Scroll to Top

Alden Richards, nagsalita na sa isyung may karelasyon siyang female politician from Laguna!

By Allan Diones / Published on Tuesday, 14 Nov 2017 09:40 AM / No Comments / 3895 views
Alden Richards/ ©allandiones.com
Alden Richards/ ©allandiones.com

NAGSALITA na si Alden Richards tungkol sa balitang meron siyang karelasyon na isang pulitiko na taga-Laguna.

Isang source ang nagbalita sa amin na isang female politician from Laguna ang lihim na karelasyon ni Alden sa totoong buhay.

Matagal na umano ang relasyon ng dalawa, hindi lang ito magawang aminin ni Alden sa publiko.

Matter-of-factly ang pagkakasabi sa amin nito ng aming source, kaya para mabigyang-linaw ang lahat ay dumiretso kami kay Alden at sa kanya namin inalam kung ano nga bang totoo.

Heto ang aming exclusive interview with the Pambansang Bae…

May itinatago ka nga bang girlfriend na isang politician na kababayan mo sa Laguna?

“Susmaryosep po! Una po sa lahat, wala po akong relationship outside of showbiz.

“And kung meron man po, sasabihin ko po ‘yon. Hindi po talaga ako malihim sa mga ganyang bagay, eh.

“At doon po sa politician na sinasabi nila, she’s very close to me and my family po.

“Sila po kasi talaga ‘yung tumulong sa akin nu’ng walang-wala po kami.

“Hindi pa po ako nag-aartista, kilala na po namin ‘yung family nila.

“At saka may partner po siya ngayon. Meron po siyang boyfriend who lives in Makati. Konsehal po du’n.

“Medyo matagal na rin po sila. At least, mga dalawang taon na po.”

Okey, diretsuhin na natin. Ang tinutukoy na pulitiko ay ang dating Mayor ng Santa Rosa at ngayon ay Congresswoman ng First District of Laguna na si Rep. Arlene Arcillas. Nakikita ang ilang pictures mo sa Instagram posts ni Congw. Arlene, so obviously ay mukhang close kayo.

Hiwalay siya sa kanyang asawa at ngayon ay meron nang ibang karelasyon, ayon sa kuwento mo. Eh bakit ikaw ang napapabalitang secret boyfriend ni Rep. Arcillas?

“May masabi na lang po siguro talaga ‘yung iba. Ako naman po kasi, kahit ano pong itanong n’yo sa akin, kaya kong sagutin with all honesty ‘yan, eh. So, ‘yun po.”

Alden with Congresswoman Arlene Arcillas & Ms Pops Fernandez at a Teachers' Day event in Santa Rosa last October 2017/ @popsfernandez IG

Kamakailan ay may nakita kaming picture na magkasama kayo ni Congw. Arlene sa isang event sa Santa Rosa, na ipinost ni Pops Fernandez sa IG niya. Ano ba ‘yung totoong kuwento kung bakit malapit ang pamilya mo sa mga Arcillas?

“Kasi, magkakilala na po ‘yung dad ko at saka sila, ‘yung Arcillas family, nu’ng nagtatrabaho pa po ‘yung tatay ko sa isang hotel sa Santa Rosa.

“So, lagi po sila du’n. Tapos, naging close na rin po. And then, napakilala po sa amin.

“Tapos, sumali po ako ng pageant na Ginoong Santa Rosa nu’ng 2009. After ko pong manalo du’n, naging close ko na rin po ‘yung family nila.

“Tapos, nu’ng 2010 po, lumaban ako ng Ginoong Laguna at all-out po ‘yung support nila. All the way hanggang mag-showbiz po ako.

“Like kung may kailangan po ako, let’s say halimbawa, Candy Cuties. ‘Yung botohan before, humihingi po ako sa kanila ng support.

“At nagbibigay po sila ng support na walang question. So, ganu’n po ‘yung level ng relationship.”

Parang family friend, gano’n?

“Family friend po talaga.”

Aware ba kayong dalawa na natsitsismis kayo?

“Opo naman. Lagi nga po naming pinag-uusapan. Like halimbawa po, may dinner, ganyan. Napapag-usapan namin at natatawa na lang din po si Congresswoman.”

Alden playing with Nalah, Congw. Arcillas' pet dog when he visited her Alabang home in January 2017/ @arlenearcillas IG

Anong feeling mo na isang may edad sa ‘yo ang nali-link sa ‘yo? Tipong cougar ang dating, ganu’n [48-anyos si Congw. Arcillas habang si Alden ay 25-anyos]?

“Siyempre, ‘yung mga ibang tao po, ‘yun ang tingin. ‘Yung mga hindi nakakaintindi ng istorya, kung anu-ano pong nasasabi. Kesyo cougar daw, mga gano’n.”

Honestly, how do you feel na nilalagyan ng malisya ang closeness n’yo ng nasabing Kongresista?

“Ako po kasi, sa tagal ko po sa showbiz at sa lahat po ng batikos na puwedeng ibato sa isang artista, naranasan ko na po siguro.

“Kapag may nagtanong, sagot. Pero hindi ko po kailangang ipaliwanag ‘yung sarili ko all the time.

“Kasi, wala naman po akong dapat ipaliwanag. Kumbaga, what you see is what you get naman po.”

Huling tanong: Kailan ka ba kasi magkakaroon ng totoong lovelife?

“Naku po! Kailan ba? Hindi ko pa alam, Tito.

“Kasi, parang siguro, kung meron mang lovelife talaga, mag-a-unfold naman ‘yan eh. In God’s time.

“At saka hindi naman po ako nagsasara ng pinto. I’m not closing doors. Ready naman po ako anytime.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *