Scroll to Top

WATCH: Maine Mendoza, ayaw sa lalaking may abs; mas gusto ang may tiyan katulad ni Alden!

By Allan Diones / Published on Friday, 17 Nov 2017 11:26 AM / No Comments / 694 views

BUKAS na ang inaabangang Bench Underwear & Denim Show na Under the Stars.

Isa sa mga rarampa sa 30th anniversary extravaganza na ito ng Bench sa MOA Arena ay si Maine Mendoza.

First time itong gagawin ni Menggay kaya aminado siyang kinakabahan siya, na excited at the same time.

At kung ang karamihan ng kasali sa show ay gagawin ang lahat para mapansin sa gabing ‘yon, ang nakakatuwang Eat Bulaga co-host ay gagawin daw ang lahat para hindi siya mapansin.

“Kasi, nahihiya po talaga ako, sa totoo lang. So, gagawin ko ‘yung best ko para hindi ako mapansin ng mga tao.

“So, feeling ko, magtataklob ako sa kumot, saka ako rarampa. Gano’n. Ha! Ha! Ha!” ang kwelang hirit ni Meng.

Nagkalat ang sexy hunks that night na pawang naka-underwear lang, pero wala raw keber si Maine sa mga ito.

Sa katunayan ay hindi niya bet ang mga lalaking may pa-abs.

Mas gusto niya raw ‘yung malalaki ang tiyan… katulad ng ka-loveteam niyang si Alden Richards!

Panoorin ang VIDEO ng nakakaaliw na exclusive interview namin kay Menggay dito lang sa allandiones.com!

PAK![/vc_column_text][/vc_column][/vc_row]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *