Scroll to Top

Alden Richards answers the burning question: “Is there life after AlDub?”

By Allan Diones / Published on Saturday, 25 Nov 2017 10:30 AM / No Comments / 1847 views

ISA sa mga napag-usapan namin ni Alden Richards nang huli namin siyang makausap ay ang bagong movie project na gagawin nila ng ka-loveteam niyang si Maine Mendoza.

Marami ang curious tungkol dito kaya inusisa namin si Alden tungkol sa nasabing proyekto.

Bukod dito ay may mga iba pa kaming tinanong sa Pambansang Bae, na lahat ay agad naman niyang sinagot.

Heto ang pagpapatuloy ng aming exclusive interview kay Tisoy…

Ano nang balita sa bagong movie na gagawin n’yo ni Maine?

“Ah, that will be shown next year po. And so far, we’ve been really hands-on po doon sa scripting at saka kung paano po namin ide-deliver.

“Kasi, very successful po ‘yung Imagine You & Me. So, kailangan po naming paghandaan ‘tong susunod.

“Naku, it will be worth the wait naman po, don’t worry.”

Maine Mendoza & Alden Richards
@eatbulaga1979 IG

Action movie nga ba ang gagawin n’yo ni Meng?

“Action movie po, pero ngayon, parang pinag-iisipan pa po namin kung ano pong twist ang puwede aside from doon sa element ng action.

“Pero so far po, kasi po, binigyan kami ng blessing ni Mr. T (Mr. Tony Tuviera, big boss of APT Entertainment) na maging involved po du’n sa storytelling and sa creative writing po ng script.

“May input po kami. So, andu’n po. Focus po muna kami du’n and ‘yun po ‘yung preparation na ginagawa namin for the movie.”

Bakit action movie instead of romcom na ine-expect ng fans?

“Actually, may elements po ng lahat ‘to, eh. Hindi lang po talaga siya action movie at the same time.

“So, there’s gonna be romance as well. Romance po #1. Tapos, comedy. Tapos siyempre, may drama rin. So, medyo dynamic po ‘yung storyline po nitong next movie namin.”

Bakit n’yo naisip mag-action-action? Para maiba naman?

“Para paiba naman po at saka kasi, marami na rin po kaming nagawang projects ni Maine and parang ‘yun po ‘yung hindi pa namin nata-tap na side.”

Sinong magdidirek ng movie?

“Si Direk Mike Tuviera po.”

Alden & Maine/ @eatbulaga1979 IG

Ano pang dapat abangan sa AlDub loveteam?

“Magkakaroon po yata kami ng Eat Bulaga concert po sa Holy Week (2018). At saka po in June, sa US.

“So, pina-finalize lang po ‘yung details on that. Pero so far, sinabihan na po kami.”

AlDub lang ba o buong Eat Bulaga?

“Buong Bulaga po. So, ‘yun po gagawin namin. Tapos, siyempre po, Eat Bulaga pa rin po everyday.

So, pangalawang beses na ng AlDub na magsu-show sa Amerika?

“Second time na po. Nu’ng una po kasi, Kalyeserye (kasama sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros). Ngayon po, buong Bulaga na po.”

Alden & Maine/ @darylmaat IG
Alden & Maine/ @darylmaat IG

Isang diretsong tanong, Alden. Sa tingin mo: Is there life after AlDub?

“Well, currently naman po kasi, parang kami po ni Maine, napag-usapan nga rin po namin ‘yan.

“And kumbaga, kung anuman po ‘yung nangyayari sa amin ngayon, still, very chill lang po kami. Ayaw po naming pangunahan ‘yung mga bagay-bagay.

“Masaya naman po kami du’n sa current status ng AlDub ngayon.

“And ‘yung after AlDub po, hindi ko po masabi kung nalalapit po ‘yon or anytime soon na mag-e-end ang AlDub.

“Pero kung ako po talaga ‘yung tatanungin, mas maganda po kung kami pa rin ni Maine ‘yung magkasama sa mga projects.”

But if ever man na paghiwalayin na kayo, are you ready for that?

“Hindi ko po masabi, eh. Parang kung mangyayari man po ‘yon, we’ll see po.”

Hindi naman siya pinaplano?

“Wala naman po akong nababalitaan.”

The phenomenal AlDub loveteam/ @eatbulaga1979 IG

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *