gonzales.

May dayalog ang direktor nilang si Direk Joel Lamangan na si Tom ang ‘pinakadakila’ sa mga aktor na nakatrabaho nito. ‘Yun pala ay inimadyin lang daw ‘yon ni Direk Joel, sabay tawa nito. Akala namin ay nakita ni direk ang ‘resibo’ ng kadakilaan ng Fil-Am hunk.

Kuwento ni Tom, ang totoong nakakita ng ‘Junjun’ niya ay ang kilalang makeup artist na si Juan Sarte nang mag-shoot sila for Bench Body underwear sa Cuba.

Aksidente raw na nag-pop out ang notes niya habang ina-adjust niya ang briefs niya. Itinaas niya ito kaagad, pero nakita ni Juan ang sumungaw mula sa kanyang underwear. Buti na lang daw ay hindi ito nakita ni Lovi, na kasama niya rin sa nasabing Bench shoot sa Havana.

Sey ni Tom, nakaka-pressure ‘yung impression sa kanya na Mr. Big siya. He’s just a normal guy daw, humble na sabi niya sa amin habang natatawa.

TOM gamely answered all our naughty questions at the pocket presscon for the movie, 'The Significant Other'/ ©allandiones.com
TOM with his leading ladies in the movie 'The Significant Other': ERICH GONZALES and LOVI POE

Walang keber sa nudity before

Sa tanong kung keri niyang mag-frontal sa pelikula, ang sagot ni Tom ay nagawa na niyang mag-pose nang nude sa Art school nu’ng college siya sa Amerika.

Kapag wala raw kasing model ay sila-sila ang nagpu-pose nang hubo’t hubad para ipinta ng art students. Mga 18-anyos daw siya noon.

Ngayon ay iba na ang sitwasyon at mahirap nang mag-pose siya nang nude kahit pa sabihing for art’s sake ito.

At kung sa pelikula naman, kailangan daw munang ipagpaalam niya ‘yon sa nobya niyang si Carla at sa mommy niya.

Dati ay okey lang sa kanya ang nudity at wala siyang pakialam sa mga gano’n, pero ngayon ay conscious na raw si Tom.

Wala siyang frontal nudity sa The Significant Other, pero may maiinit na eksena si Tom with Lovi and Erich na pinag-aagawan siya sa pelikula, na bukas ang showing sa mga sinehan nationwide.

Panoorin below ang medyo umi-SPG-rating na interbyuhan namin with Tom. Paki-Like, Share & SUBSCRIBE na rin po to our YouTube channel. Salamat!

From Cineko Productions and Star Cinema, 'The Significant Other' opens tomorrow, February 21, in cinemas nationwide

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *