Scroll to Top

WATCH: Marian Rivera on heightened intimacy with hubby Dingdong Dantes: “Mas rumurok kami ng mga panahong ito!”

By Allan Diones / Published on Tuesday, 06 Feb 2018 11:35 AM / No Comments / 3183 views

EXCITED na si Marian Rivera sa 3 days na getaway nila ng hubby niyang si Dingdong Dantes sa darating na Valentine’s.

Ayaw niyang sabihin kung saan ang punta nila, basta ipo-post naman daw niya ito sa social media.

Tinanong namin si Marian doon sa presscon niya after she renewed her contract with GMA network kahapon kung may pa-loving-loving ba silang mag-asawa sa Valentine’s Day.

Sey ni Yan, na-overcome na nila ‘yung stages bilang mag-asawa na nabuntis siya, nanganak at nag-alaga ng anak nila. Kumbaga ay back to reality na raw siya ngayon at balik na rin ang intimacy nilang mag-asawa.

Lumalaki na kasi ang daughter nilang si Zia at hindi na ito masyadong alagain, kaya mas marami na silang time ngayon ni Dong para sa isa’t isa. Naiiwan-iwan na niya ito at wala na raw siyang sepanx kay Zia.

Ang sabi ng GMA Primetime Queen, hindi naman nawala ‘yung intimacy na ‘yon, iba lang ang naging prayoridad nila before bilang isang bagong nanay na mas nag-alaga siya ng anak nila.

“But not anymore. I’m back!” masayang bulalas ni Yanyan.

Marian Rivera says, "I'm back!!" because mas may time na siya ngayon sa hubby niyang si Dingdong Dantes at hindi na siya nase-sepanx sa daughter nilang si Zia/ @marianrivera IG
Excited si Marian sa 3-day Valentine getaway nila ni Dong, na ayaw niya pang i-reveal kung saan, basta ipu-post na lang daw niya sa Instagram/ @marianrivera IG

So, magiging mainit ba ang Valentine ng DongYan dahil sa nagbabalik na intimacy na ‘yon?

“Araw-araw, mainit. Mainit ang panahon! Kayo talaga!” natatawang dayalog ni Yan.

Sobra-sobra raw ang pasasalamat ni Marian sa asawa niya dahil dati nang malawak ang pang-unawa ni Dong, pero na-realize niya na sobrang haba pala talaga ng pang-unawa nito sa kanya.

“I’m back nga, so kanyang-kanya na uli ako!” pa-girl na hirit ulit ni Yan.

Sobrang haba ng ano ulit ni Dong?

“Mahaba talaga! Ang pasensiya niya!” tawa ng gandarang madir ni Zia.

Bet namin ‘yung tsika ni Yan na mas naging malambing silang mag-asawa ngayon.

“Mas rumurok kami ng mga panahong ito!” ang eksaktong linya niya.

Wow! Paano ‘yung rumurok?

“Titigan pa lang, masayang-masaya na kami. Grabe, tanghaling tapat! Dyusko, Lord!” natatawang sey ni Yanyan.

RUROK NA RUROK. Marian says mas malambing silang mag-asawa ngayon sa isa't isa. Titigan pa lang ay masayang-masaya na sila/ @marianrivera IG
Sexy Marian at her presscon yesterday after she renewed her network contract with GMA/ ©allandiones.com

Ipinagmalaki rin ni Marian na lumalabas na siya ngayon at nagba-bar nang ka-date si Dong.

Dati raw kasi ay manang siya at nasa bahay lang, pero ngayon ay lumalabas na silang dalawa. As in date na para silang mga binata’t dalaga.

Aniya, iba pa rin ang bonding nilang mag-asawa after all.

May paregalo ba si Dong ‘pag may okasyon tulad ng Valentine’s?

“Sarili niya!” ang kaswal na sagot sa amin ni Yan.

Ay, ‘yung katawan ni Dong ang regalo nito, ganern?

“Sarili niya. ‘Yung time niya. Ano ba kayo? Grabe kayo mag-isip!” pa-girl ulit na hirit ni Yan.

So, hinahain ni Dong?

“Ako rin. Vice-versa,” natatawa niyang sakay sa pa-naughty question namin.

Ah, so may pahain din siya kay Dong?

“Siyempre, nagluluto ako. Hinahainan ko. Ano ba kayo?!” sambit pa ng kilig-kiligan pa rin sa mister niya na si Mrs. Dantes.

Panoorin below ang masayang interview namin kay Marian. Paki-Like, Share at SUBSCRIBE na rin po to our YouTube channel. Salamat!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *