Scroll to Top

WATCH: Megan Young on getting married to Mikael Daez after her beastmode bouquet-catching at a wedding

By Allan Diones / Published on Monday, 12 Feb 2018 15:42 PM / No Comments / 185 views

“MAGALING, ‘di ba? Magaling akong sumalo ng bulaklak,” buong pagmamalaking dayalog sa amin ni Megan Young nang makausap namin siya sa presscon ng bago niyang Kapuso drama series na The Stepdaughters.

Nabanggit kasi namin kay Megan na saksi mismo kami kung paano siya nakipag-agawan ng bridal bouquet sa wedding kamakailan ni Maxene Magalona sa Boracay.

Kinuwento niya ang ‘back story’ ng bonggang moment niya na ‘yon ng pagsalo ng bulaklak, na nag-viral yata ang nakakaaliw na video niya na kumalat online.

Kuwento niya, ang boyfriend niyang si Mikael Daez ang nagsabi sa kanya na pumunta siya roon sa bouquet toss kahit ang totoo ay nahihiya raw siya.

“Sabi niya (Mikael), ‘Saluhin mo ‘yung bulaklak. Siguraduhin mo ha?’ Verbatim ‘yon. ‘Siguraduhin mo na kukunin mo ‘yung bulaklak.’ Sabi niya. Sabi ko, ‘Ha? Sige!’ Ha! Ha! Ha!” natatawang kuwento ni Megan.

Dahil siya nga ang nakasalo ng bouquet, umasa ba siya na siya na ang susunod na ikakasal? Ganu’n daw kasi ‘yon, ‘di ba?

“Hindi, gusto ko lang saluhin! Ha! Ha! Ha! Sabi niya eh, so tara! Competitite ako eh!” natatawa pa ring sey ng actress-beauty queen.

Actually, nagulat daw si Mikael na dumidila pa siya at beastmode siya nu’ng moment na ‘yon. Parang Michael Jordan daw ang peg niya.

Megan Young and boyfie Mikael Daez, happy & wacky at the recent wedding of Maxene Magalona in Boracay/ @meganbata IG

No pressure, no rush

So, ‘yun na nga. Kung sinong single lady ang makasalo ng bridal bouquet sa wedding, inaasahan na ito ang sunod na ikakasal. ‘Yun ang meaning nu’n, eh.

“Ay, gano’n? Hindi ko iniisip ‘yon nu’ng time na ‘yon,” pakli ng Kapuso actress, na ka-share si Katrina Halili sa title ng bagong soap nila na The Stepdaughters.

Seven years na ang relasyon nila ni Mikael. So, puwede na silang mag-level up, kumbaga. As in kasalan levels na, gano’n.

“Well, for me, everyday naman, may level up naman ‘yan. Whether big or small, ‘di ba? You learn something new, you help each other grow everyday. So, we’re leveling up in different ways.

“Hindi lang ‘yan sa mga things like marriage or things like having children. I mean, there are other ways to level up our relationship and it’s already happening to us.”

Marami na silang mga kaibigan ni Mikael na ikinakasal. So, kailan naman sila?

“Hindi naman ako napi-pressure kahit marami akong kaibigan na kinakasal. I don’t feel any pressure. Ha! Ha! Ha! Happy lang. If it comes, it comes. I mean, no rush, honestly.

“And I think, Mikael and I have talked about it na no rush sa aming dalawa. Kung ma-feel namin na ito na ‘yung right time, then it would be the right time.

“I mean, we’ve been together for so long and we’re just simple people with the way that we live our lives. Simple in other terms ‘coz we like to travel. Hindi simple ‘yon,” napapangiting pakli niya.

Megan doesn't feel any pressure to get married right now

No to grand proposals

Okey, so posible na in any of their travels ay bigla na lang mag-propose sa kanya si Mikael?

“Hindi ko alam. I mean, you never know. Proposals happen anywhere. They can be grand, they can be simple, they can be something na itatanong mo lang. You’ll never know. You could just feel it at that moment,” sambit ng 27-anyos na dalaga.

Hindi raw bongga ang type ni Megan sa mga ganu’n. Kaya sinabi na niya kay Mikael na ang gusto niya ay simple lang. So, huwag daw siyang isosorpresa nito sa harap ng maraming tao dahil mahihiya siya.

Megan & Mikael: after 7 years of being together, it's their first time to work together in GMA's newest afternoon soap, 'The Stepdaughters'

Together at last
Samantala, happy ang Kapuso sweethearts dahil ang tagal nilang hinintay na magkasama sa isang project.

Mula raw nang mag-GMA si Megan ay nilalambing na nila ni Mikael na gusto nila ng show na magkasama silang dalawa. Thankful sila na sa ganitong project sila nagkasama.

Mundo ng beauty industry ang setting ng The Stepdaughters, tampok sina Mayumi dela Rosa (Megan) at Isabelle Salvador (Katrina) na mag-aagawan kay Francis Almeda (Mikael).

Ngayong hapon ang simula ng The Stepdaughters sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Ika-6 Na Utos.

Panoorin below ang aming interview kay Megan. Paki-SUBSCRIBE na rin po to our YouTube channel. Salamat!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *