Scroll to Top

Jennylyn Mercado on wedding plans with boyfie Dennis Trillo: “Sa ngayon, nag-e-enjoy lang talaga kami. Wala pa talaga. Sasabihin ko sa inyo ‘pag meron na!”

By Allan Diones / Published on Saturday, 02 Dec 2017 19:20 PM / No Comments / 1958 views

KUNG si Derek Ramsay ay handa nang pakasalan ang nobya nito, ang leading lady ni Derek sa pelikulang All Of You na si Jennylyn Mercado ay tila wala pa sa isip ang pagpapakasal.

Tulad ni Derek ay very happy rin ang lovelife ni Jennylyn sa piling ng boyfie nitong si Dennis Trillo, kaya madalas ding matanong si Jen tungkol sa isyu ng kasal.

“Mararamdaman mo naman ‘yun eh, ‘di ba? I think sa mga lalaki, ganu’n ‘yon. Kahit gaano pa katagal, kahit isang taon lang kayo, ‘pag feel mo nang magpakasal, magpapakasal ka.

“Sa girls naman, oo o hindi lang naman ang sagot namin, eh. So, ‘pag feeling din namin na, ‘Uy, siya na!’ Siya na talaga.

“Kasi, ‘yung mga babae naman, hindi naman papasok sa isang relasyon na hindi naman doon papunta, eh.

“Gusto rin naman namin siyempre ‘yon. So, nasa sa amin lang ‘yung sagot. Oo o hindi, ‘pag tinanong na kami. ‘Pag ready na kami, eh ‘di yes!” bulalas ni Jen sa presscon ng All Of You na kasali sa MMFF 2017.

Jennylyn Mercado & boyfriend Dennis Trillo in Paris/ @mercadojenny IG
Jennylyn & Dennis in Paris/ @mercadojenny IG

Hindi takot sa live in

Tinatalakay sa All Of You ang tema ng magkasalungat na pananaw pagdating sa pag-ibig at pagpapakasal.

Ang karakter ni Derek na si Gab ay okey na sa live in setup habang ang karakter ni Jen na si Gabby ay gusto ng kasal.

Ayon kay Jen, meron talagang mga magkarelasyon na kuntento na sa pagli-live in at meron ding takot sa ganu’ng setup.

Siya raw ay hindi naman takot sa live in at hindi rin siya kontra rito.

“Kanya-kanyang desisyon naman ‘yan, eh. Pero para sa akin, sa ngayon, wala pa talaga ako du’n sa ano na ‘yon.

“May anak ako, eh. So, gusto ko, nasa bahay ako kasama ng anak ko. Kasi, ako lang naman ang nanay niya, ‘di ba? Wala naman kaming ibang kasama sa bahay, wala na rin si lola (Mommy Lydia ni Jen, na lola ng anak niyang si Alex Jazz).

“So as much as possible, gusto ko, ako ‘yung nasa bahay. Nasa bahay lang kaming dalawa,” paliwanag ng award-winning Kapuso actress.

Hindi ba naghahanap ng father figure si Jazz?

“Kasi si Patrick (Garcia, ama ni Jazz), dumadalaw naman, eh. Alam naman niya (Jazz) na, ‘Daddy ko ‘to.’

“Alam niya ‘yung sitwasyon namin. So, I think hindi ako magkakaroon ng problema pagdating ng panahon.”

Paano ‘pag niyaya siyang mag-live in ni Dennis?

“Hindi ko pa po alam kung anong isasagot ko, eh. Wala pa, wala pa talaga. Basta, nag-e-enjoy lang kami.”

Dugtong pa ni Jen, “Marami pa akong gustong gawin sa buhay. At saka maliit pa ‘yung anak ko. Gusto ko pang mag-enjoy. Magtatrabaho muna ako.”

Jennylyn at the presscon of 'All Of You,' her MMFF 2017 movie with Derek Ramsay/ ©allandiones.com

Thankful to Patrick & Nikka

Malaki ang pasasalamat ni Jen sa asawa ni Patrick na si Nikka Martinez-Garcia dahil very supportive ito sa kanila ni Jazz.

“Parang silang dalawa ni Patrick ‘yung tatay (ni Jazz), gano’n. So, masaya ako na very open si Nikka. Tapos, very understanding. Napakabait,” papuri niya sa non-showbiz wife ni Pat.

Bukod doon ay maganda ang relasyon ni Jazz sa mga kapatid nito sa amang si Patrick.

“Opo. Kasi, everytime na dumadalaw sila sa bahay, kasama ‘yung mga bata. Kumpleto sila.”

Puwede raw hiramin ni Pat si Jazz anytime. Kaya lang ay may special condition kasi si bagets, so ‘pag hindi ito sanay sa isang lugar ay medyo mahirap.

9 years old na kasi ngayon si Jazz. So, medyo nakakatakot daw kung mag-o-overnight ito sa ibang bahay. Kahit tatay nito si Patrick, iba raw ang handling dito dahil iba ‘yung nakasanayan ng bata.

Ang nobyo ni Jen na si Dennis ay close din kay Jazz. ‘Pag nagpupunta si Den sa bahay nila ay naglalaro ang dalawa. Tito ang tawag dito ng bagets.

Si Jen at ang anak ni Dennis (kay Carlene Aguilar) na si Calix, close din ba?

“Bihira po kaming magkita, eh. Usually, ‘pag may mga okasyon lang. ‘Pag birthday o kaya Pasko, New Year, ganyan. Father’s Day, Mother’s Day, ganyan ‘yung mga okasyon na nagkikita-kita kami.”

Jen & Dennis with Patrick Garcia & wife Nikka Martinez-Garcia + Alex Jazz & his two sisters/ @nikkamgarcia IG
Patrick & Nikka with their two daughters, Chelsea & Patrice + Alex Jazz in the middle/ @onlypatrickgarcia IG

Anak ang priority

Sobrang magkasundo ang mga pamilya ng DenJen. Hindi ba nagtatanong ang mga ito kung kailan magiging legal ang lahat sa kanilang dalawa?

“Wala, wala po,” napapangiting sagot ng 30-anyos na aktres.

Hindi ba siya naiinggit, ang daming nagpapakasal sa showbiz?

“Bakit naman ako maiinggit? Ha! Ha! Ha! Okey lang ‘yon. Basta masaya kayo, ‘di ba?” pakli ni Jen.

Isang factor daw dito ay ‘yung meron kasing anak si Jen.

“Eh siyempre, iba ‘pag may anak ka na. ‘Yun talaga ‘yung priority mo. Kailangan du’n muna.”

So, wala pa siyang planong magpakasal?

“Wala, wala po talaga.”

Eh in the future?

“Sa future. Siguro, matatagalan pa. Pero sa ngayon, wala.”

Pero nasa lalaki naman ‘yon kung gusto na nitong yayain ng kasal ang karelasyon nitong babae, ‘di ba?

“‘Yun nga, hindi rin natin masasabi. Pero sa ngayon, wala muna.”

DenJen at the Moco Museum in Amsterdam/ @dennistrillo IG
DenJen: Diving Buddies!/ @mercadojenny IG

Katuwang sa buhay

Sa ganda ng takbo ng relasyon nina Jen at Dennis at sa pagiging close ng respective families nila, mukhang papunta na talaga sila sa kasalan.

“Wala pa kami sa ganu’ng stage. Wala pa. Totoo. Sasabihin ko naman sa inyo eh, kapag ano na,” giit ni Jen.

Hindi niya pa nakikita ang posibleng kasalan sa 2018?

“Hindi pa. Kumbaga, hindi pa ako okey. Marami pa akong gustong ma-accomplish. Marami pa akong gustong gawin. Maliit pa rin ‘yung anak ko. Kailangan niya ako, so…”

Eh pero, iba rin ‘yung may katuwang siya sa buhay at sa pagpapalaki kay Jazz, ‘di ba?

“Oo naman, iba rin. Pero parang sanay na rin ako. Ha! Ha! Ha! Sanay na rin naman ako. Ako pa ba, ‘di ba?” natatawang sagot sa amin ng two-time MMFF Best Actress (para sa English Only, Please at Walang Forever).

Pero kung meron namang lalaki na willing makatuwang niya, bakit hindi?

“Oo naman, bakit hindi? Nag-announce: ‘Yung mga willing po… Ha! Ha! Ha!”

Mukha namang willing na willing si Dennis na maging katuwang niya, ‘di ba?

“Bakit hindi, ‘di ba? Pero sa ngayon, parang hindi pa.”

Paano ‘pag niyaya na siya ni Den?

“Wala pa. Matagal pa ‘yon. Matagal pa,” paulit-ulit na linya ni Jen.

Eh what if bigla na lang mag-propose si Den sa kanya?

“Wala ‘yan. Matagal ‘yan, huwag kang mag-alala,” napapa-smile na sey ng blooming na aktres.

Mamaya magulat na lang siya, ‘no!

“Hindi, wala. Wala ‘yon.”

Pero nakikita na niya ang sarili niya na si Dennis na talaga ang makakatuluyan niya?

“Sa ngayon, nag-e-enjoy lang talaga kami. Wala pa talaga. Sasabihin ko sa inyo ‘pag meron na!” sambit ni Jen.

Sa Christmas Day ang opening ng All Of You sa mga sinehan nationwide.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *