Scroll to Top

Makahulugang reaksyon ni Vic Sotto sa issue kay Maine Mendoza: “Kapag mahal mo ‘yung ginagawa mo, kahit anong pagdaanan mo, eh kakayanin mo.”

By Allan Diones / Published on Wednesday, 06 Dec 2017 16:44 PM / No Comments / 1686 views

HININGAN ng reaksyon ng media si Vic Sotto hinggil sa co-host niya sa Eat Bulaga na si Maine Mendoza.

Nagbabakasyon sa ibang bansa at hindi napapanood ngayon sa show si Maine, na tila humingi muna ng break mula sa showbiz after nitong ihayag ang mga saloobin nito sa pamamagitan ng isang open letter kamakailan.

Sa presscon ng MMFF 2017 entry ni Bossing na Meant To Beh nu’ng Martes nang hapon ay siya ang kinunan ng pahayag ng press tungkol kay Maine.

“I’m not privy sa mga nangyayari kay Maine. But whatever it is, me personally, I will respect kung anuman yung desisyon niya,” bulalas ni Bossing.

Nalungkot ba siya para sa AlDub loveteam?

“Nalungkot ako para sa ibang tao, but life should go on and we should just respect each other.

“Hindi ko masyadong naiintindihan eh, so I cannot really comment,” sabi ng batikang comedian-TV host.

Nabasa niya ba ang open letter ni Maine?

“Wala akong social media, eh. Nagtatanong-tanong lang ako kay Pauleen (Luna, his wife) kung anong mga latest update.”

May mga nagtatanong: totoo ba na sinuspinde si Maine sa Eat Bulaga?

“That is not true. Hindi totoo ‘yon. Bakit kailangang i-suspend ng Eat Bulaga? That’s her decision to take a break, I think,” paglilinaw ni Bossing.

Babalik pa ba si Maine sa show?

“I cannot answer for her. That’s her own decision,” simpleng tugon ng EB host.

Kung siya ba ang tatanungin ay mas gusto niya na buo pa rin ang AlDub?

“Kung tinatanong mo ako sa loveteam, hindi na mawawala ‘yon. Forever nang nandu’n ‘yung loveteam na ‘yon.

“Hindi naman porke nagbakasyon lang ‘yung isa, ‘Ah, wala nang loveteam!’ Nandu’n na ‘yon.

“Parang Guy & Pip lang ‘yan na hanggang ngayon, buhay pa rin ‘yung idea na may Guy & Pip,” pakli ni Bossing.

Maine Mendoza/ @mainedcm IG
Vic Sotto with Dawn Zulueta, his leading lady in the MMFF 2017 movie, 'Meant To Beh'/ ©allandiones.com

‘Wala nang makakabuwag sa AlDub!’

Tila bitin pa ang showbiz press sa mga pahayag ni Bossing Vic kaya muli siyang tinanong tungkol sa isyu kay Maine.

Inulit niya ang sagot niya na hindi siya privy sa mga desisyon ni Meng, pero para sa kanya, kung anuman ‘yon ay nirerespeto niya.

“Suportado kita kung anuman ‘yung mga nararamdaman mo, pinagdadaanan,” ani Bossing.

So, naiintindihan niya kung anuman ang pinagdadaanan ngayon ni Maine lalo na ‘yung tungkol sa mga fans nito?

“I’m trying. I’m trying, kasi, I’ve been in the business for so many years. Kapag mahal mo ‘yung ginagawa mo, kahit anong pagdaanan mo, eh kakayanin mo.

“Eh we cannot judge anyone for that matter. Me, I cannot judge. Ako, irerespeto ko kung anuman maging desisyon niya.

“Hindi naman kasi ako ano, wala akong social media, eh. Kaya hindi ko alam ang nangyayari. Nakiki-update lang ako kay Pauleen.”

Sa tingin niya ba, minsan talaga ay sobra na ‘yung ibang fans kaya rin naapektuhan nang ganu’n si Maine?

“Eh, that’s what social media is all about. Sometimes, meron tayong mga iresponsableng users. Hindi naman lahat ng tao, eh responsible.

“But if you’re into social media, you expect that. Tulad ni Pareng Joey (de Leon), minsan nagkakamali. Pero bilang isang matipunong lalaki, eh nagso-sorry. Kung alam niyang mali siya, ‘Sorry.’

“‘Di ba? Pero sabi ko nga, ‘yung social media, hindi mo maiiwasan ‘yung hindi lahat ng opinyon, sasang-ayon sa ‘yo, eh.

“Kaya nga siguro ako hindi nagso-social media para kaibigan ko lahat ng tao.”

Pero sa tingin ba niya ay mananatili pa rin ang AlDub loveteam o posibleng mabuwag na ito?

“Wala nang makakabuwag du’n. AlDub is AlDub. Bakit, ‘yung Guy & Pip ba, kinalimutan n’yo na? Hindi pa, eh.

“Nandiyan na ‘yan. Forever nang nandiyan ‘yan. Nakatatak na sa mga puso natin, hindi na mawawala ‘yon,” seryosong sey ni Bossing.

Tuloy pa rin ba sina Maine at Alden Richards sa Eat Bulaga at ang AlDub ba ay hindi aalis sa show o kung anuman?

“Si Alden, alam ko, kasama namin palagi. Si Maine, hindi ko alam. I cannot speak for her.”

Sakaling umalis si Maine sa show, anong mararamdaman niya?

“Sayang. Malungkot. But the show has to go on,” mabilis na sagot ni Bossing.

Kailan ba ang balik ni Maine?

“Hindi ko alam. Itanong mo sa kanya!” natatawang sambit ni Bossing Vic, na after 20 years ay katambal muli si Dawn Zulueta sa family comedy movie na Meant To Beh na sa Christmas Day ang showing sa mga sinehan nationwide.

After her open letter, Maine Mendoza takes a break from showbiz/ @mainedcm IG

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *