Scroll to Top

TOP 8 PAK! na PAK! Moments sa BENCH UNDER THE STARS!

By Allan Diones / Published on Sunday, 19 Nov 2017 16:41 PM / No Comments / 1119 views

BEFORE we write our lengthy rebyu of the show, heto muna ang mga eksenang PAK! na PAK! sa katatapos na fashion payanig ng Bench na kung tawagin ay Under the Stars.

Walo sa paborito naming nangyari sa malawak na entablado ng MOA Arena.

Mga tagpong nagpangiti, nagpakilig, nagpaaliw, nagpatanggal ng umay at nagpakislot sa aming kalamnan.

Top 8 para hindi marami, hindi rin kulang. Sapat lang. At dahil paborito namin ang #8 (‘yun ang tunay na dahilan, hehe!).

O siya, tara na’t simulan ang countdown…

8. Buwis-buhay Circus Girl

Hindi celebrity at hindi rin hot model ang nasa 8th spot. Si Alexandra Royer ng Montreal-based circus group na The 7 Fingers (Les 7 Doigts) at ang kanyang makapigil-hiningang aerial routine.

NGANGA ang crowd sa pabulosang plank paandar ni Ateh girl sa Russian bar. High-level acrobatics, pero kaswal na kaswal niya kung gawin.

Sa kanyang effortless flips at flawless somersaults, lahat ay manghang-mangha. Sulit ang ibinayad sa kanya ni Ben Chan, mars!

Alexandra Royer of Les 7 Doigts/ ©allandiones.com

7. Winwyn Marquez, Reynang-reyna sa Runway

Iba talaga ang aura ng winner. Nagmumura ang confidence at nangangabog sa rampa. ‘Yun mismo ang ipinakita ng bagong hirang na Reina Hispanoamericana!

Wapak ang wankatitat at parang hindi sumasayad ang mga paa sa catwalk ni Reyna Teresita Ssen Marquez.

Mama Ness & Tita Melanie are extremely proud!

Winwyn Marquez/ @moaarena IG

6. PWETmalu moment of Rocco Nacino & Markki Stroem

Tabla sa 6th spot ang BUTTilicious antics ng dalawang daring Benchsetters. Si Rocco ay nakasabay sa runway ang reigning ‘Bench Bukol King’ (true daw ang bulge na ‘yon, kaya hindi ito Padding King o Lavacara King) na si Tom Rodriguez.

Walang laban si Rocco sa pabukol ni Tom, pero bumawi siya sa moves at pawetpaks. Si Markki ay sanay nang magbilad ng magkabilang pisngi ng kanyang makinis na puwet, kulang na lang ay ilabas na niya si JUNJUN!

Nagawa na ang mga pa-T-back na ganu’n before nina Wendell Ramos at Jake Cuenca. But at least, Rocco and Markki both had the guts (and the buns) to do it, kaya PAK!

Rocco Nacino/ @boytrendspottedph IG
Markki Stroem/ @boytrendspottedph IG

5. Solenn, The Sexy Sirkera

Iba ring magpaandar ang Solenn Heussaff. Sirkera ang peg ng hitad, na may palambitin sa metal hula hoop.

Tuwad kete tuwad sa ere si Sos, na sobrang hot pa rin kahit meron nang asawa. In fact, mas sexy pa siya kesa sa ibang dalagang mas bata sa kanya. Sarap sabunutan ng lokah! Charr!!

RUNNER-UP ni Mrs. Bolzico si Andrea Torres, na wala sa listahan ng celebs na rarampa, pero humavey nang bongga sa PAKness meter.

Hanep ang kurbada ni Ateng Andrea at wapak ang kanyang boobelya, kaya gandara siyang tingnan na naka-teenie weenie Bench Body bikini habang umaawra-awra sa MOA Arena!

Solenn Heussaff/ @solenn @solenn @alikeofficial IG
Andrea Torres/ @moaarena IG

4. Richard Gutierrez, The Forever Gentleman

Humamig ng plus-plus Pogi Points ang Kapamilya hunk na si Richard Gutierrez nang kunin niya at itaas ang kamay ng Kapuso sweetheart na si Maine Mendoza sa dulo ng kanilang segment.

Napansin ni Chard na tila nahihiya si Menggay sa may tabi niya, so he raised her hand and it was a cute runway moment that delighted the audience.

Ever the gentleman, hanggang mag-dim ang house lights at pabalik na sila backstage ay nakaalalay pa rin si Chard kay Meng. Now all the Maine fanatics are praising him nonstop for taking care of their Kween!

Richard Gutierrez & Maine Mendoza/ @moaarena @moaarena @deidream IG
3. Maine Mendoza, The Kikay Kween

Mula sa kanyang grand entrance na buhat-buhat siya ng mga lalaki at pinapayungan na animo’y royalty, ang lakas ng impact ni Maine Mendoza.

Wagas maka-happy sa tuwing nasa stage siya. At dahil natural ang kakikayan ni Menggay ay lalo pa siyang nagsa-shine every time.

Likas ‘yung X-factor niya at kahit itabi mo siya sa big stars ay aagat at aangat pa rin siya. Ganu’n ka-unique ang kwelang dalaga. Meron siyang something na hindi mo ma-explain!

Iba ka, Bibi girl!

Maine Mendoza/ @moaarena IG

2. And the crowd goes wild for KathNiel

From the looks of it ay mukhang sila na ang millennial Bench King & Queen. Palagi nang poste ng Bench shows ang loveteam nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

At sobrang nagwa-wild ang crowd sa tuwing lalabas ang dalawa. Ang adulting na si Kath ay may pa-bra, habang ang poging si DJ ay balot na balot at ni hindi kailangang mag-sando, pero pinakamalakas pa rin ang tilian sa kanya.

Meron pang swit-switang pa-kiss sa baba (as in chin), kaya sumabog sa kilig ang MOA Arena. After Richard-Lucy, KathNiel is Bench’s OTP!

Daniel Padilla & Kathryn Bernardo/ @moaarena @alikeofficial @keytcakemacaps IG

1. Happy Jump ni Papi Pietro Boselli

Pietro Boselli jumping for joy was cute and hot AF! Egging the audience to cheer some more, may pa-jump-jump sa stage si Juicylicious Papi.

Kasabay ng kanyang pagtalon ang pag-alug-alog ng kanyang Italian sausage and Italian meatballs! ENG SHEREP!!

He also gets the award for Most Charming Model of the Night! With his pretty face, boyish appeal and TDF body, gusto mo na siyang ibalot para iuwi kay Mommy!

He’s such a beautiful human. Oh, and that bulge, honey… pwet is life but bukol is lifer!

PAK!

Pietro Boselli/ @boytrendspottedph IG
Pietro Boselli/ @moaarena @pinoydailyexclusives IG
Pietro Boselli/ @yayaninunca IG

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *