Scroll to Top

Alden Richards, hindi pa ‘Descendants’ ang gagawing teleserye sa 2018

By Allan Diones / Published on Wednesday, 20 Dec 2017 22:47 PM / No Comments / 4951 views

KUMPIRMADONG gagawa muli ng primetime teleserye si Alden Richards sa 2018.

Ayon sa source na nakausap namin kamakailan sa masayang Paskong Kapuso 2017 Christmas Party for the Press ng GMA, balik-drama si Alden next year, pero hindi pa ‘yung napapabalitang Pinoy version ng Descendants of the Sun ang gagawin niya.

Ang sabi ng nakausap namin, kay Alden talaga nakatoka ang role na ginampanan at nagpasikat kay Song Joong-ki sa nasabing hit Korean drama, pero hindi pa muna ito ang naka-lineup niyang gawin sa 2018.

Malaking produksyon daw kasi ang DOTS at hindi ito basta-basta puwedeng gawin, kailangan ng matinding paghahanda para rito.

May sariling project na gagawin si Alden na bagay daw para sa Pambansang Bae, na gustung-gusto na ulit gumawa ng primetime drama series.

Hindi nabanggit ng source namin kung may makakapareha si Alden sa nasabing teleserye at kung posibleng si Maine Mendoza ang maging katambal niya gaya ng hiling ng AlDub fanatics.

Early this year ay nakagawa ng Kapuso series si Alden, ang Destined To Be Yours katambal si Maine, na umabot lang ng isang season.

Kasalukuyang nasa Japan si Alden at doon magwa-white Christmas kasama ng kanyang pamilya.

Ruru Madrid shirtless in Palawan/ @rurumadrid8 IG

Ruru, hindi pa kering rumampa nang naka-underwear lang

Keto diet pala ang ginawa ni Ruru Madrid para ma-achieve ang kanyang pang-Bench Under the Stars na katawan.

Sey ng young Kapuso hunk, mula sa dating 180 lbs. ay naging 155 lbs. siya dahil sa ketogenic diet (na low-carb, high-fat diet).

Nagpaganda talaga ng katawan si Ruru para sa Bench show kung saan nilantad niya ang kanyang upper body, pero maraming nabitin dahil hindi siya rumampa sa stage nang naka-underwear lang.

Ang sabi ng yummylicious na binata doon sa pa-Christmas party for the press ng Production 56 ni Direk Maryo J. delos Reyes, “I think I’m too young for that because you know, I just turned 20.”

Dugtong pa ng Kapuso Benchsetter, “Siguro po, sa takdang panahon. Sa tamang panahon. Hindi rin natin masasabi, ayoko rin pong magsalita nang tapos. Kung darating po ‘yung panahon na ‘yon, siyempre kailangan ko pong paghandaan nang maigi ‘yon.”

Samantala, sobrang thankful si Ruru na sa kanya napunta ‘yung isang Kapuso project na originally ay para dapat kay Alden Richards.

Aniya, para sa kanya ibigay ang isang show na para sana kay Alden, alam niyang malaking proyekto ‘yon.

At ngayong siya ang napili para gumanap sa role na ‘yon, talagang kailangan niya raw pagbutihan at i-prove sa lahat na deserved niya ang papel na ‘yon.

Parang kuya ang turing niya kay Alden, na sobrang natuwa raw for him na sa kanya napunta ang role na ‘yon.

Sherlock Jr. ang pamagat ng nasabing Kapuso show na pagbibidahan ni Ruru at partner niya ulit si Gabbi Garcia.

Ani Ruru boy, sobrang close pa rin sila ni Gabbi, pero hindi pa ito ang tamang panahon para magkaroon sila ng relasyon. Naniniwala siya sa destiny at kung sila talaga ang para sa isa’t isa ay sila talaga.

Katwiran ng guwaping na binata, marami pa silang kailangang unahin ni Gabbi tulad ng pamilya nila. Saka na raw ang bagay na ‘yon, darating din ‘yon.

DPWH Secretary Mark Villar with wife, Congresswoman Emmeline Aglipay-Villar/ ©allandiones.com

Epic traffic sa ‘Pinas, may solusyon ayon kay DPWH Secretary Mark Villar

Hindi forever ang trapik sa Pilipinas kung pagbabasehan ang mga sagot ni Department of Public Works & Highways Secretary Mark Villar.

Sa pa-Christmas lunch for the press kamakailan ni Sec. Mark at ng wifey niyang si Congresswoman Emmeline Aglipay-Villar ay ang ganda ng mga paliwanag niya at impressive ang AVP na ipinakita ng dating Las Piñas Congressman.

Ayon sa Uber, in 5 years ay standstill na ang Manila sa dami ng mga sasakyan at sa kakulangan ng mga kalsada.

Sabi ni Sec. Villar, kung walang mga proyekto ang gobyerno ay posibleng mangyari ‘yon, pero napakaraming projects ng DPWH na may kinalaman sa traffic decongestion.

Ang budget nila ay mahigit P100B for 2017 alone. Talaga raw ibinuhos ng gobyerno ni Digong para matapos ang problema natin sa trapik.

Napupunta sa mga bagong kalsada at tulay ang budget na ‘yon. Ilan sa nabanggit niya ay ang Laguna Lake Highway, Taft Flyover at maraming bridges at road widening sa iba’t ibang sulok ng bansa.

Sa Luzon ay malaking bagay ang mapapagaan ng Luzon Spine Expressway na ikokonek ang Bicol sa La Unuion. Sa Metro Manila ay ang SLEX-NLEX connector at ang Skyway. By next year ay tapos na raw ang first phase ng Laguna Lake Highway from Bicutan to Rizal.

Ang NAIA Expressway ay gagawan ng extension at magkakaroon ng connection para hindi na kailangang dumaan sa EDSA. Magkakaroon na rin ng subway sa ‘Pinas.

Positive na tsika ni Secretary Mark, simula next year ay mararamdaman na natin ang mga pagbabagong ito. Feeling niya, sa end ng term ni PDigong ay ibang-iba na ang Pilipinas.

Secretary Mark & Congw Em with their daughter Emma/ @emaglipayvillar IG

Takbo para sa Lupus

Proud si Congresswoman Emmeline Aglipay-Villar na very good ang book sales ng sinulat niyang libro na Living Better with Lupus.

Happy siya na it was received very well by the medical community at ng patients. Maraming doktor ang umo-order sa kanyang foundation at na-a-out of stock daw ito sa ibang bookstores.

Nasa process na sina Congw. Em of translating it to Filipino. Short lang, mga 50 pages at ipapamigay nila ang kopya nito for free sa rural areas. Conversational Filipino para mas madaling maintindihan ng mga nasa probinsiya.

Ilu-launch ang book sa May 2018. Bago ‘yon, sa January 21, 2018 ay magkakaroon muna ng Hope for Lupus Run (for the benefit of Hope For Lupus Foundation). May 1K, 5K, 10K at 21K run.

Ten years nang may lupus ang butihing maybahay ni Sec. Mark Villar. Wala sa itsura niya na meron siyang bald spots at nalalagasan siya ng hair, itinatago niya lang.

Undetermined ang exact number ng mga may sakit na lupus dito sa bansa dahil maraming kaso ang undiagnosed.

Sa LA magpa-Pasko ang mag-asawa kasama ang daughter nilang si Emma and the rest of the Villars. Pareho silang sobrang busy, so ang Christmas nila ay naka-devote talaga sa family.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *