Scroll to Top

Paolo Ballesteros sa 2 pelikula niyang magkasunod ang showing: “Bakit ako kakabahan? Ang saya nga, eh! Ang taray, dalawa ang pelikula ni baklah!”

By Allan Diones / Published on Thursday, 23 Nov 2017 18:53 PM / No Comments / 2668 views

MAGKASUNOD ang showing ng dalawang pelikula ni Paolo Ballesteros, na isang linggo lang ang pagitan sa mga sinehan.

Nagbukas kahapon nationwide ang Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies nila nina Jose Manalo at Wally Bayola.

Sa susunod na Miyerkules (November 29) naman ang opening day ng solo movie ni Paolo na Barbi D’ Wonder Beki.

Kinakabahan ba siya dahil one week apart lang ang dalawang movies niya?

“Hindi. Kasi, hindi naman ako ang producer, eh! Ha! Ha! Ha!” ang kaswalerang sagot sa amin ni Pao.

Dugtong niya, “Bakit ako kakabahan? At saka alam ko naman na maganda ‘yung pelikula namin, bakit ako kakabahan?

“I mean, ginawa naman namin ‘yung dapat naming gawin bilang artista, ‘di ba? At sana, suportahan ng mga dabarkads natin.”

As in wala man lang siyang takot na magpapang-abot sa sinehan ang dalawang pelikula niya?

“O, eh ‘di ang saya nga! Ang taray, dalawa ang pelikula ni baklah! Ha! Ha! Ha! Nakakatuwa naman. Sana tumatlo pa eh, ‘no?” natatawang sey ng Eat Bulaga co-host.

So, positive ‘yon para sa kanya?

“Of course! At saka bakit naman ako kakabahan? Unless siguro ‘yung isa, sobrang ganda at ‘yung isa, sobrang pangit. Eh, alam ko naman na parehas maganda,” katwiran ni Pao.

So, confident siya, ganern?

“Of course!”

Kahit pa may Justice League na halos sakupin na ang lahat ng sinehan sa Pilipinas?

“Okey lang.”

Si Wonder Woman, nandu’n huh!

“O, eh nandito naman si Wonder Beki!” mabilis na hirit sa amin ni Paolo.

Paolo Ballesteros as Lola Tidora in 'Trip Ubusan: The Lolas vs Zombies'

Tatlo dapat

Ay, ang makakatapat pala ng Barbi movie niya eh ang balik-tambalan nina Sharon Cuneta at Robin Padilla.

“Ay, oo, syet! Si Megastar at saka si Robin!”

Ninenerbiyos ba siya na bigla siyang tinapatan ng ShaBin movie?

“Eh bakit, hindi naman ako producer? Kung nagpo-produce na ako, sige…

“Pero ano siyempre, gusto ko rin ‘yung movie na ‘yon dahil Megastar ‘yon at saka Robin,” ani Pao.

Tapos na rin pala ang movie niya sa Viva Films with Yam Concepcion na Amnesia Love.

Kaya dapat daw talaga ay tatlo ang movies ni Paolo na magkakasunod dahil ang alam niya ay pang-November din dapat ‘yon.

“So, kung nagkataon, tatlo. Pero magkakaiba naman eh, so okey lang,” pakli ng comedian-TV host slash Makeup Transformation King.

Paolo Ballesteros as the beautiful Barbi in 'Barbi D' Wonder Beki'/ @pochoy_29 IG

Subok na

In fairness ay suportado si Paolo nina Jose at Wally na kasama niya bilang mga kapuwa niya Lola sa Trip Ubusan.

Sey ni Jose, may sariling raket si Pao na hindi sila kasali ni Wally, gaya ng movie nito na Barbi D’ Wonder Beki.

Subok na raw ni Paolo ang sarili nito dahil sa commercial at critical success ng filmfest movie nito last year na Die Beautiful.

Dayalog naman ni Wally, maganda rin ang Barbi D’ Wonder Beki dahil iba ito sa Die Beautiful.

Nabanggit daw sa kanya ni Paolo na ito mismo ang gumawa ng action scenes nito sa movie na dinirek ni Tony Y. Reyes, kung saan kasama rin ang orihinal na Barbi na si Joey de Leon.

Paolo with Wally Bayola & Jose Manalo as the Tres Lolas/ Paolo as Barbi/ ©allandiones.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *