Scroll to Top

Maine Mendoza on her first ever Bench fashion show: “Tingnan natin kung magkakalat ako o hindi. ‘Yun po ang dapat abangan!”

By Allan Diones / Published on Tuesday, 14 Nov 2017 09:30 AM / No Comments / 1705 views

KASAMA si Maine Mendoza sa top Benchsetters na rarampa sa inaabangang Bench Underwear & Denim Show entitled UNDER THE STARS on November 18 sa MOA Arena.

Excited na ba si Meng sa kanyang first big fashion event?

Anong preparations ang ginagawa niya para rito?

May pasabog kaya siya sa gabing ‘yon para mapansin siya mula sa napakaraming celebrities at models na paparada sa entablado?

Here’s our exclusive chat with the always funny & witty Menggay…

How does it feel to be part of the Bench 30th anniversary show?

“Hindi ko alam kung masaya ako o kinakabahan. Kasi, first time kong gagawin ‘yung gano’n.

“First time kong rumampa. Hindi naman ako sanay ng mga ganu’ng pa-eme. So ayun, tingnan natin kung paanong mangyayari.

“Pero excited na rin naman ako. Kasi, big venue, tapos, marami ring mga tao rin du’n.

“So, tingnan natin kung magkakalat ako o hindi. Hehehe! ‘Yun po ang pinakadapat abangan!”

Pero super big event ‘yon, Maine. Paano mo pinaghahandaan ‘yung event?

“‘Yun nga po, eh. Kumakain po ako ng ramen everyday. Ha! Ha! Ha!

“Wala po akong ginagawang preparations. Kasi, hindi naman ako mag-a-underwear. Winter wear po! Ha! Ha! Ha!

“Hindi, sa ano lang ako, sa mga pang-kids. Ganu’n. Ha! Ha! Ha!”

So, ito bale ang first fashion event mo?

“Yes po, first.”

Okey, Maine. Ano ‘yung gagawin mo para mapansin ka from the many Benchsetters sa gabing ‘yon?

“Ayoko pong mapansin. Ha! Ha! Ha!

“Hindi po, totoo. Parang nahihiya ako. Kasi, nahihiya po talaga ako, sa totoo lang!

“So, gagawin ko ‘yung best ko para hindi ako mapansin ng mga tao.

“So, feeling ko, magtataklob ako sa kumot, saka ako rarampa. Gano’n. Ha! Ha! Ha!”

Handa ka na bang makakita ng mga sexy hunks na panay skimpy underwear lang ang suot that night?

“Hindi naman po ako attracted sa mga gano’n. Parang mas gusto ko ‘yung mga malalaki ang tiyan.”

Talaga?

“Si Alden, ang laki ng tiyan. Tapos… Ha! Ha! Ha!

“Si Alden, ang laki ng tiyan. Gusto niyang magpaliit. Sabi ko, ‘Huwag na, mas cute ‘yan!’”

Ayaw mo ng mga pa-abs?

“Ayoko po. Sawang-sawa…

“Hindi ko trip ‘yung pa-abs ng mga lalaki, pa-pandesal. Okey na ako. Pa-ramen!”

Pero ‘pag nakita mong naka-underwear lang ‘yung mga kasama mo sa stage?

“Keber lang. Lakad lang. ‘Ay, okey abs!’ Ganu’n. Oo. Hindi ko na pagmamasdan masyado.”

Okey, last na. Malungkot ka ba na hindi mo kasama si Alden pagrampa mo sa MOA Arena?

“Sakto lang. Sakto lang, pero sana nandu’n siya. Kasi, feeling ko, talagang papasabog si Alden du’n.

“Tapos, may dala siyang fireworks! Ha! Ha! Ha! Literal na pasabog! Ayun po.”[/vc_column_text]

Maine Mendoza/ @benchtm IG
[/vc_column][/vc_row]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *