Scroll to Top

Sharon Cuneta, wagas ang pambubuking sa relasyon ng JoshLia!

By Allan Diones / Published on Monday, 27 Nov 2017 22:15 PM / No Comments / 1005 views

ANG pambubuking ni Sharon Cuneta sa relasyon ng young loveteam nina Julia Barretto at Joshua Garcia, also known as JoshLia, ang naging highlight ng presscon ng pelikulang Unexpectedly Yours nu’ng Sabado nang hapon sa ABS-CBN Dolphy Theater.

Nu’ng umpisa ay nai-share ni Sharon ang mga nakikita niya sa magka-loveteam sa set ng movie nila, na ikinakatuwa niya.

“When I see Julia and Joshua on the set, they’re so cute together. They always made my day when I went to shooting. Kahit pagod kami, nakakatuwa silang panoorin,” bulalas ni Mega, na after 16 years ay muling katambal si Robin Padilla sa big screen sa nasabing pelikula.

“Minsan (sinasabi nila ni Robin sa isa’t isa), ‘Tingnan mo ‘yung dalawa, tingnan mo ‘yung dalawa!’ Ha! Ha! Ha!

“Nakakatuwa sila. So, parang I lived vicariously through them du’n sa set,” sey ni Mega, na may dayalog du’n sa presscon na para sa kanya ay si Julia ang pinakamagandang Barretto.

Magnanay ang role nina Sharon at Julia sa movie and they became friends daw talaga.

Si Julia ay nahihiya pa rin kapag pinupuri siya ng Megastar sa set nila.

“I look at her, alam ko na kung kailan kinikilig ‘yan,” may bahid panunukso na hirit ni Julia kay Mega.

Natatawang reaksyon ni Shawie, “Kinikilig ako sa inyo ni Josh!”

Buwelta ni Julia, “Hindi, parang hindi naman…”

“Huhubaran kita rito,” tumatawang sagot sa kanya ni Sharon.

“Sorry, sorry, sorry. Quiet na nga ako. Kasi, Tita Sharon, kanina mo pa kami binubuking (ni Joshua). Ikaw kaya bukingin ko,” natatawa ring resbak ni Julia kay Mega.

Sharon Cuneta/ @reallysharoncuneta IG

Bubba 1, Bubba 2

Nang mapunta ang usapan kung puwede bang mainlab ang JoshLia via online lang, na very common sa mga millennial ngayon, si Joshua ang unang sumagot na ayaw niya ng gano’n, pero posible raw ‘yon sa panahon ngayon.

Ang sabi ni Julia, siguro sa iba ay puwede ang gano’n, pero sa kanya ay hindi. Ang karakter niya sa movie ay nainlab online, tapos ay niloko lang ng lalaki.

Sa pagkaaliw ni Sharon sa dalawa ay buong ningning itong nagdayalog ng, “Ang nakakatuwa, puwede kong sabihin na during breaks—short breaks, long breaks—alam na namin kung paano nagligawan ito (JoshLia), paano… ay, basta! Ha! Ha! Ha!”

Dugtong pa ni Shawie, “Oh, my God! Alam mo ‘yung parang hindi ko akalain na at this age, kikiligin ako?”

Obviously ay ‘unexpected’ ni Julia ang hirit na ‘yon ni Mega, kaya medyo nabigla ito.

Ang nasabi na lang nito ay kanina pa raw sila binubuking ng aktres.

Natatawang buwelta sa kanya ni Shawie, “Paano, obvious naman! Alangan namang nakikipag-holding hands ka sa hindi mo kaanu-ano?

“Mabuti na ‘yung alam nila, boyfriend mo ‘yan! Ha! Ha! Ha!”

Bumaling si Mega sa mga kaharap na press at ang sabi, “At saka mahal na mahal na mahal nila ang isa’t isa, grabe!

“Ang tawag ko diyan, B1 and B2: Bubba 1, Bubba 2. Kasi, ‘yun ang tawagan nila, ‘Bubba, Bubba.’

“Kaya ‘pag nakita ko, ‘Bubba, where’s your Bubba?’ Ha! Ha! Ha! Mga mahal ko ‘tong mga ‘to talaga.

“‘I love you!!’ Ginaganu’n ko talaga sila. I love them so much!”

Hindi nakunan ng reaksyon ng press ang JoshLia hinggil sa ginawang pambubuking na ‘yon sa kanila ni Mega.

Kaya wala pa ring diretsong pag-amin ang dalawa tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Robin Padilla, Sharon Cuneta, Julia Barretto & Joshua Garcia at the presscon of 'Unexpectedly Yours'/ ©allandiones.com

Alagang Garcia

At one point sa open forum ng presscon ay pinangatawanan ni Sharon ang ginawa niyang pambubuking sa totoong romansa ng JoshLia.

Ani Mega, “Feeling ko, common knowledge naman ‘yung kinukuwento ko. Akala ko common ano na ‘yon. Ha! Ha! Ha!

“Pero alam n’yo naman, ‘di ba, na sila? Dyusko naman, hindi naman makikipag-holding hands itong anak ko sa hindi niya kaanu-ano,” pakli ng aktres, na ikinatili ng ilang fans na nandu’n sa Dolphy Theater.

Actually, bagay sa JoshLia ‘yung title ng movie na Unexpectedly Yours dahil si Julia, kung kani-kanino muna ipinareha bago nakatagpo ng ka-match nito sa katauhan ni Joshua.

Hirit ni Joshua, “Sabi ko nga sa kanya, unexpected ko siyang ano, eh. Unexpected ko siyang naging kapares. ‘Di ba?”

Bumaling ito kay Julia at ang sabi, “Sinasabi ko sa ‘yo kanina. Kasi siyempre, nandito ka, oh (sa itaas, habang siya ay nandu’n sa ibaba)!”

Si Julia ay medyo patay-malisya pa at ang sagot ay may kinalaman sa karakter niya sa pelikula.

Sey ni Joshua, “Pero ‘yung loveteam nga raw natin…”

Sabat ni Sharon, “Alam mo, bakit nagtatawagan kayo ng Bubba?”

Paliwanag ng 20-anyos na dalaga, “No, if I would be very honest, siyempre, this was very unexpected but this is one of the Lord’s biggest blessings to me.

“At saka perfect timing talaga. In God’s perfect time talaga.”

Natuwa si Joshua sa sinabi ng ka-loveteam niya.

Ang banat ng 20-anyos na binata, ang tawag daw du’n ay ‘Alagang Garcia.’

Sundot ni Mega, “Alagang Cathy Garcia (Molina, direktor ng pelikula nila)!” at nagtawanan sila.

Julia Barretto & Joshua Garcia/ @starcinema IG

Mega’s love advice

Hanggang nu’ng hingan ang Megastar ng love advice para sa JoshLia ay may mga sundot pa rin ito.

“Umamin na tayo, Dyusko naman! Hindi, ayoko lang kasi na parang nakikipaglambingan itong anak kong ‘to na hindi naman niya kaanu-ano, ‘di ba? Eh ‘di mabuti na ‘yung alam nila, kasi mahal mo!”

Ang totoo ay naiinggit daw si Shawie sa dalawa dahil nu’ng panahon niya ay parang magnet siya ng mga lalaking sasaktan lang siya.

Naiinggit siya dahil nakita niya kay Joshua ‘yung devotion nito kay Julia. Mukha raw itong faithful at feeling niya ay may mararating ang dalawa lovelife-wise.

Kaya raw siya nainlab sa dalawa, na parehong very blessed sa kung anong meron ang mga ito.

“Ang sa akin lang, it’s one thing to be a loveteam for public consumption. But remember, you’re two real-life human beings and you have each other and you’ll be there for each other.

“Please treasure each other because this business can do things to your mind and make you believe you can play around with someone’s feelings. It’s not right.

“So, whether you mean to or not, because ang daming babaeng hahabol sa ‘yo, ang daming lalaking hahabol sa ‘yo, focus on who is most important and then you don’t lose each other. Para pagdating ng araw, hindi kayo nagsisisi.

“So, you end up with the love of your life. You don’t settle, you don’t try to find happiness everywhere because you don’t have it. Hindi gano’n.

“I see that in them na they’re so nice to watch together. They’re so made for each other. That’s why I’m so in love with them.

“At saka ‘yung values nila, maganda. I like that she’s such a dream daughter and Josh is such a hardworker. You see he’s a good boy.

“And the way he takes care of her reminds me of you know…” tuluy-tuloy na bulalas ni Sharon.

Nakahanap ng pagkakataon si Julia na sumundot doon sa ‘reminds me of’ ni Shawie ng, “How he (Robin) took care of you,” na ikinahalakhak ni Mega.

“Bumabawi lang ako!” sey ng dalaga.

Natatawang pakli ni Shawie, “I love you, Jul!”

May hirit pa si Julia na, “Alam mo ‘yung gusto kong mag-share? Pero kasi, they’re old na rin, eh. Huwag na lang.”

In the end ay mukhang na-appreciate naman ng Kapamilya young actress ang mga sinabi ng Megastar.

“Actually, very nice the advice that she gave the two of us because she knows what we have and how important we are to each other.

“And I don’t think she realizes na eto ‘yung napaparating niyang mensahe sa aming dalawa.

“Pero parang with what she’s saying, you’ll realize na it’s good to balance pala your mind and your heart. There should be a balance pala. Para sa huli, walang pagsisisi nga, katulad ng sabi niya,” sambit ni Julia, na obvious namang inlabey talaga kay Joshua and vice-versa.

Sa Miyerkules na, November 29, ang showing nationwide ng ShaBin-JoshLia movie na Unexpectedly Yours mula sa Star Cinema.

The stars of 'Unexpectedly Yours'/ @starcinema IG

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *