Scroll to Top

WATCH: Cute reaction of Juday-Ryan when asked to be Ninang-Ninong at Iza & Ben’s wedding

By Allan Diones / Published on Sunday, 03 Dec 2017 18:06 PM / No Comments / 3232 views

KINUHANG Ninang at Ninong sa kasal sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ng engaged couple na sina Iza Calzado at Ben Wintle.

Naganap ang personal na pakikipag-usap nina Iza at Ben kina Juday-Ryan last Sunday night after ng misa at pre-Christmas salu-salo sa bahay ng mga Agoncillo sa Alabang Hills Village sa Muntinlupa.

Naging malapit na kaibigan na nina Juday-Ryan sina Iza at Ben, na regular na naiimbitahan sa monthly Sunday mass ng mga Agoncillo, kaya parang parte na rin ng pamilya ang mga ito.

Pagkatapos ng masaganang hapunan na inihanda ni Chef Juday ay ang Ingliserong Fil-British fiance ni Iza na si Ben ang nagsabi sa kanilang godparents-to-be na role models ni Iza ang mag-asawang Juday-Ryan at gusto nilang kunin ang mga ito na Ninang at Ninong sa kanilang kasal.

Nu’ng time na ‘yon ay ka-table ni Ryan ang Ninang at Ninong nila ni Juday sa kasal na sina Suzi Entrata-Abrera at Paolo Abrera, kaya ang reaksyon ni Ryan ay, “Suzi, ginantihan ako ni Ben. Tinanong kung puwede kaming mag-Ninong at Ninang!”[/vc_column_text][/vc_column][/vc_row]

Iza Calzado & Judy Ann Santos/ ©allandiones.com
Iza & Juday/ ©allandiones.com

May slight paliwanag si Ben kay Ryan, na si Iza ang nag-suggest ng idea na ‘yon. Tinanong nga raw niya ito na hindi ba dapat mas matanda ang kunin nila dahil kaunti lang ang lamang ng edad nina Juday-Ryan sa kanila?

Bale ganu’n din ang kaso nina Suzi at Paolo nang kunin silang wedding sponsors nina Juday-Ryan sa kasal ng mga ito.

“Wait, before we say yes, we have to get the approval of our Ninong and Ninang,” kwelang hirit ni Ryan, na sinagot ng kanilang Ninang Suzi na, “Puwede na. Hashtag: relationship goals!”

Tapos ay bumaling si Ryan sa misis niyang si Juday at tinanong ito ng, “Puwede? Puwede na ba?”

Sey ni Juday, “Sa pagkakataong ito, hindi naman tayo puwedeng humindi,” at nagkatawanan ang lahat.

“On the spot! Hoy, nag-Ninang ka kay Pam!” dayalog ni Iza kay Juday habang hawak ang isang kamay nito.

“Oo naman. Sabi ko nga, oo naman! Sheeshh!” ani Juds, kaya napa-“Yehey!!” na si Iza sa tuwa.

Ang Pam na tinutukoy ni Iza ay ang stylist at friend ni Juday na si Pam Quiñones, na isa si Juday sa tumayong principal sponsors nang ikasal ito kamakailan sa Italy.

Ryan Agoncillo, Juday, Iza & Ben Wintle/ ©allandiones.com
Happy friends: Ryan, Juday, Iza & Ben/ ©allandiones.com
Soon-to-be Mr. & Mrs. Wintle, Ben & Iza/ ©allandiones.com

Lumapit si Ben at kinamayan si Ryan, tapos ay bumeso ito kay Juday. Si Iza ay nagbeso kay Ryan.

Nagpasintabi si Iza dahil hindi raw sila nakapagdala ng regalo na ibibigay dapat sa mag-asawa.

Ganu’n pala kasi ang nakasanayan ng mga Pinoy, binibigyan ng gift ng magpapakasal ang kinukuha nilang Ninong at Ninang sa kasal.

Ani Iza, kinuha nila ang mag-asawa para sa guidance ng mga ito sa nalalapit nilang paglagay sa tahimik ni Ben.

Chika-chika and piktyuran after ang dalawang showbiz pairs na very happy sa kanilang mga buhay-pag-ibig.

Hindi kataka-takang naisip ni Iza na kunin sina Juday-Ryan dahil bukod sa malapit siya sa mga ito ay isa ito sa mga huwarang young couples sa showbiz.

39-anyos si Juday, si Iza ay 35.

Nu’ng October 8 nag-propose si Ben kay Iza sa Sonya’s Garden sa Tagaytay, after more than 6 years of being boyfriend-girlfriend.

Next year ang kanilang wedding, na hindi pa sure kung sa isang Asian country gaganapin o dito sa Pilipinas.

Panoorin below ang video ng masayang gabi na ‘yon with their soon-to-be Ninang & Ninong sa kasal.

Ben's proposal to Iza last October 8 in Tagaytay/ @benmwintle IG
Iza, Ben and their dog during the proposal in Sonya's Garden/ @benmwintle IG
Iza showing her sparkler from hunky fiance Ben/ @benmwintle IG

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *