Scroll to Top

WATCH: Janella Salvador wants to go to this romantic place on Valentine’s Day

By Allan Diones / Published on Saturday, 10 Feb 2018 09:00 AM / No Comments / 311 views

WE asked Janella Salvador kung anong gusto niyang gawin nila ng ka-loveteam at closest guy sa puso niya na si Elmo Magalona, if ever may time silang dalawa on Valentine’s Day.

Given na ‘yung plano nilang manood ng Valentine movie nilang My Fairy Tail Love Story na opening in cinemas nationwide on that day.

But halimbawang meron silang extra time sa araw na ‘yon to do something special, ano kayang bet gawin ni Janella?

Sagot ng 19-anyos na Kapamilya actress at Regal star, ang dream date niya talaga on V-Day ay mag-travel dahil ‘yun talaga ang gusto niyang ginagawa, ang magbiyahe.

“I want to spend Valentine’s Day one day in another country. Kasi, favorite ko talagang mag-travel,” sey ni Janella.

Saang bansa naman niya gustong pumunta?

“Paris,” mabilis na sagot ni Jea.

Janella Salvador loves to travel and she wants to spend one Valentine's Day in a famous romantic place somewhere in Europe

Ang sabi namin kay Janella, hindi lang one day ‘yon dahil medyo malayo ang biyahe.

“Pero itatapat ko sa Valentine’s,” natatawa niyang reaksyon.

Bakit sa French capital niya gustong pumunta sa Araw ng mga Puso?

“Kasi, it’s the City of Love,” sagot ng dalaga, na never pa raw nakarating ng Paris.

Gusto niya ba, pagpunta niya ng Paris, si Elmo ang kasama niya?

Napapangiting pakli ni Jea, “Gusto ko, the first time I go there sa Paris, kasama ko the person I love talaga.”

So, puwedeng si Moe ‘yon?

“Puwede. Let’s see!” sagot sa amin ni Janella, sabay tawa na parang kinikilig.

Kung may budget si Moe, why not, ‘di ba?

At natawa na lang ulit ang bungisngis na dalaga.

Will Janella let Elmo Magalona join her in her dream Valentine date somewhere far away?

Janella plays Chantel in My Fairy Tail Love Story, a spoiled rich girl na may na-disturb na coral formation under the sea. Because of this ay magigising siya one day na isa na siyang mermaid.

Elmo plays her best friend Noah, who tries to break the curse, thinking that the answer lies in the most magical solution: true love’s kiss!

Directed by Perci Intalan and produced by Regal Films & The IdeaFirst Company, My Fairy Tail Love Story swims into theaters on February 14.

Panoorin below ang interview namin kay Janella. And please SUBSCRIBE to our YouTube Channel, thank you!

Happy Janella is excited for ElNella's Valentine movie, 'My Fairy Tail Love Story'/ ©allandiones.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *