Scroll to Top

WATCH: Erich Gonzales on her super-rich suitor and intense sampalan scene with Lovi Poe

By Allan Diones / Published on Monday, 12 Feb 2018 14:00 PM / No Comments / 432 views

LODI POE ang tawag ni Erich Gonzales sa co-star niya sa pelikulang The Significant Other na si Lovi Poe.

First time magkatrabaho ng Kapamilyang si Erich at Kapuso na si Lovi. Sey ni Erich, LODI si Lovi dahil fitspiration ito, pa-healthy, paborta at workout nang workout. So, idol daw talaga ito.

Sabi pa ng 27-anyos na Kapamilya actress sa grand presscon ng The Significant Other, sobrang saya niya na nagkaroon siya ng chance na makatrabaho si Lovi.

At kahit daw sa mga eksena nila sa pelikula ay parang lagi silang galit sa isa’t isa bilang pinag-aagawan nila si Tom Rodriguez, off cam, she can say na they’re good friends at wala silang problema ng Kapuso actress.

Doon naman sa sampalan scene nila ni Lovi na lahat ay nawindang, sobrang naging intense lang daw ‘yung eksena. At bilang artista, ‘pag may mga ganu’ng sampalan ay nire-ready na nila ang sarili nila na alam nilang puwede silang magkasakitan.

Ani Erich, bilang artista ay kailangan lang nilang gawin kung anong hinihingi sa kanila at gusto lang nila pareho na maging maganda ang kalabasan ng pelikula.

“We’re super okay!” natatawang sey ni Erich patungkol kay Lovi.

Erich Gonzales with co-stars Lovi Poe & Tom Rodriguez at the grand presscon of their movie, 'The Significant Other'/ @popoycaritativo IG

No time for love

Doon pa rin sa open forum sa mediacon ng The Significant Other, nabanggit ng maganda ang aura ngayon na si Erich na wala siyang time para sa lovelife.

“Para po sa akin, your life shouldn’t revolve around a person, a boyfriend or a partner. ‘Di ba? Para po sa akin, we are so much more than our relationship status na ‘yan.

“And we’re just enjoying po and focusing po sa mga magagandang nangyayari sa buhay natin at naniniwala po ako na meron talagang destined para sa atin na ibibigay po ng Diyos sa tamang panahon. Hindi po tayo nagmamadali,” pakli pa ng dalaga.

A blooming Erich says she has no time for love right now/ @starmagicphils IG

The Significant Suitor

After the Q&A portion ay natsika namin saglit si Erich at inusisa namin siya tungkol sa balita na meron siya ngayong ‘significant suitor’ na yayamanin.

Ang sagot niya sa amin, alam ng mga manliligaw niya na trabaho ang priority niya ngayon.

“Katulad ng lagi ko pong sinasabi, they can wait. Nasa sa kanila naman po ‘yon. Basta ‘yung priority po natin ngayon, trabaho talaga,” bulalas ni Erich, sabay banggit na meron siyang teleseryeng The Blood Sisters at movie na The Significant Other, so she feels so blessed.

Pero iba rin ang may inspirasyon, ‘di ba?

“Puwede naman po tayong ma-inspire sa iba’t ibang bagay. Hindi lang naman po natin makukuha ‘yan sa isang relasyon po,” katwiran niya.

Pero may isang masugid daw talaga siyang suitor ngayon na super yaman at guwapo, how true?

“Basta po para sa akin, ‘pag papasok po tayo sa next relationship, importante po na makilala n’yo ‘yung isa’t isa. At ‘yun nga, meron naman po talagang destined na tao para sa inyo and you just have to wait for God’s perfect time po para mangyari po ‘yon.”

Sexy Erich, photobombed by a sultry Lovi/ ©allandiones.com
Kapamilya Erich with Kapuso leading man Tom at the mediacon for their upcoming movie, 'The Significant Other'/ ©allandiones.com

All is well

Sa umaatikabong sampalan nila ni Lovi, nasaktan nga ba talaga siya?

Tugon ni Erich, “Siyempre po, artista po tayo, ‘pag may mga ganu’n pong eksena, kailangan pong prepared tayo. Alam n’yo na po na magkakasakitan kayo, masasaktan ako. But then, given na po ‘yon.

“Basta para po sa amin, gusto lang namin na maging totoo, mas mapaganda po ‘yung eksena at maibigay kung ano po ‘yung hinihingi sa istorya. At mga artista po tayo, so siyempre, alam na po natin ‘yang mga ganyang bagay.”

Pero na-tense nga ba siya dahil dumugo ‘yung kamay niya nang sampalin niya si Lovi (dahil sumabit ang kamay niya sa hikaw nito)?

“Kasi, dapat po talaga, walang suot na mga jewelry or accessory, but then siyempre, siguro may mga ganu’n talaga, hindi maiiwasang mangyari. Accident.

“But all is well. Me and Lovi, we’re super okay. We’re good friends. And hindi naman po ako napikon. Parte po ‘yon ng trabaho and like what I said, kung ano po ‘yung hinihingi sa atin, we’ll just deliver po,” sambit pa ni Erich who plays a neophyte, probinsiyana model na magiging mistress ni Tom na husband ni Lovi sa The Significant Other.

Directed by Joel Lamangan, produced by Cineko Productions and distributed by Star Cinema, The Signicifant Other opens in cinemas nationwide on February 21.

Panoorin below ang interview namin with Erich. Please SUBSCRIBE na rin po to our YouTube channel, thank you!

The sexy drama movie, 'The Significant Other' opens February 21 in cinemas nationwide

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *