Scroll to Top

WATCH: Judy Ann Santos, nagulat sa hirit ng mommy ni Piolo Pascual!

By Allan Diones / Published on Tuesday, 27 Feb 2018 18:48 PM / No Comments / 2149 views

BINIGYAN ng papiging ni Judy Ann Santos-Agoncillo ang butihing ina nito na si Mommy Carol Santos na nag-71st birthday last Sunday, February 25.

Sa house nina Juday sa Alabang Hills Village sa Muntinlupa ginanap ang birthday dinner, na sumakto sa monthly mass ng mga Agoncillo with family and friends.

Isa sa mga bisita ng birthday girl na si Mommy Carol ay ang ina ni Piolo Pascual na si Mommy Amelia Nonato-Pascual.

Beshies sina Mommy Carol at Mommy Amy since their freshman year in high school sa Araullo.

Pareho nilang hindi in-expect na pagdating ng araw ay magiging artista ang mga anak nila, magiging superstars at magka-loveteam pa.

Natuwa si Mommy Carol na dumating ang BFF niya with matching regalo.

Nakaaaliw ang eksena nang bumati at bumeso si Mommy Amy kay Judy Ann, na bigla itong humirit ng, “May pelikula raw kayo (ni Piolo)?”

Medyo nabigla ang clueless na si Juday at napareak ng, “Alam n’yo agad? Ako, wala pa akong alam.”

“Sa Prague ang shooting,” sunod na hirit ng madir ni Piolo.

Natatawang naiiling si Juday dahil wala siyang alam tungkol doon at wala pa siyang nakaka-meeting about it.

“Naku, baka surprise, ah? Sabihin mo, wala akong sinabi, ha?” natatawang pakli ni Mommy Amy.

“Sasama kami diyan kung sakali,” sundot naman ni Mommy Carol, na bet ding mag-join sa Prague (sa Czech Republic) if ever doon nga ang shooting.

“Sama kaming dalawa (ni Carol), siguraduhin n’yo. Maganda du’n, eh!” sey ulit ni Mommy Amy.

‘Yun daw ang sinabi sa kanya ng anak niya bago ito umalis papuntang Berlin International Film Festival.

Naturally ay nagulat at nalukring nang very light si Juday dahil wala siyang kaalam-alam tungkol doon. As in wala pa siyang nakaka-meeting about any project with Piolo.

We heard na nabanggit doon sa thanksgiving lunch para sa Ang Dalawang Mrs. Reyes na ang possible next project ni Juday for Star Cinema will be with Piolo or with Claudine Barretto. Pero tentative pa lahat at wala pang pormal na usapan.

So, nabigla si Juday na may binabanggit nang location ang mudra ng dati niyang ka-loveteam.

Natural, ‘yung mga gano’n ay kailangan munang upuan at pag-usapan lalo na’t matagal nang hindi nagtatambal sina Juday at Piolo, sa TV man o pelikula.

Totoo nga kayang may Juday-Piolo reunion movie shoot sa Prague o isa lang itong Echoserang Prague?!

JUDY ANN SANTOS-AGONCILLO with brother JEFFREY, sister JACKIE and their Mom CAROL SANTOS at the 71st birthday celebration of Mommy Carol/ @officialjuday IG
PIOLO PASCUAL with his mother dear AMELIA NONATO-PASCUAL/ @piolo_pascual IG
ECHOSERANG PRAGUE?! Aliw moment of JUDAY and PIOLO's mom, Mommy AMY at Mommy CAROL's birthday dinner/ ©allandiones.com

Hindi kasi nakapaghintay

Nag-compete ang bagong Lav Diaz film na Ang Panahon ng Halimaw sa 68th Berlinale kaya nagpunta du’n si Piolo.

Co-star ni Piolo sa pelikula si Shaina Magdayao kaya magkasama sila roon sa Berlin.

Matagal-tagal nang nali-link kay Piolo si Shaina, kaya kinantiyawan namin si Mommy Amy na swit-switan doon sa nasabing filmfest ang anak niya at si Shaina.

“Sila yata, eh. Sila ba?” sagot sa amin ni Mommy Amy, na obviously ay hindi rin sure sa status ng dalawa.

Gusto niya ba si Shaina para kay Piolo?

Sagot ng ina ng Kapamilya actor, “Kahit na sino. Basta, gusto ko ng baby.”

In fairness ay parang noon pa namin naririnig kay Mommy Amy ang linyang ‘yon sa tuwing maiinterbyu siya ng press, huh!

Mukhang may panghihinayang si Mommy Amy na hindi nagkatuluyan in real life ang anak niya at ang anak ng beshie niyang si Mommy Carol.

Feeling namin ay si Juday ang gusto niyang maging manugang sa totoong buhay.

Natawa si Mommy Amy nang sabihin namin ‘yon sa kanya, pero mas natawa kami sa statement niya na hindi kasi nakapaghintay si Juday.

Ayaw na lang din daw niyang magsalita dahil baka magalit sa kanya ang hubby ni Juday na si Ryan, sabay tawa.

Panoorin below ang 2-part video ng masayang 71st birthday celebration ni Mommy Carol. Nasa bandang dulo ng first video ang eksena ni Juday at ng mudrabels ni Piolo.

After watching, please Like, Share & SUBSCRIBE to my YouTube channel. Thanks!

PIOLO poses at the 'Season of the Devil (Ang Panahon ng Halimaw)' photo call during the 68th Berlinale International Film Festival Berlin at Grand Hyatt Hotel on February 20, 2018 in Berlin, Germany./ ©DominiqueCharriau ©GettyImages
PIOLO with SHAINA MAGDAYAO at the world premiere of 'Ang Panahon ng Halimaw' in Berlin/ ©zimbio.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *