Scroll to Top

Jennylyn Mercado’s reunion movie with Derek Ramsay is her most daring yet: “Binigay ko po lahat-lahat. Lahat na po!”

By Allan Diones / Published on Monday, 04 Dec 2017 19:33 PM / No Comments / 1740 views

EXCITED si Derek Ramsay sa balik-tambalan nila ni Jennylyn Mercado.

After their blockbuster and award-winning MMFF movie nu’ng 2014 na English Only, Please ay magkatambal muli sina Jennylyn at Derek sa MMFF 2017 entry na All Of You.

Ayon kay Derek, sa EOP ay puro lang sila patawa at pa-cute ni Jen. Sa AOY ay intense ang mga eksena nila, so hindi sila sanay at pareho silang nailang nu’ng umpisa.

Sey pa ni Derek, medyo may ilangan silang dalawa dahil naging close sila sa unang pelikulang ginawa nila. At sa muli nilang pagtatambal ay mas sexy at mas sensuwal ang mga eksena nila.

Kuwento ng hunky actor, very updated ang All Of You when it comes to dating at sa pananaw ng society today pagdating sa marriage.

Nag-meet ang mga karakter nila ni Jen abroad because of a dating app. Tapos ay medyo naging seryoso ang kanilang relasyon, nagsama sila at nag-e-expect si girl ng kasal.

Si boy ay hindi ‘yon priority. Relaks lang ito pagdating sa marriage, but he’s a loyal and committed boyfriend.

Natatawang tsika ni Derek, sa English Only, Please ay sobrang smack lang ‘yung kiss nila ni Jen sa bandang dulo, pero nahirapan silang i-shoot ‘yon.

As in paulit-ulit daw sila ng eksena. Siguro ay naka-take 10 sila sa simpleng smack lang na ‘yon.

“This time, 100X level up ‘yung scenes ng kissing and hubaran and stuff like that. So, wow! From smack to… Ha! Ha! Ha!” tawa ni Derek.

Dugtong niya pa, may funny and light scenes sila ni Jen na they jump into having sex, tapos meron ding mahihirap na eksena ng making love at dapat ay makita sa screen na totoong inlab sila sa isa’t isa.

Aminado si Derek na it took a while bago niya nakondisyon ang sarili niya na kailangan niyang buhatin ang kaibigan niyang si Jen, ihagis ito sa kama at makipag-sex dito sa intense intimate scenes nila.

Pero sabi ng 40-anyos na aktor, may rason kung bakit #1 Sexiest si Jen sa FHM dahil grabe ang kaseksihanan nito at natural.

Mukha pa lang daw nito ay nag-e-exude na ng sexiness.

Derek Ramsay & Jennylyn Mercado at the presscon of 'All Of You'/ ©allandiones.com
Derek & Jennylyn in their MMFF reunion movie, 'All Of You'

Ang daming love scenes

Tila nanibago rin si Jennylyn na mula sa mga cute and light scenes lang nila ni Derek sa English Only, Please ay napasabak sila sa mabibigat na eksena sa All Of You.

“Ang daming love scenes, hindi ako ready. Ha! Ha! Ha!” tawa ni Jen nu’ng presscon ng AOY.

“Pero in fairness naman kay Derek, talagang ano siya, napakaingat niya at nakapaka-gentleman pagdating sa mga ganu’ng klaseng eksena. Talagang pinoprotektahan niya ako,” dagdag na sey ng award-winning Kapuso actress.

Matigas pa rin daw ang abs ni Derek at hindi pa rin nawawala after 3 years.

Natutuwa si Jen na hindi nagbabago si Derek. Inamin niyang sa movie ay kailangan niya ito para magawa niya ‘yung mga eksena niya.

“Minsan, may mga oras na hahawakan ko siya, ‘Tulungan mo ako, please. Tulungan mo ako.’

“Hahawakan ko siya, tapos ita-tap niya lang ako, maiiyak na ako. ‘Yung gano’n. Mapi-feel ko na ‘yung eksena.

“Napakalaking tulong na si Derek ‘yung katrabaho ko rito sa All Of You dahil napakagaling niyang aktor talaga,” bulalas ni Jen.

Jennylyn Mercado/ @mercadojenny IG
Jen looking Fierce/ @mercadojenny IG

Tumodo sa pagka-daring

Deklara ng 30-anyos na aktres, ito na ang pinakamapangahas na pelikulang ginawa niya.

“Ito na po ‘yung pinakatodo. At saka marami masyadong love scenes,” medyo natatawang pakli ni Jen.

Nabasa naman daw niya ang script bago nila ito sinimulan, so alam niyang may mga ganu’ng eksena talaga.

“Binigay ko po lahat-lahat. Lahat na po! Panoorin n’yo po. Ha! Ha! Ha!”

Ang sabi ng two-time Metro Manila Film Festival Best Actress (para sa English Only, Please at Walang Forever) maingat at maalaga si Derek pagdating sa mga ganu’ng eksena kaya hindi sila nagkaproblema.

Nang usisain namin kung gaano ba karami ang love scenes nila ni Derek sa movie, ang sagot sa amin ni Jen ay mga apat o lima.

Naramdaman niya ba na na-carried away si Derek sa maiinit na lampungan nila?

“Hindi naman. Ano lang, kailangan naming gawin nang mabuti ‘yung trabaho siyempre, para lumabas nang tama.

“Kasi, baka mamaya ‘pag napanood ng mga tao, dautin kami na parang ilang na ilang naman ‘yung itsura. Siyempre, kailangan parang totoo.”

Tsika pa sa amin ni Jen, first time niyang ginawa rito na wala siyang suot na pang-itaas.

“‘Yun na ‘yung pinakaano. Todo na ‘yun sa akin, eh! Ha! Ha! Ha!”

As in wala ring plaster ‘yung bandang dibdib niya, ganu’n?

“Meron naman po, meron sa harap. Sa likod ‘yung talagang wala,” sambit ni Jen.

Ayon sa award-winning at box-office director na si Direk Dan Villegas, ipinakita nila sa All Of You ang isang slice of life na love story.

Maraming love scenes dahil totoo namang nangyayari na ‘pag bago lang kayong magkarelasyon ay pareho pang mainit.

‘Yung tipong magkatinginan lang ay ‘kangks’ (as in kangkangan o sex) na agad ‘yon. Then, after a few years ay nawawala na ‘yung init at wala nang nangyayari.

‘Yun ang gusto nilang ipakita rito, ‘yung tunay na nagaganap sa real-life relationship.

Sa Araw ng Pasko ang simula ng showing ng All Of You nationwide mula sa Quantum Films, MJM Productions, Planet Media Production at Globe Studios.

JenDer tandem/ @jennylynworld IG
One of the 8 official entries to the MMFF 2017, 'All Of You' opens December 25 in cinemas nationwide

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *