Scroll to Top

8 QUESTIONS with JOEY DE LEON

By Allan Diones / Published on Tuesday, 05 Dec 2017 15:00 PM / No Comments / 1041 views

INSPIRED by Tito Boy Abunda’s ‘Fast Talk’ segment in TWBA – we give you 8 QUESTIONS.

Madalian at mabilisang tanungan. Presence of mind lang ang kailangan.

Walong tanong para sapat lang. Hindi konti, hindi rin karamihan.

And because 8 is my favorite number (‘yun ang totoong dahilan, hehe!).

Ang ikatlong sasalang ay ang batikang comedian-TV host, 1/3 ng TVJ trio ng Eat Bulaga, kinikilalang showbiz guru at Henyo Master… Mr. JOEY DE LEON.

Isa sa pinakapilyo at pinakamaloko – na ‘yung mga hindi sanay sa kanyang sariling brand of humor ay posibleng mapikon o ma-offend – tila bawat sabihin ni Tito Joey ay inaabangan at puwedeng pagmulan ng isyu.

Sobrang jetsetter na naikot na yata bawat sulok ng mundo, mahilig mag-food trip at todo kung magmahal sa kanyang pamilya, si Joey de Leon ay isang tunay na LODI.

Palabas pa sa mga sinehan ang Barbi D’ Wonder Beki, kung saan pumayag si JDL na buhayin ang orig na karakter niyang si Bartolome del Rosario a.k.a. Barbi, na ngayon ay ipinasa na niya sa millennial Barbi na si Paolo Ballesteros.

Here’s the one and only Tito Joey…

Showbiz guru, Mr. Joey de Leon personally designs limited edition ‘Eat Bulaga’ shirts/ @angpoetnyo IG
Joey as Bartolome del Rosario a.k.a. Barbi, his iconic movie role in the ’90s/ @angpoetnyo IG
Joey The Original Barbi with The Millennial Barbi, Paolo Ballesteros: star of ‘Barbi D’ Wonder Beki’/ @angpoetnyo IG

1. What makes you laugh?

Minsan sarili ko, eh. Alam mo, may natutunan ako, eh. ‘Pag natawa ka pala sa sarili mo, magandang sign ‘yon dahil normal ka. At saka wala kang diperensiya. Ano ‘yon, okey ‘yon. Good sign ‘yon. Dahil nagsusulat ako, eh (JDL has a weekly column in Phil. Star). So, minsan natatawa ako sa mga sinusulat ko.

 2. What makes you cry?

Naku, madali. Mga pelikula. ‘Yung Netflix, maraming beses akong pinaiyak. Ha! Ha! Ha! May napanood ako, ‘yung Tierra de Maria (The Land of Mary). Sa Netflix ‘to, pino-promote ko. Nakakaiyak siya. Talagang tumutulo ang luha ko.

3. If you can live anywhere in the world, what country would you choose and why?

Tatlo lang ang pagpipilian ko, magkakalapit, eh—Hong Kong, Macau, Japan. Eh Hong Kong-Macau naman, China lang ‘yun, eh. Wala, sa Asia pa rin, eh. Singkit pa rin, eh.

Japan. Nandu’n na lahat, eh. Maganda weather, mabait mga tao, food. Maraming pestibal. Pati parada ng mga burat (Kanamara Matsuri o ‘Festival of the Steel Phallus’ sa Kawasaki, Japan), meron! Ha! Ha! Ha!

4. Name 3 young comedians na sobrang hinahangaan mo?

Ewan ko, young pa ba ‘yung JoWaPao (Jose Manalo, Wally Bayola & Paolo Ballesteros)? ‘Yun ang nakakapagpatawa sa akin. Sila lagi ‘yung kasama mo, so sila ‘yung nagpapatawa sa ‘yo, eh. Nu’ng araw, si Janno (Gibbs), tawa ako nang tawa, eh. Actually, lahat eh. JoWaPao!

5. Sinong mas kuripot: ikaw o si Bossing Vic Sotto?

Kuripot, palagay ko hindi na ngayon… nu’ng araw, kuripot kami. Ewan ko, mas mayaman ‘yun, eh. Kaya…

Mas mayaman, ibig sabihin mayaman din ako? Hindi, hindi. Ha! Ha! Ha! Hindi ko alam, eh. Hindi ko masabi, eh. Si Vic, kung mag-dinner ‘yan ng pamilya niya, lahat ng pamilya kasama lagi. Magastos din.

6. Good sex or good food?

Good food. ‘Yung sex wala na, pinagsawaan mo na, eh. At saka ilang minuto lang ‘yun, eh. At saka (‘yung food), may koneksyon sa God. Dahil may Food for the Gods. Wala namang Sex for the Gods! Ha! Ha! Ha!

7. ABS-CBN or GMA?

Pareho. Kasi, galing ako diyan (sa ABS), eh. Diyan ako nag-umpisa. At ako, lahat pinapanood ko. Alam mo ba, lahat ng news, pinapanood ko? Gabi at early evening at pati morning. Oo, lumilipat ako, malikot ako sa remote.

8. Kung naging ikaw si Barbie (as in the famous doll), sino ang pipiliin mong maging Ken at bakit?

Lalaki? Mahirap ‘yan. Walanghiya ka! Mahirap ‘yan, ah! Hindi, hindi ako talaga attracted sa lalaki, eh!

Wala, bigyan mo ako ng time, mahirap, eh. Kevin Spacey? Ha! Ha! Ha! Namatay siguro. Si Elvis Presley, siyempre. Elvis Presley. Kumpleto ‘yun, eh!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *