Scroll to Top

WATCH: Lovi Poe, lumabas ang dugong-FPJ sa sampalan nila ni Erich Gonzales

By Allan Diones / Published on Saturday, 10 Feb 2018 08:00 AM / No Comments / 467 views

MAY CATFIGHT sina Lovi Poe at Erich Gonzales sa pelikulang The Significant Other na tila nauwi sa totohanang sakitan.

Ang kuwento sa amin ng direktor ng movie na si Direk Joel Lamangan du’n sa pocket presscon ng TSO, sinampal nang malakas ni Erich si Lovi sa isang intense na eksena at na-shock ang Kapuso actress, na anak ng nasirang Action King na si Fernando Poe, Jr.

Sa pagkagulat daw ni Direk Joel ay hindi niya na-cut agad ang eksena. ‘Yung kamay ni Erich ay dumugo dahil sumabit ito sa hikaw na suot ni Lovi.

Naaliw kami sa tsika ni direk na lumaban si Lovi at lumabas daw ang dugong-FPJ ni Lourdes Virgina Poe sa catfight na ‘yon ng dalawang aktres.

Actually, si Direk Joel ang nagsabi sa kanila na ayaw niya ng fake na sampalan dahil halatang-halata. Kaya lang ay mukhang sumobra raw ang sampalan ng dalawa at tinotoo talaga ng mga ito.

Sey pa ng premyadong direktor, after that intense moment ay um-exit si Erich papuntang likod at nagkaroon ng dugo ang wedding gown na suot nito. Si Lovi ay um-exit din sa kabilang side.

Na-hold ang shooting nila for a while. Big scene ‘yon na may modeling pa na mga ganap, so hindi puwedeng i-packup at may night effect pa sila.

After a while ay nagkapatawaran din daw ang dalawa at naging okey na. So, tinuloy nila ang shooting.

Lovi Poe, lumabas ang pagiging anak ni late Action King Fernando Poe Jr. sa intense catfight nila ni Erich Gonzales?!
Lovi Poe, Tom Rodriguez & Erich Gonzales figure in a steamy love triangle in the sexy drama movie, 'The Significant Other'

Sampal at dugo

Nu’ng si Lovi na ang makausap namin ay natawa lang ito sa mga tsika.

Ang sabi niya, pareho silang nadala ni Erich sa eksenang ‘yon.

Hindi naman daw niya nirapido si Erich, nagreak lang siya sa eksena nila at happy siya dahil maganda ang kinalabasan nito. Masaya rin si Lovi na si Erich ang nakasama niya sa scene na ‘yon dahil they brought certain things out from each other.

Natatawang chika pa ng Kapuso actress, nagreak ang brother niya na crush na crush si Erich. So, sinabi niya rito na maganda pa rin ang face ng dalaga at hindi ito dumugo sa sampal niya. Nasabit lang sa hikaw niya ‘yung kamay nito.

Nilinaw din ni Lovi na hindi niya ginantihan si Erich. Reaksyon niya lang daw ‘yon sa ginawa ng kaeksena niya.

“Kami ni Erich, we’re very, very good. I’m very happy, kasi kahit ganu’n ‘yung nangyari sa scenes, kasi hindi mo maiiwasan talaga na you’ll get carried away. Lalung-lalo na kung sineseryoso mo ‘yung craft mo.

“So, I’m very happy na sa ganitong pelikula, I’m with Tom and with Erich pa. Tapos, si Direk Joel Lamangan pa ‘yung nagdirek.

“So, parang it’s just like the perfect combination ng lahat. No one’s doing it na hindi tinototoo. Maganda kasi ‘pag ramdam mo, eh. Mararamdaman din ‘yon ng manonood.”

'LODI' Poe shows off her toned abs at the pocket presscon of the movie, 'The Significant Other'/ ©allandiones.com
Lovi & Tom are reunited on the big screen after they've worked together last year on the Kapuso primetime series, 'Someone to Watch Over Me'/ ©allandiones.com

LODI POE

Pagkatapos ng kaunting tensyon sa set ay okey na sina Lovi at Erich. Ganu’n naman daw talaga ‘pag gumagawa ng mga eksena. Sinabi rin nila sa isa’t isa na it was pretty intense, but it was part of their job.

As in wala raw silang conflict or anything. None at all. In fact, nagkakausap pa raw sila palagi at natutuwa si Lovi dahil LODI Poe ang tawag sa kanya ni Erich (‘Lodi’ as in Idol).

“She’s super nice,” papuri pa ni Lovi sa Kapamilya actress.

Pareho silang top fashion models sa The Significant Other na mai-involve pareho sa iisang lalaki. Si Tom Rodriguez ang pag-aagawan nila.

Si Lovi ang wife at si Erich ang other woman, so pareho silang may maiinit na eksena with Tom.

Sa February 21 ang showing sa mga sinehan nationwide ng The Significant Other mula sa Cineko Productions at Star Cinema.

Panoorin below ang masayang interview namin kay Lovi. Then please Like, Share and SUBSCRIBE na rin po to our YouTube channel. Thanks!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *