Scroll to Top

Sexy Actress, hindi makahinga dahil sa retokadang ilong!

By admin / Published on Tuesday, 14 Nov 2017 08:00 AM / No Comments / 253 views
Emojiart by RAF

Lihim na nagdurusa sa kagagawan ng doktor na nag-opera!

NAKARAMDAM kami ng awa sa isang sexy actress na madalas mapintasan lately dahil sa mga naging pagbabago sa kanyang itsura.

Kaliwa’t kanan ang natatanggap na panlalait at pang-aalipusta ni sexy actress dahil sa kanyang kakatwang transformation.

Hindi alam ng mga laitera ang tunay na pinagdaraanan ni sexy actress, na naibulalas niya kamakailan sa isa niyang bestie actress.

Kuwento ni sexy actress sa kanyang best friend na aktres din, ‘yung huli niyang pagpapagawa ng ilong ay nagkaroon siya ng problema.

As in dumating sa puntong HINDI MAKAHINGA si sexy actress after ng kanyang recent enhancement procedure.

Natural ay nag-panic si sexy actress dahil nakakalerky na hindi ka maka-breathe in, breathe out gamit ang ‘yong ilong.

Kaya muli siyang nagpadoktor para IPAAYOS ang kanyang ilong na binibigyan siya ng problema sa paghinga.

Ang nangyari, dapat sana ay ‘yung nasal cavity o loob lang ng ilong niya ang reremedyuhan ng doktor, pero ang ginawa nito ay pinakialaman pati ang labas ng ilong ni sexy actress.

Galit na galit si sexy actress sa naging resulta ng operasyon, pero wala na siyang magawa dahil napakialaman na ng doktor hindi lang ‘yung loob kundi pati ‘yung labas ng kanyang dati nang niretokeng ilong.

Kumbaga ay dati na itong MAY TAMA, mas lalo pang LUMALA dahil sa pangingialam ng mahaderang doktor.

Kung tutuusin ay puwedeng maghabol at magdemanda si sexy actress sa KALAPASTANGANANG ginawa ng doktor sa ilong niya.

Pero tila mas pinili na lang niyang manahimik dahil ayaw na niyang palakihin pa ang hindi kagandahang isyu.

Awang-awa kay sexy actress ang kanyang bestie actress, pero wala rin itong magawa sa sinapit ng kaibigan.

Hindi maliwanag ngayon kung puwede pang ipagawa ulit ni sexy actress ang kanyang ilong dahil baka masobrahan na ito at MADISGRASYA na nang tuluyan.

Posible ring pinapagaling muna ito nang husto ni sexy actress at baka sakaling MAREMEDYUHAN pa, nang kahit paano ay maibalik ito sa dati.

Ang totoo ay ginusto ni sexy actress ‘yung mga past procedure na ginawa sa kanyang mukha sa ngalan ng pagpapaganda, kaya wala rin siyang ibang puwedeng sisihin kundi ang sarili niya.

Kadalasasan ay nakakasama rin talaga ang anumang sobra. Ewan kung bakit tila hindi siya makuntento sa itsura niya gayong hindi naman siya pangit.

Oh well, karapatan niya namang magparetoke hanggang sa gusto niya. Trip niya ‘yon, so wala tayong pakialam dahil sarili niyang mukha ang pinapagalaw niya.

‘Yun nga lang, dahil sa kakapadalirot niya sa mukha niya, may mga nagsasabing kahawig na niya ang nasirang King of Pop na si Michael Jackson!

At ang MAS HARSH pa, ang tingin sa kanya ng iba ay hindi lang si MJ ang KAFEZLAK niya kundi si THE GRINCH!

Ouch! Hinay-hinay naman, mga Besh!

Maawa’t mahabag naman kayo kay sexy actress!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *