Scroll to Top

Lolo Lover, may pa-house & lot kay Gandarang Young Star?!

By Allan Diones / Published on Tuesday, 14 Nov 2017 08:10 AM / No Comments / 248 views
Emojiart by RAF

HANGGANG sa mundo ng mga ALTA ay pinag-uusapan pala ang tsika tungkol sa isang pretty young star (PYS) at isang filthy rich businessman (FRB).

Sa isang piging ng mga yayamanin kamakailan ay bulung-bulungan ang balitang binigyan ni FRB ng bahay at lupa si PYS sa isang sikat na posh village.

Isyu ito maging sa mga belong sa upper-upper bracket of society dahil bagets pa si girl at parang lolo na niya ang super-yamang guy na nali-link sa kanya.

Sey ng isang curious kumare sa umpukan na ‘yon ng mga shala-shala, kaya pala madalas mapagkikita si PYS sa isang sosi place malapit sa nasabing posh village ay dahil doon ito nakatira.

Matay man nilang isipin ay walang kakayahan si PYS na makabili ng anumang pag-aari sa ekslusibong lugar na ‘yon ng mga rich and famous.

May humirit na ang suwerte ni PYS kung totoong ALAGA ito ni FRB dahil umaapaw ang kadatungan ng nasabing lalaki.

Hayahay ang buhay ni PYS at ng kanyang pamilya, na parang nakahanap ng matibay na pader na masasandalan kung talagang suportado ni FRB ang gandarang bagets.

Ang tanong ng mga sosyaling mag-aamiga, nakapangalan kaya kay PYS ang nasabing bahay at lupa?

Nagpakasigurista kaya si bagets at tiniyak niyang sa kanya talaga ang property o isang araw ay puwede na lang siyang palayasin doon dahil may iba nang napupusuan si FRB?

Interesado ring malaman ng mga alta chismosa kung paano napasok sa ganu’ng sitwasyon si PYS.

May blessing ba ito ng kanyang mga magulang at pamilya?

Paano niya naatim pumatol sa isang lalaking ganu’n kalayo ang edad sa kanya?

Sa angking ganda ni PYS ay ang daming kapuwa niya bagets na nagkakagusto sa kanya.

Kaya nakakagulat na may ganitong kuwento tungkol sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *