Scroll to Top

WATCH: Ogie Alcasid’s naughty answer to the question, “A good night of music or a good night of sex?”

By Allan Diones / Published on Friday, 09 Feb 2018 17:32 PM / No Comments / 306 views

LUMABAS ang pagka-naughty ni Ogie Alcasid sa tanong namin sa kanya kung anong mas pipiliin niya: “A good night of music or a good night of sex?”

Pati si Ogie ay natawa sa sagot niya. Ha! Ha! Ha!

Isa sa pinakamasarap kausap at kainterbyuhan among showbiz peeps, totoo at walang kiyeme ang mga sagot ng multi-awarded, singer-songwriter and certified hitmaker.

Nakyutan din kami sa idea niya of a perfect Valentine date for the two of them ng wifey niyang si Regine Velasquez-Alcasid.

Ang simple, na at the same time, ang cool ng trip nilang V-Day date na mag-asawa.

Ogie Alcasid picks an unusual venue for his dream concert/ ©OgieAlcasid

Medyo kakaiba naman ‘yung choice ni Ogs for his dream concert anywhere in the world.

Very evident sa sagot niya ang kanyang deep faith and personal relationship with the Lord.

Most singers will choose the most bonggang concert venue, given the chance. Pero ang pinili ni Ogie ay sobrang kakaiba at may spiritual resonance.

For those who might not know them, ang Hillsong Worship ay isang Australian Christian music praise and worship group from Sydney. Nabuo sila nu’ng 1983 in Sydney, where they were located at Hillsong Church.

Their members have gone on to individually successful careers. They were called Hillsong Live until June 2014, nang palitan nila ang pangalan ng grupo to Hillsong Worship.

Ogie hamming it up with wife Regine Velasquez-Alcasid and buddies Martin Nievera & Erik Santos at the photo shoot for their pre-Valentine concert, '#paMore' tomorrow night, Feb 10, at the MOA Arena

We noticed na pareho ang sagot ni Ogie sa sagot sa amin ni Martin Nievera kung sino ang kanilang pinapangarap na maka-duet.

Even the best male singers talaga ay tinitingala at iniidolo ang legendary female artist and timeless diva na pareho nilang paborito at nirerespeto.

Sa choices niya ng Top 3 sexiest women in the PH, naaliw kami na kinailangan pang humingi ng tulong ni Ogs mula sa misis niyang si Reg para makumpleto niya ang kanyang listahan.

Please watch below ang video ng aming 8 QUESTIONS with OGIE ALCASID.

Then please Like, Share and SUBSCRIBE na rin to our YouTube channel. Thank you!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *