Scroll to Top

That’s My Bae Kim Last, muntik nang matsugi sa ‘Sunday PinaSaya’ dahil nakaaway si Alden Richards?!

By Allan Diones / Published on Wednesday, 22 Nov 2017 14:05 PM / No Comments / 2117 views

NAKARATING sa amin ang balita na muntik nang tanggalin sa weekly GMA show na Sunday PinaSaya si That’s My Bae Kim Last dahil nakaaway umano nito si Alden Richards na isa sa main hosts ng SPS.

Actually, ang unang sitsit na nasagap namin ay tsinugi na sa SPS si Kim at malamang pati na sa Eat Bulaga kung saan araw-araw din silang magkasama ni Alden.

Ayon sa aming source, na-offend daw si Alden nang minsang magbiro si Kim na tila kinukuwestyon nito ang pagiging singer ng Pambansang Bae at ang pagkakaroon nito ng Platinum award.

“No!” matigas ang iling at medyo napapangiting tanggi ng galing London na That’s My Bae member nang usisain namin siya tungkol dito.

Muntik na nga ba siyang tsugihin sa Sunday PinaSaya?

“Wow! Sabi nila? No, no. Not true,” sagot ng 20-anyos na binata.

Eh bakit may ganu’ng chika?

“Ewan ko. I really don’t know.”

Meron nga ba siyang nasabi na ikina-hurt o ikina-offend ni Alden?

“Not that I can remember. Actually, okey naman kami, eh. We saw each other nu’ng Sunday, tapos…

“Actually, nag-taping kami after. Tapos after nu’n, parang… well, I mean, wala namang nangyari eh, so wala naman,” muling tanggi ni Kim.

That's My Bae Kim Last/ @thatsmybae_kim IG

May nabanggit din ang source namin na may isang Sunday daw na wala si Kim sa SPS.

Ang sabi naman sa amin ni Kim, nandu’n siya sa SPS every Sunday at never siyang um-absent.

So, never siyang na-threaten na tatanggalin siya sa show or something?

“Nope. Actually, umabot ‘yan sa akin, pero hindi naman umabot na tatanggalin ako. At hindi naman… wala naman.

“Actually, nagulat din ako eh, kasi…”

Kasi, bakit may ganu’ng isyu na lumabas tungkol sa kanya, ‘di ba?

“I mean, you know showbiz, ang daming rumors. You know, okey naman kami ni Alden, eh.

“Actually, if you watch… kung pansinin n’yo po ‘yung segment namin sa Bulaga na ‘Trip Ubusan,’ magkatabi kami, nag-uusap.

“So, wala naman. That should be evidence,” kaswal na pakli ng binatang Fil-British.

But was there a time na nag-joke siya, tapos ay na-offend si Alden?

“I mean, we always make jokes sa isa’t isa. So, I mean, I don’t think so. Kasi, we’re okay.

“Every day, we see each other. Tapos every day, nagbabati, ‘Oh hey, Alden! What’s up?’ ‘Oh hey, Kim! What’s up?’”

But are they friends?

“Yeah, yeah.”

Kim Last/ ©allandiones.com
Kim Last/ ©allandiones.com

‘Yung totoo, may pagka-tactless ba siya, na minsan ay nagsasalita siya na puwedeng masaktan ang ibang tao?

“Nu’ng bago po ako sa industriya. Kasi, medyo iba po ‘yung humor ko. Pero ngayon po, maingat…

“Actually, if you see right now, ‘yung wallpaper ko… (nilabas ni Kim ang phone niya at binasa sa amin ang nakalagay sa wallpaper niya)…

Watch you thoughts, they become words. Watch your words, they become actions. Watch your actions, they become habits.”

So, may meaning ba ‘yon sa kanya kaya ‘yun ang napili niyang wallpaper?

“Actually, matagal na po ‘yun, eh. Ilang taon na ‘yan sa phone ko. Just so para maingat lang ako sa mga ginagawa, sa mga sinasabi ko.”

So dati, medyo ganu’n siya, pero ngayon, mas careful na siya?

“Yeah, careful na talaga ako. Pero nu’ng bago po ako, medyo matapang kasi ako. Nu’ng time na ‘yan. Pero ngayon, baby na ako, eh,” natatawang sey ng guwaping na EB mainstay.

So, never niyang kinuwestyon ‘yung pagiging singer ni Alden kung bakit ito merong Platinum award or something?

“Ay, hindi. I mean, to be honest, I don’t think I can do that. Ano siya, Diamond (record awardee)? If you have a Diamond album, I would never question it no matter what.

“I mean, you have no right to question someone. Tingnan mo, ah? I don’t even have a single, why would I question someone who has a Diamond?” katwiran ng binata.

Pinaninindigan ni Kim na hindi totoo ang isyung ‘yon at hindi niya alam kung saan ito nanggaling.

Paglilinaw niya, okey silang dalawa ni Alden at magkasama pa rin sila sa Sunday PinaSaya at sa Eat Bulaga.

Nakausap namin si Kim kahapon sa presscon at contract signing ng anim na That’s My Bae bilang amBAEssadors ng bagong barbershop chain na Heroes Barbers.

That's My Bae Kim for Heroes Barbers

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *