Scroll to Top

Anong Korean drama ang gustong gawin ni Alden Richards ang Pinoy adaptation? Clue: May kinalaman sa military!

By Allan Diones / Published on Friday, 24 Nov 2017 17:02 PM / No Comments / 6867 views

MAY balitang gagawa ng Kapuso primetime series si Alden Richards na hindi na niya makakasama ang ka-loveteam niyang si Maine Mendoza.

Totoo nga ba ito?

“Wala pa pong balita diyan. Ewan ko nga po kung bakit may lumalabas na ganyan,” sagot ni Alden sa aming exclusive interview sa kanya kamakailan.

After ng ginawa niyang Martial Law Special recently na napuri siya, tapos ay nag-drama ulit sila ni Maine sa kanilang Love Is… telemovie sa Eat Bulaga, mas lalo bang na-miss ni Alden ang pag-arte?

“Opo naman. Kasi, ‘yun po ‘yung kinagisnan ko, eh. Doon po ako nag-start.

“At least, ngayon po, medyo marami na rin po akong nagagawang projects na ganyan and very supportive naman po ang Eat Bulaga when I do soap operas po,” sey ng Pambansang Bae.

So, gusto niya ulit gumawa ng drama project?

“Sana po. Hopefully.”

Kung siya ang pipili ng Kapuso primetime series na gagawin niya, ano ‘yung gusto niya?

“Parang drama po, eh. Nami-miss ko po talagang gumawa ng drama. Nu’ng mga nagsisimula po ako, ‘yun po kasi ‘yung genre talaga na nakasanayan ko,” pakli ng 25-anyos na Kapuso heartthrob.

Alden Richards/ @technomarineph IG

Fan ng military

Kung merong Korean drama na gustong gawin ni Alden ang Pinoy adaptation, ano kaya ‘yon?

Descendants of the Sun,” mabilis na sagot sa amin ni Tisoy.

Ang DOTS ay 2016 K-drama na pinagbidahan nina Song Joong-ki at Song Hye-kyo na ngayon ay mag-asawa na sa totoong buhay.

Naging major hit ito sa South Korea at dito sumikat nang husto si Song Joong-ki.

Bakit ‘yon ang gusto ni Alden?

“Kasi, sobrang hit po siya, eh. Although hindi ko po napanood, hindi ko po nakita ‘yung series talaga, pero parang maganda po, kasi may kinalaman sa military.

“I’ve always been a fan po ng projects when it comes to military, may combat, ganyan, giyera.

“So, ‘yun po ‘yung side na nagustuhan ko sa story ng Descendants of the Sun, aside from the love story.”

May balitang ibibigay sa kanya ng GMA ang nasabing role na ginampanan ni SJK kapag ginawan ito ng local adaptation ng Kapuso network.

Anong reaksyon niya rito?

“Ah, talaga po? Susmaryosep! Naku, excited po. Exciting po. Excited po kung ‘yun po talaga ‘yung plano. Sana po, sana!” masayang bulalas ng guwapong binata.

Alden Richards as PFC Jomille Pavia in 'Magpakailanman'/ @Magpakailanman7 Twitter
Alden Richards as a Marawi Suicide Squad Soldier in 'Magpakailanman'/ @Magpakailanman7 Twitter
Alden Richards in tomorrow's episode of 'Magpakailanman'/ @Magpakailanman7 Twitter

Bayani ng Marawi

Tila preview ng magiging look ni Alden bilang isang military man (sakaling gawin nga niya ang Pinoy DOTS) ang itsura niya as a Marawi Suicide Squad Soldier sa episode ng Magpakailanman bukas nang gabi.

Pinamagatang Kuwentong Marawi: Sa Mata ng Isang Sundalo (The Jomille Pavia Story), ito ang tunay na istorya ni Private First Class Jomille Pavia—isang magiting na sundalo na itinaya ang sarili sa pakikipaglaban sa mga terorista at pagliligtas ng maraming buhay sa Marawi City.

Ito ang natatanging pagbibigay-pugay ng Magpakailanman sa mga sundalo na lumaban, sumaklolo at nagbuwis ng buhay para sa ating kapuwa Pilipino at para sa kalayaan ng Marawi.

What do you think, guys?

Bagay ba kay Alden ang magbida sa Filipino version ng Descendants of the Sun?

PAK!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *